CHAPTER SEVEN
Angel's POV
Hanggang kailan ba ako maglalagi sa ospital na ito? Bagot na bagot na ako dahil ilang araw din akong nakaratay sa walang kwentang higaan sa ospital na 'to.
"Ano kayang pwedeng gawin ngayon?" pagtatanong ko sa aking sarili.
Habang inililibot ko ang aking paningin ay may nahagip ang mga mata ko sa table ng kwarto ko. May nakapatong doong ballpen, envelope, at mga papel. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong kinabahan sa nakita ko. Pero dahil sa kuryosidad ko, ay nilapitan ko ang table at nakita ang mga dokumentong naglalaman ng mga karumaldumal na gawain ko. Hindi ko alam kung sino ang naglagay nito dito. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o ano. Pero isa lang ang sigurado ko, may alam ang taong ito sa mga ginagawa ko.
Dahil sa mga nakita ko ay kinabahan ako. Hindi ko kilala kung sino ang nasa likod ng nagbigay ng dokumentong ito sa akin. May nakakita kayang ibang tao sa dokumentong ito? o ako pa lang at ang nagpadala ng envelope na ito ang may alam.
Kung ganon ay marapat lang na umalis na ako sa ospital na ito. Alam ko na malapit lang sa akin ang taong nag iwan nito sa table kung saan ako naconfine.
Dahil doon ay nagsimula na akong magbihis ng damit at umalis sa ospital kung saan ako itinakbo. Matapos kong makapagbihis ay pumunta na ako sa nurse station para makapag out na at makabalik sa apartment ko.
Habang nasa biyahe ako ay iniisip ko kung anong maari kong gawin sa doktor at nurse sa ospital. Alam kong alam nila na hindi galing sa trabaho ko ang sugat ko sa paa. Baka kumanta pa ang mga yun sa bida-bidang pulis na nagiimbestiga sa mga kaso na ginawa ko. Baka mapurnada pa ang mga plano ko kapag nangyari yun.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nasa kanto na pala ako papunta sa apartment ko. Buti na lang at kinalabit ako ng kunduktor ng bus na sinakyan ko at nagising ako sa malalim na pag-iisip.
Habang naglalakad papunta sa apartment ko ay nakita kong may tren na papalabas mula sa tunnel kung saan ko ginagawa ang pagpatay. Napangiti ako sa mga ala-alang naisip ko. Diyan ko hinampas ng dos por dos si Viel HAHAHAHAHA. Ang sarap pala sa feeling na maalala ang mga ganung bagay. Napahagikgik na lang ako sa mga iniisip kong ito at dumiretso na patungo sa pinakamamahal kong apartment.
****
"SINO KA?! NASAN AKO?!!" sigaw ng pinaghihinalaan na si Arriane . Kahit naman na di nila ako kilala pinagkatiwalaan nila agad. Palagi sila sa ospital habang wala pa silang trabaho. Ang bilis talaga pasakayin sa plano. HAHAHA.
"MAY TAO BA DYAN? SINO KA? NASAAN TAYO? PLEASE NOT ME, I HAVE A DAUGHTER! ANG BATA NIYA PA PARA MAWALAN NG INA." sabi naman ni Dra. Cortez na tamang hinala.
"Alam mo Doc, di ka kasi masasama dito kung di kalang nagfeeling madaming alam. Ikaw din kasi Arriane , ang bilis mong pasakayin. Di ka nagtaka bat bigla akong nakipagkaibigan sayo. HAHAHHAA. MGA HANGALL!! DI KAYO NAGTAKA? Pero alam ko naman na may mga hinala na kayo." Mala demonyo kong sabi habang pinapatunog ang kutsilyo sa lamesang mala bakal
"Eenie meenie miney mo, sinong uunahin ko?" Puno naman ng takot ang kanilang mga mukha. Ang ganda talagang pakinggan ng mga mukha nilang puno ng takot.
"NASAN AKO. SINO KA? BWESIT KA PAKAWALAN MO AKONG HINAYUPAK KA!" Sigaw ng nakakairitang babaeng ito
"TULONGGGGGGG"
"Sige, sumigaw lang kayo ng sumigaw dahil maririnig naman nila kayo HAHAHAHAHA"
"Let's play a game"
"Pakawalan mo na kami" naiiyak na sabi ni dra. Cortez. Nilapitan ko siya at pinadaloy ang kutsilyo sa kanyang dibdib pababa sa tiyan niya.
"AHHH" Naiiyak niyang sabi.
"Sino ka para utusan ako? Hmm" bulong ko sa tenga niya.
"Tanda mo yung sinabi ko sa iyo na ang dapat gawin sa mga taong madaming alam ay pinapatahimik" bulong ko ulit sa kanya habang pinapalandas sa katawan niya ang patalim.
"I-IKAW?" Mahina niyang sabi
"M~m...An..."
"Ako nga, at paalam" sabay baon ko ng patalim sa dibdib niya. Napangiti ako ng makita ko ang masaganang dugo na dumaloy galing sa kanya.
"U-ughhh"
"Bye-bye" ngiti kong sabi.
Hinugot ko ang patalim sa kanyang dibdib na siyang naging sanhi ng pagbuhos ng dugo. Ngumiti ako at pinuntahan na ang isa pa naming kasama. Si Arriane.ARRIANE'S POV
Takot at galit ang nararamdaman ko ngayon, takot dahil baka dito na ako matatapos at galit dahil wala akong magawa para sa sarili ko. Naiiyak nalang ako ng makita kong wala ng buhay si Dra. Cortez. Tama nga ang hinala ko.
"Scared kana ba baby girl?" Ngiti niyang sabi. Napaka familiar ng kanyang noses. Diko kasi masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa dilim.
Papalapit na siya ng papalapit sa akin. Patuloy lang sa pag agos ang luha ko ngunit di ako pwedeng sumuko. Hindi ako pwedeng mamatay dito.
"Any last words?" Ngiti niyang sabi.
Kitang-kita ko pa ang dugo sa kutsilyong hawak niya na ngayon ay nasa mukha ko.
At yung takot na nararamdaman ko ay napalitan ng galit.*kring*kring*kring
Bigla siyang napatigil ng tumunog ang telepono niya.
*****
SOMEONE'S POV
HINDI NA AKO MAHIHIRAPAN SA MGA BALAK KO TSK NAPAKA SWERTE NGA NAMAN TALAGA MAKAKAGANTI AKO NG DI GAWA NG SARILI KONG MGA KAMAY.
'MAKAKAGANTI NA AKO SA LAHAT NG MGA SAMA NG LOOB KO SAYO' banggit ko sa sarili ko sabay ng pag patak ng luha ko.
BINABASA MO ANG
UNREVEALED
Mystery / Thriller"We must all suffer one of two things: the pain of discipline or the pain of regret or disappointment." -Jim Rohn