"Unconventional Love"

78 3 0
                                    

A oneshot story by yours truly. Author Saddy.

\\• Ang iyong mababasa ay pawang imahinasyon lamang at hindi nauugnay sa totoong buhay. Ang mga pangalan ng mga karakter ay nagbabase lamang sa idolo ng manunulat. Kung ayaw mo yung story block agad wag na madaming say. Okay? •//

Disclaimer: This oneshot is for entertainment purposes only and is not speculating nor confirming any known or unknown issues or controversies. And is purely fictional! The people involved in this story are only the author's idols and are not related nor responsible for whatever things or scenarios that will be in this story. Thankyou for your understanding!

" Bata pa lang ako I already knew who I am. Nagulo lang iyon nang minahal ko ang babaeng hindi ko dapat mahalin."

Vice's POV

Nasa bar ako ngayon at pilit kong hinahawi ang mga taong sumasayaw sa dinadaanan ko. Pucha amoy alak na ata ako kakaloka! San na ba kase yung babaeng yun, naku malilintikan talaga yun sakin! Kung san san nagpupupunta. Nang makita ko si Reg ay hahawakan ko na sana siya nang makitang nakayapos siya sa isang lalaking hindi ko kilala. Napakunot ang nuo ko at agad kong tinanggal ang kamay nang lalaki at hinila si Reg sa likod ko.

"Vice!" Gulat na sabi ni Reg. Mukhang napahiya ang lalaki at nagkamot sa ulo niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. Basta nalang bang nanikip ang dibdib ko at gusto ko nalang itago so regine sa bulsa ko. "Uhm ano, uwi na tayo bakla!" Sabi ko nang hindi siya sinusulyapan at hinila siya palabas ng bar. 

"Kaloka ka bakla ha? Bakit ba may nangbastos ba sayo kaya gusto mo nang umuwi, lika uupakan ko!" Sabi nito habang inaayos ang sarili niya. Natawa nalang ako at binitawan siya nang makarating kami sa harap ng sasakyan ko. "Wala! Sira ka talaga, nawalan lang ako nang ganang pumarty no! Nakakasilaw ang mga lights tsaka masakit sa tenga yung music!" Sabi ko nalang at hinanap sa purse ko ang susi ng kotse.

"Oh my ghad! Baklaaaa!" Sigaw ni Regine kaya nataranta ako at nabitawan ang susing hawak ko na sana. "Ano??!" Sigaw ko rin at humarap sa kanya. Di maipinta ang mukha niya bago sumilay ang isang nakakolakang ngiti at sinundot ang tagiliran ko. "Matanda ka na!" Sigaw niya at tumawa ng malakas. "Kapal mo!" Ganti ko pero natatawa na rin.

"Alam mo girl I don't understand why you're making it harder for yourself. You love her na kaya tapos you won't tell her!" Sabi ni Anne nang mahaderang sisterette ko.

"Hoi babaeng bibig, mag hunos dili ka nga! Bakla ako! Mukha bang chupapi yang si Regina?" Sagot ko habang inaayos ang make up ko. We just finished taping for our show. Ngayon ay paalis na ako para pumunta sa kabilang studio para sa iba ko pang trabaho. Sumaglit lang ako dito sa dressing room namin para mag retouch.

"Oh, then someone's in denial?" Makahulugang sabi niya at walang hiyang umupo sa tabi ko.

"Anne, ilang beses ko bang sasabihin sayong Bestfriend ko lang si Regine. And besides, bakla nga ako. Bakla! Bading! Pusong mamon! Siguro nagalit lang ako o naasar sa lalaking yun kaya ko nahigit si Regine kagabi." Sabi ko habang nililigpit ang mga gamit ko at inaabot yun sa assistant ko.

"Okay then bakit mo siya hinila kagabi? Anong pinuputak ng buchi mo if you don't like her that way?" Sabi niya habang malditang nakatitig sakin.

"First of all pinuputok yun hindi pinuputak. Second of all naasar nga siguro ako. And lastly, sa kakasabi mo na mahal ko si Regine baka ikaw tong in love sa kanya." Asar ko pabalik. Nakita ko ang pag kunot ng mukha niya habang nakatitig sakin kaya mas ginanahan akong asarin siya. "Or worse, ako ang mahal mo Anne!" Sabi ko pa kaya napa tayo siya.

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon