CHAPTER EIGHT
XIA's POV
"Hello, Mica? Thank goodness at sinagot mo ang tawag ko. Nasaan ka ba? Bat bigla kang nawala. Akala ko talaga nakidnap ka kasi si Dra. Cortez kinidnap daw at nawawala si Angel sa kwarto nya at si nurse Arriane na naman ng nakitang huling pumasok sa kwarto ni Angel." Oopss, nag-aalala na ang
"Hehehe, sorry kong napag-alala kita. May inaasikaso lang kasi akong importante. Sorry talaga, sorry kung di kita nasabihan." -Mica
"Bruhilda ka talaga, pinag-alala mo ko. Akala ko ano nang nangyare sayo. Nasan ka ba ngayon?"
"Nandito ako sa bahay ng pinsan k--"
"T-TUL--"
"SHHHHH! Pasensya na Xia, maingay kasi siya kaya pinapatahimik ko kasi kausap pa kita. Anyway, uuwi ako later so don't worry na. Pinuntahan ko lang ang isang 'to para may ibigay at sabihin." -Mica
"Ganun ba? Sige, see you later. Uwi ka ahhhh, nag-aalala si Lt. sayo." lihim akong kinilig sa idea na yun.
"Loka! Di mo ba nahahalata na ikaw ang type ni Lt. Ohh siya, ibababa ko na. Bye! At magchichika tayo mamaya kung anong ganap sa inyo ni Lt. AYIIIEEEE!"
*TOOOOOT*
Baliw talaga ang isang yun, kung ano-anong naiisip. Sabihin ba namang type ako ni Lt? Pero wala pala dapat kaming sayangin na oras, nawawala si doktora kaya kailangan namin magkaroon ng lead kung na saan siya ngayon. Nag-aalala na kaming lahat dahil sabay silang nawala ni Angel.
'Di ko alam ano ang gagawin ko if ever na may namatay man sa kanilang dalawa dahil sa manyak na killer na yun. Sana talaga walang masamang nangyari sa kanilang dalawa.
"So, na saan na si Mica? Bakit bigla siyang nawala?" tanong ni Lt. muntik ko na makalimutan na kasama ko pala siya.
"May ginagawa daw siyang importante. Tas nasa pinsan niya daw siya ngayon. Di sinabi anong importante ang ginagawa niya dun. Bat mo naman natanong Lt? Crush mo si Mica noh? Ayyyiiieeee, ikaw Lt hah. May sekretong landi ka pala sa dugo mo. HAHAHAHAHA"
"Are you really that dense?" -Lt. Guzman
"HUH?" bat biglang seryoso itong si Lt? Nagbibiro lang naman ako.
Nga pala, si doktora nga pala.
"May nakita ka bang clues kung nasaan si Dra. Cortez, Lt? Diba yun sadya mo dito?" Tumikhim ako at seryosong nakatingin sa kanya
"Yes, I have some. Hindi kasi masyadong malawak ng utak ko para makaisip agad kung saan or sino ang pinapahiwatig sa clues. Kaya naisip ko na magpatulong sayo since nandito ka naman sa ospital. Ito nga pala ang nakita ko sa kwarto ni Angel" -Lt. Guzman
Isang piraso ng papel.
May nakasulat.
68 114 97 67 111 114 116 101 122
Iguana
SnakeInsect
Nurse sharkN B H G V I R L F H
\\/\•\//\•\///•\///•/\•\\\/
"Ano ng mga ito? Wala akong naiintindihan sa mga nakasulat dyan sa papel na yan. I can't help you with that Lt. Simpleng code nga hindi ako marunong magdecipher yan pa kaya. Di ko alam saan ang mahirap sa hindi dyan." Hindi ko naman kasi kailangan ng mga codes sa trabaho namin. Lalo na sa mga ganyang codes. Di ako si Detective Conan or kung sino pa sila na madaming alam sa ganyan.
"I expect na wala kang alam sa ganitong bagay pero baka matulungan mo ako. I can think of the codes ang you search it online para makatulong ka kung gusto mo." -Lt. Guzman
"Naku naman Lt. binibigyan mo pa ako ng assignment. Pwede namang ikaw na nyan eh, pero di bale na. Tutulong ako hangga't makakaya ko. Basta don't expect too much ahhh"
"So umpisahan na natin. Yung unang codes I think it is decimal. Can you please try searching it online. Then i-search mo decimal code cipher, if may nakita kang site na magtratranslate, better."
Sinunod ko naman ano ang sabi ni Lt. Guzman at may nakita nga ako. Tinype ko yung mga numbers at ito ang translation na sabi ni google.
68 114 97 67 111 114 116 101 122
D r a C o r t e z"Tama ata 'to Lt."
"Don't call me Lt. Just call me Rafael, you're too formal."
"O-ok Raf-fael"
"Better. Sa second and third ay IS IN. So the clue says 'Dra Cortez is in'" -Rafael. What do you expect from him. Napapasana all tuloy ako.
"Try searching Rot13" -Rafael
"On it sir." madali lang pala 'tong Rot13. May nasearch ako paano gamitinang Rot13 kaya triny ko lang i-compare.
N=M
B=Y
H=S
G=T
V=E
I=R
L=O
F=U
So, kung titignan ko yung bigay sa clue it will say"MYSTERIOUS" walang malay na lumabas sa labi ko.
"So, Dra Cortez is in mysterious na ang sabi sa clue" -Rafael
"Oo nga, 'mysterious'. Isa lang ang alam kong mysterious Rafael" napatingin ako sa kanya at kaparehas kami ng expression.
"Mysterious tunnel" sabay naming sambit. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan ng pumasok sa isip ko na nandun si Dra. Biglang sumisikip ang dibdib ko. Ayoko mag-isip ng negatibo pero hindi mawala sa isip ko ang posibilidad na may nangyaring masama kay Dra.
Kasama si Rafael ay dali-dali kaming pumunta sa tunnel at tumawag na din siya ng mga pulis. Iba ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Kasi alam ko na meron ng nangyaring hindi maganda.
Ng makadating kami sa tunnel ay mabilis ang kilos ni Rafael na lumabas sa sasakyan at umikot sa kabila para pagbuksan ako. Nung lumabas na ako ay dali-dali siyang tumakbo patungo sa tunnel
Wala sa sarili akong naglakad papunta sa pinuntahan ni Rafael.
BINABASA MO ANG
UNREVEALED
Mystery / Thriller"We must all suffer one of two things: the pain of discipline or the pain of regret or disappointment." -Jim Rohn