NINE
XIA'S POV
"Rafael wait lang. Excited?" Naiinis kong sabi sa kanya. Kasi naman, ang bilis niyang maglakad.
Nabundol ako bigla sa isang matigas na bagay"Oh? Bakit huminto ka na jan? Kanina ang bilis-bil..."
"Sssshhh" napahinto ako sa pagsasalita ng may marinig kaming parang nabasag na baso o ano.
"T-tulong" napahawak ako sa laylayan ng damit ni Rafael ng may marinig kaming boses. Boses babae,
Tumuloy kami sa paglalakad at nakahawak parin ako sa damit niya at ang tanging nagsisilbing ilaw namin ay ang kanyang telepono.
Napatingin naman ako sa kamay ko ng bigla niya itong hinawakan, at hindi ko man aminin ngunit ang takot na naramdaman ko kanina ay unti-unting nabawasan. Napangiti nalang ako ng lihim
"Para hindi ka mawala" nakatalikod niyang sabi sa akin. Tinignan ko lang ang likod niya saka sa magkahawak naming kamay. Pinilig ko ang ulo ko at sinuway ang sarili sa mga naiisip.
"At please lang, wag mong paiiralin ang pagiging tanga mo ngayon" seryoso niyang sabi sa akin kaya napatahimik na lang ako.
"M-may t-tao ba d-diyan?" Naririnig na naman namin ang boses na iyon. Lalakad na sana siya ng bigla siyang napatigil ng hindi ako sumunod
"H-hintayin n-nalang k-kaya muna natin ang mga pulis?" Nanginginig kong sabi at alam kong ramdam niya ang takot ko dahil sa lamig ng kamay ko
"Kung hihintayin natin sila. Baka mahuli na tayong iligtas sila" hindi na ako nagsalita at sumunod nalang ako sa kanya at mas nakadadagdag ng kaba ang sobrang katahimikan ng buong paligid.
Napahinto ako ng may maapakan akong isang matigas na bagay. Nang mahawakan ay bigla akong napatalon sa sobrang gulat.
"Sh*t!sh*t!sh*t" tatakbo na sana ako palayo ng may pumigil sa kamay ko.
"Dito ka lang" naiiyak akong tumingin sa kanya. Di ko na kaya, sa panaginip ko palang para na akong namamatay. PANAGINIP? Nilibot ko ang tingin sa buong paligid at gamit ang nagsisilbing ilaw ay kitang-kita ko at mas nararamdaman ko ang takot. Ito yung nasa panaginip ko.
Napaupo nalang ako sa sahig kaya binitiwan ni Rafael ang kamay ko para puntahan ang bagay na natapon ko kanina. Hindi iyon isang bagay lang.
"Isang kamay?" Oo isang kamay na putol na nakatali sa isang kadena ang nahawakan ko kanina.
Sinuri ito ni Rafael at biglang napatingin sa akin."Parang sinadya niyang putulin ang kanyang kamay"
"Para makawala?" tango lamang ang kanyang tugon. May kinuha siya sa daliri nito.
"It seems like katulad na katulad ito sa sing-sing na suot mo" seryoso niyang sabi habang nakatingin lamang sa sing-sing na hawak niya.
Napahawak naman ako sa sing-sing na hawak nito.
NO! Dalawa lang kaming may ganito."Si Mica" biglang tumulo ang aking luha. Hindi pwede. Hindi maaari.
"Sabi niya nasa pinsan niya siya diba?" Sabi ko kay Lt
"Kaya hindi siya to, hindi" naiiyak kong bulong sa aking sarli.Baka ninakaw lang sa kanya ang singsing na yan. Hindi kay Mica yan. Hindi magsisinungaling sa akin si Mica. Yun ang pangako namin sa isa't isa. Sabi niya din walang iwanan. Kaya hindi ako maniniwalang kay Mica yan.
HINDI.
*****
*FLASHBACK*
"Ano ang mga pangarap mo Mica?" tanong ko sa kanya. Nakilala ko siya sa trabaho at naging malapit kami kasi madami kaming pagkakatulad. Palagi kaming magkasama sa mga break sa trabaho. At sabay kaming nag a-out.
Para na kaming magkapatid at ngayon ang unang gabi namin sa apartment na inuupahan namin. Napagkasunduan namin na sa isang apartment nalang tumuloy para hati kami sa lahat at medyo makasave kami.
Parehas kaming madaming pangarap. Ang pinagkaiba lang ay pinanganak ako sa pamilyang medyo may kaya.
"Pangarap ko? Magkaroon ng sariling bahay, kotse, lupain at maibigay lahat ng bagay na kailangan ng kapatid ko. Di katulad mona pinanganak na may kaya, kami walang-wala talaga. Kaming dalawa ng kapatid ko, parehas kaming panganay kasi iba-iba ang mga tatay namin. Bayarang babae ang mama namin kaya ganito kami. HAHAHA. lahat ng meron ang mga kaklase ko noon kinakainggitan ko. That makes me dream and have goals. Nagpursige ako sa pag-aaral at nagtratrabaho at the same time kasi yung kapatid ko kailangan ng medications." -Mica
"Oo nga pala, nasaan yung kapatid mo? Kasi diba nabanggit mo na may kapatid ka. Bat di mo siya sinama dito sa apartment para mabantayan mo at may tao din dito habang nasa trabaho tayo."
She smiled bitterly. "Nasa mental hospital ang kapatid ko. She lost her sane dahil sa drugs at pambubugaw sa kanya. Habang ako ay nagtratrabaho at nag-aaral ay naiwan siya sa puder ng nanay namin. Leader ang mama namin sa child trafficking at isa na doon ang kapatid ko. Pinapahubad nila at pinapagawa ng malalaswang bagay sa murang edad palang. Noong malaman ko yun mula sa kapatid ko, agad akong tumawag ng pulis. Ako ang naging dahilan ng pagkakulong ng ina namin at napabayaan ko din ng kapatid ko na sumama sa mga adik niyang kaibigan. Kasalanan ko lahat." A tear fell from her eye and instinctively I hugged her. Alam ko hindi mapapawi ng yakap ko ang lahat ng masasama at masasakit na mga alalang habang buhay niyang dadalhin.
Since that day I promised to myself na hindi ko siya iiwan at magtutulungan kami hanggang makabuo na kami ng sari-sarili naming pamilya. I promised her. Hindi ko na napigilan ang mga luhang pumapatak sa aking mga pisngi. Ang sakit na hindi ko yun nagawa. Hindi ko siya naprotektahan.
BINABASA MO ANG
UNREVEALED
Mystery / Thriller"We must all suffer one of two things: the pain of discipline or the pain of regret or disappointment." -Jim Rohn