FIVENakaupo lang kaming dalawa ni Mica dito sa sala. Nag c-cellphone lang siya habang ako naman ay nakatulala sa kawalan. Iniisip ko kung bakit ako napunta sa ganitong kalagayan? Ang simple lang ng buhay ko ngunit simula nung napaginipan ko ang tunnel na yun. Para na akong nasa isang pelikula at ako ang bida. Baka naman prank lang to at may camera sa paligid ha. Tumingin-tingin ako sa paligid na para bang nababaliw. Natawa ako saka umiling. Nababaliw na nga yata talaga ako.
Napaigtad ako sa aking upuan ng biglang tumunog ang cellphone ko sa tabi. Napatingin naman sa gawi ko si Mica at saka sa cellphone na tumutunog
"Phone mo tumutunog" nguso sa akin ni Mica kaya kinuha ko ang phone sa bulsa at napakunot ang nuo ko ng unregistered number ang nakalagay. Sa pagkaalala ko wala naman akong binigyan ng number?
"Number lang"
"Sagutin mo" seryoso niyang sabi atsaka binaba ang celllphone niya at nakatuon na ang buong pansin niya sa akin. Bumuntong hininga ako at sinagot na ang tawag. Ni loud speaker ko ito para marinig din niya.
"H-hello" garalgal na boses ang narinig namin sa kabilang linya. Napakunot nuo akong nakatingin kay Mica kaya mas lalo siyang lumapit sa akin para mas marinig din niya ang nasa kabilang linya. It's Angel, yung na interview namin kahapon ni Rafael... peri bakit napatawag?
"H-hello, y-yung k-killer" napatakip ako ng kamay sa bibig ng marinig ang sinabi niya. Parang pinipigilan niyang sumigaw na tila ba may makakarinig sa kanya. Maririnig mo ang takot sa boses niya kaya mas lalo akong kinabahan.
"It's Angel?" Tanong ni Mica na walang tunog. Tumango lamang ako sa kanya.
"T-tulonggg, t-tulungan mo ako. Ugh" sambit niya sa nahihirapan na boses
"Hold on Miss, magtago ka lang at wag kang magpapakita sa kanya. Hintayin mo..."
"WAGGGGG. AHHHHHHHHHHHH"
At biglang naputol ang linya. Nagkatinginan kami ni Mica at dali-daling lumabas ng bahay.
"Xia kailangan nating tawagan si Raphael, mapanganib ang killer, kita mo naman kung gaano siya kalakas diba?" Hindi ko pinakinggan si Mica at mas lalo pang binilisan ang lakad ko papunta sa apartment ni Angel, langyang taxi driver kasi yun. Ang bagal-bagal tumakbo.
"XIA" nasa pintuan na ako ng apartment ni Angel ng hinarap ko siya. Ang ingay, sana iniwan ko nalang to. Psh! hindi kami pwedeng mag aksaya ng oras...
"Kung gusto mo siyang tawagan, tawagan mo dito sa labas" sabi ko sa kanya sabay pasok sa loob.
Pagpasok ko bigla akong kinabahan, tangina kailan ba ako naging bayani? Ngayon lang ata.
"Miss Angel?" Nagkalat na mga gamit lang ang nakita ko sa sahig kaya mas lalo akong kinabahan.
Malayo na ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Mica sa labas"Hintayin mo ako Xia, wag mong paiiralin ang pagiging tanga mo" ngunit diko siya pinakinggan dahil sa boses na narinig ko. Lumapit ako sa isang pinto nasa tingin ko ay kwarto niya. Sa paglapit ko ay mas lalo kong narinig ang kanyang boses.
"Ugh. T-t-tulong" mahina niyang sambit na tila ba nahihirapan. Sa pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Angel na nakahiga sa sahig at puno ng sariling dugo.
"WTF!" Dinaluhan ko siya at pilit na pinapatayo, hindi ko na pinansin ang patalim na nasa kamay niya dahil mas nataranta ako sa dugong nakatabon na ngayon sa kanyang mukha.
"Tumayo ka, kailangan nating pumunta sa doctor" sabi ko sa kanya habang inaalalayan siya, Kahit mahirap ay pinilit ko parin siyang itinayo.
"Y-yung N-nurse..." biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon
"XIA"
****
SOMEONE'S POV
Bwiset. Nagpakahirap ako para sa planong ito tapos sisirain lang ng walang hiya. Mapapatay ko na sana ang pabidang babaeng ito. Bwiset talaga.
"Y-yung nurse" nanghihina kong sabi. Nanghihina na talaga ako dahil sa dugong nawala ko sa sarili ko. Ngunit may kasabihan tayong ang masamang damo ay matagal mamatay, mga daplis lang naman ang ginawa ko sa aking katawan at alam kong malayo ito sa bituka ngunit dahil sa tagal nilang dumating nanghihina na din ang aking katawan.
Napangiti ako ng lihim at gamit ang aking buong lakas, tinaas ko ang kutsilyong hawak ko. Nakatalikod siya sa kamay kong may hawak ng kutsilyo kaya tinutok ko ito sa may bandang dibdib niya. Sasaksakin ko na sana siya ng biglang may pumasok sa loob ng kwarto.
"XIA" naibaba ko ang kutsilyo. At napamura ng lihim. Sh*t naman talaga! Mapapatay ko na sana tong pakialamerang babaeng ito eh.
Pinikit ko ang aking mga mata dahil biglang umikot ang buong paligid...
BINABASA MO ANG
UNREVEALED
Mystery / Thriller"We must all suffer one of two things: the pain of discipline or the pain of regret or disappointment." -Jim Rohn