" Malaya kana Mahal ko "

434 13 11
                                    

To cabiiieeeee na hinahanap ang one shot na ito. This is for you. Thanks for reading!

(Revised and Rewritten)
03/09/24

"Matuto kang makontento sa isa, pahalagahan mo hanggang nasayo pa, Dahil hindi habang buhay, Nandyan sila para umalalay"

Regine's POV

"Ogie, tumayo ka muna. Sa loob mo na ituloy yang tulog mo." Sabi ko at tinulungan siyang tumayo para akayin siya. Pero gaya ng dati, tinulak lang niya ako.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako Regine!" Lasing na sigaw niya sakin matapos akong itulak. Mapait akong napangiti. Kung maka iwas kase siya sakin para bang meron akong nakakahawang sakit.

"Ogie halika na, lasing kana oh?" Sabi ko at pilit siyang inakay.

"Ano ba, lumayo ka nga! Wala ka namang kwenta!" Sigaw niya sakin. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at patuloy siyang tinulungan papunta sa kwarto. Pero patuloy niya din akong tinutulak at pinagtatabuyan.

"Ogie, hayaan mo namang tulungan kita oh?" Nahihirapan kong sabi matapos makalas ang pagkakahawak ko sa kanya nang muli niya akong itinulak.

"Hindi ko nga kailangan ng tulong ng isang walang kwentang katulad mo! Tabi nga!" Sigaw nito sakin at pagewang gewang na naglakad papasok ng kwarto.

Malungkot ko siyang pinagmasdan habang tumutulo ang luha ko. Baka tama siya, wala nga akong kwenta. House wife lang naman ako.

Hindi kase ako nakapagtapos ng kolehiyo. Alam ko naman na wala akong narating pero, masakit pala na sa kanya mismo nanggagaling. Yung taong nagsabi saking may patutunguhan ang buhay ko. Yung taong sinabing mahal niya daw ako. Pero ngayon siya pa mismo ang nagsasabing wala akong kwenta.

Kinabukasan ay nagising ako pero wala na si Ogie sa tabi ko. Mapait akong napangiti. Hindi paba ako nasanay? Eh araw araw na namang ganito.

Napa-iling nalang ako at napagdesisyunang bumaba na para magluto at maglinis. Pero pagbaba ko nakita ko si Ogie kasama si Yna. Oo, kilala ko Ang babae ni Ogie. Kaibigan ko siya, ako pa nga nagpakilala sakanya kay Ogie.

"Ahh Reg? Pwedi ba tayong mag usap?" Bungad ni Ogie sa akin. Ni hindi ko pa man nailapat ang paa ko sa huling baitang ng hagdanan.

"Ahh sige." Mejo naguguluhan kong sabi. Ano nanaman kayang mangyayari? Ano kayang sasabihin ni Ogie?

"Uhm Yna Hon, doon ka muna sa Car. Kakausapin ko lang si Regine." Sabi ni Ogie at bahagyang hinaplos at kamay ni Yna, kaya't napabaling ang tingin ko sa magkasaklop nilang kamay.

"Okay Hon." Malambing na sabi ni Yna kay Ogie bago ito hinalikan kaya napatitig ako sa kanila. Bumaling naman ang tingin ni Yna sakin kaya bigla akong nawalan ng kompyansa sa sarili at nag iwas ng tingin.

Naluluha at nasasaktan man ay nagawa ko pa ring tingnan sa mata si Ogie. Muntik ko nang bigyan ng award ang sarili ko nang hindi ako pumiyok sa pagsasalita. "Uh, ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ko.

"I want an Annulment." Diretsa niyang sabi sakin na para bang wala siyang pake sa kung ano man ang mararamdaman ko.

"B-bakit?" Utal kong sabi habang pilit na nilalabanan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko.

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon