THREE
"Miss! Tulungan mo ako!" sigaw ng isang babaeng hinahabol dito sa loob ng tunnel. Hinawakan niya ako sa kamay ng makalapit siya sa akin.
"Ma'am, ano po ba yun" tanong ko at pilit siyang pinapakalma.
"Miss! Nakikiusap ako! Sa sirang train! Pumunta ka dun! May makikita kang baul na kulay asul. Sa loob nun may mahahanap kang note. Nakikiusap ako Miss, parang awa mo na tulungan mo ako" pagmamaka awa nito sa akin habang mahigpit na nakakapit ang nanginginig niyang kamay sa akin.
"XIA!" binuksan ko ang mga mata at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Mica, pumikit ako upang kahit paano mawala ang sakit ng ulo ko.
"Buti naman at nagising ka" sabi pa nito ng nakameyang. Problema na naman nito?
"A-Anong nangyare?" tanong ko at dahan-dahang bumangon para makapag ready na. Oh! Muntik ko ng makalimutan, wala nga pala kaming trabaho ngayon.
"As usual di ka nanaman gumising agad" sabi niya. Tumayo siya saka nagpaalam na umalis. Umiiling nalang ako at dumeretso na sa loob CR.
Napakapit naman ako sa pintuan ng CR ng biglang sumakit ang ulo ko at nag flashback ang napaginipan ko kanina. Putek. That dream again. Kainis na talaga! This is enough! Pupuntahan ko na yung tunnel na yun..."Oh? San Punta mo? Nakalimutan mo bang na suspendi tayo sa trabaho?" tanong pa ni Mica na nakaupo sa sala at kumakain ng chipi habang nanunuod ng television. Aba ang taray!
"Alam ko yun, may pupuntahan lang ako" sabi ko
"Sama..." sabi niya
"Sige... Tara" ngumiti siya at Dali daling nagbihis para sumama sakin.
Lumabas na kami at nag taxi papunta dun sa tunnel. Gusto ko kasing bago sabihin sa awtoridad yun ay may patunay muna kami.
"Huy! Xia, ano bang nasa isip mo at pumunta pa tayo dito" sabi ni Mica
Humarap ako sakanya. "Mica, napansin mong tulog mantika ako diba..."
"Tss! Of course"
"Yun ay dahil sa isang panaginip... Napapanaginipan ko sa tunnel na ito, basta isang weird na panaginip. "
"Ahh, kaya ka pumunta dito? Baliw ka ba? Panaginip lang yun ghurl! Baliw na talaga toh" sabi pa niya.
"Oh di baliw! Umalis ka nalang kung nababaliwan ka sakin" sabi ko.
"Aish!" sigaw niya.
Naglalakad lang kami papasok dun sa tunnel kahit may kadiliman pinipilit ko pading tignan ang nasa loob, and may nakita akong sirang train sa bandang kanan. Isang red train. Takte, eto ba yung sinasabi nung babae. Dali dali akong tumakbo dun
"Hoy! Ano bang ginagawa mo!" sigaw ni Mica. Pero sinundan padin niya ako.
Pumasok ako dun sa loob ng train. Grabe, isa pala tong private train, meron pala talagang ganun? Pumasok ako sa loob at dumeretso sa may uluhan ng train
"Asan ka ba" napatigil ako sa paghahanap ng may makita akong isang blue na baul Binuksan ko yung at may nakita akong note.
'Hinahabol niya ako, hindi lang ako, may mga una pa siyang pinatay. Hindi sakin magtatapos lahat ng ito, madami pa! Madami pa! Kung sino ka man, tulungan mo akong makamit ang hustisiya
-Viel Reyes'Ano toh? Takte! Kinalkal ko pa yung nasa loob ng box at may nakita akong pictures ng isang babae. This girl looks very familiar. Pero paano?
Oh shocks! Kilala ko toh! Ito yung nasa panaginip ko. Putek!
Yung red train...
Yung asul na baul...
Yung note...
Yung babae...
Lahat sila nagtugma...
Napahawak ako sa bibig ko. Nilagay ko lahat yun sa loob ng baul at iniwan dun.
"Mica let's go" sabi ko.
"Huh?"
"Tara na!" sigaw ko
Dali dali kaming lumabas sa tunnel. Pumunta agad kami sa awtoridad. Sinabi namin lahat sa kanila. Pero kahit anong sabihin namin hindi talaga sila naniniwala.
"Ma'am, mga pulis po kami, hindi mga batang naghahanap ng bedtime story. Kaya kung wala kayong importanteng sasabihin you can go" sabi nung chief.
"Sir, my friend is telling the truth! There's a mystery behind that tunnel" sabi pa ni Mica.
"Mystery? Edi sana pala sa paranormal expert kayo nagpunta" sabi uli nung chief. Naiinis na talaga ako.
"Wait? Excuse me, I heard about the tunnel, tama ba?" tanong ng isang lalake.
"Yes LT. Guzman, why? Don't tell me naniniwala ka din sakanila" sabi nung chief.
"Actually, yes po. That tunnel is so mysterious." sabi nung lalake.
"Oh diba, pati itong si Pogi naniniwala samin" sabi ni Mica. Tinapik ko naman ang braso niya.
"Sir... If you'll give me a chance, let me solve this case. Give me this case" sabi nung lalake.
"Are you insane? HAHAH! Okay fine sayong sayo na yan" sabi nung cheif na umiiling tumayo at umalis
Hinatid kami papalabas nung lalake.
"Ahm LT. Pogi, salamat at naniwala ka samin" sabi ni Mica.
"Wala yun, actually may mysterious na dating sakin yung tunnel na yun, so ano? Let's start investigating tomorrow" sabi niya.
"Yes. Po." putol putol kong sinabi.
I wish this idea would unleash the mystery behind that tunnel.
BINABASA MO ANG
UNREVEALED
Mystery / Thriller"We must all suffer one of two things: the pain of discipline or the pain of regret or disappointment." -Jim Rohn