CHAPTER TEN

1 3 0
                                    

CHAPTER TEN

XIA'S POV

Kahit sobrang sikip ng dibdib ko ay nakaya ko paring tumayo. In-offer ni Rafael ang braso niya sa akin kaya tinanggap ko ito. Habang hinay-hinay kaming naglalakad ay lumalakas ng lumalakas ang masangsang na amoy.

Talagang nakakabulasok ang amoy nito. Kahit hindi masyadong kita, mahahalata mo ang mga dugo na nasa pader. Anong klaseng tao ang namamalagi dito? Paano niya nakakaya ang ganitong klaseng amoy? Hindi ata tao ang palaging nandito.

"Kaya mo ba pa?" tanong ni Rafael na puno ng pag-aalala.

"Kaya ko pa." maikli kong sagot. Nilibot ko ang mata ko sa kabuuhan ng tunnel. Napakadaming bungo at mga buto may iilan ding mga posters about missing persons. Hindi ko kilala lahat pero may iilan na pamilyar sa akin.

Naiiyak ako sa mga nakikita ko. May preskong dugo din, hindi ko na napigilan ang masaganang kung luha sa isipang baka isa din dito si Dra. HAYOP. Walang tao ng kayang gumawa ng ganitong brutal na pagpatay.

Hindi nakakapagtaka kung madaming upuan dito at mga kadenang puno ng dugo at nangangamoy kalawang. Madaming ding tali na nakabitay. Nasaan na ang humanidad sa taong ito. Tila isang mabangis na hayop na ito sa dami ng nakitilan niya ng buhay.

Nasaan na ba ang mga pulis? Bakit hindi pa sila rumiresponde? Kung kelan kailangan sila saka naman sila wala.

Tinignan ko si Rafael. Nakakapagtaka, bakit siya umiiyak? Biglang kinurot ang puso ko sa nakikita ko sa kanya. Yung Rafael na kilala kong palaging seryoso ay tila naglaho at napalitan ng iyakin at puno ng emosyon na Rafael

"Bakit ka umiiyak?"

"Tama ang hinala ko, isa din sa biktima ang ate ko na walang pinatay ng hayop na ito. Ito ang dahilan kung bakit ako nagpursige maging pulis, para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate ko. Natagpuan din ang katawan niya sa may bukana ng tunnel na ito. Puro hiwa, galos at pasa sa katawan. Bali-bali din ng iilan sa kanyang buto. At higit sa lahat nawawala ang isang mata niya." -Rafael

"Hindi kaya ay nandito ang nawawalang mata ng ate mo?"

"Hindi yun imposible." napansin ko na medyo tumatatag na ng kanyang boses. Hindi na katulad kanina. Masakit din pala ang pinagdaanan niya dahil sa killer na ito. "Pangako kung bibigyan ko ng hustisya ang lahat ng biktima ng hayop na ito." puno ng determinasyon niyang sambit. Hindi angkop sa sitwasyon namin ngayon ngunit napangiti ako sa nakita kong determinasyon niya. Alam kong masakit para sa kanya ngunit kinakaya niya parin.

Naglalakad kami at may iilan kaming garapon na napapansin. Noong ilawan iyon ni Rafael ay di ko napigilang masindak.

Garapon iyon na may mga matang laman at tila likido na nagpapanatili sa anyo ng mga mata. May naririnig din akong patak. Kaya tumingala ako at hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha. Si Dra. Cortez nakabigti. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang malaki at malalim na sugat sa dibdib niya.

Walang kasalanan si Dra at may anak pa siya. Naaawa ako sa anak niya. Sa murang edad ay nawalan na ng ina.

Hindi ko alam bakit pero bigla kong napalingon sa likod. Napahinto ako at napatitig sa pamilyar na poster. Ang matalik kong kaibigan noong nasa high school palang ako. Hindi ako nagkakamali, si Anna ito.

Bigla nalang nanglabo ang paningin ko at unti-unting bumuhos ang luha sa aking mga mata

*****

SOMEONE'S POV

Kung siniswerte ka nga naman, ang nasa listahan ko ay nandito. Thank you at dinala ka ng pakielamera mong instinct dito sa tunnel. BWISET KA! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO PINAGHIHINALAAN NI DRA. PERO KALMA SELF. Wala na si Dra, kaya wala na akong dapat pangambahan.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinampas ko si Rafael sa ulo ng makapal na kahoy. Hinimatay agad sa isang hampas lang.

"Oopss, napalakas ata." bigla ko nalang nasabi. Nakarinig ako ng tumakbo, nakita siguro ni Xia ang ginawa ko kaya tumakbo.

"HAHAHAHA! PATHETIC B*TCH"

UNREVEALEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon