" Make me yours "

118 7 1
                                    

"Make me yours and I'll never let go."

Ako ang ang asawa, ako ang legal. Pero ba't ako yung ikinahihiya? Yung itinatago? Ano bang meron siya na wala ako? Ano ba ang mga pagkukulang ko para mapunan agad!? Pagod na ako pero kahit pagod na pagod na ako. Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko.

"Mahal" Bati ko sa kanya nang makita ko siyang umuwi galing opisina. Agad akong lumapit at hahalik sana pero agad siyang umiwas. "Ano ba Regine, wag ka ngang lumapit! Baka mamaya makita tayo ni Anikka mag-isip nanaman yun ng kung ano." Galit na sabi nito at bahagya akong tinulak.

"Sorry." Agad kong sabi at yumuko ng kaunti nang maramdaman ang luhang lumandas sa pisnge ko. "Atsaka maligo ka nga, pawis na pawis ka tapos lalapit ka sakin." Pahabol nitong turan bago ako iniwang umiiyak sa may pintuan. Kaya pa, dito lang ako mahal.

"Regine ano ba sa tingin mo ang ginawa mo ha?!" Galit na bulyaw niya sa akin. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa balikat kaya napa-aray ako. "Aray, mahal masakit." Mahina kong sabi habang pilit na hinahawi ang kamay niyang nakahawak sakin.

"Talagang masasaktan ka dahil hindi ka nag-iisip!" Sigaw nito sakin at mas hinigpitan ang hawak sa akin. Napasigaw ako sa sakit at dumaloy ang luha mula sa mga mata ko. "S-sorry." Impit kong sabi habang patuloy na dumadaloy ang luha ko.

"Tanga ka ba? Ba't ka bumisita sa Opisina? Alam mong makikita ka ni Anikka! For God's sake she's my secretary! Ofcourse malalaman niyang bumisita ka, may dala ka pang pagkain! Hindi ka ba nag-iisip?" Kastigo niya sakin at niyugyog ako ng malakas. Umikot ang paningin ko at nahilo ako, kumapit ako sa kamay niyang nakahawak sa mga balikat ko.

Nang hindi ako sumagot ay tinulak niya ako at tumama ang likod ko sa dingding. Napadausdos ako't napa-upo sa sahig. "Nang magmakaawa ka na hindi kita iwan, na hindi ko ipawalang bisa ang kasal natin. Pumayag ako hindi ba? Nung sinabi mong dito parin ako tumira, na sabay parin tayong kumain tuwing umaga. Na sa iisang kama parin tayo matulog, pumayag naman ako diba? Bakit hindi mo magawang tuparin ang mga hiling ko sayo?! Simple lang Regine! Wag mong sasaktan si Anikka!!" Sigaw niya sakin.

Kita ko ang galit at puot sa mga mata niya na para bang kaya niya akong patayin dahil lang sa ginawa ko. Yung mga hiling ko, hindi ba dapat normal lang iyon sa amin? Sa isang normal na mag-asawa? Bakit parang utang na loob ko pa ang gawin niya iyon?

Bakit si Anikka ang tinuturing mong asawa gayong ako ang pinakasalan mo?

"Asawa kita Ogie, hindi ba dapat normal lang na gawin mo ang mga bagay na iyon? The moment you asked me to marry you, you should've been faithful to me and me alone! You said I was your sun in your pitch black world. Pero bakit dalawa kami, tangina saang planeta ka ba nakatira at dalawa ang araw na meron ka?!" Hindi na ako nakapag-pigil at naisigaw ko ang mga bagay na pilit kong ibinaon sa puso ko hanggang sa bumigat ito. Hanggang sa hindi na nito kayanin at sumabog ang lahat ng hinanakit ko.

"Kung hindi lang ako naaawa sayo. Baka matagal na akong umalis." That, that broke me. Awa, yan nalang ang nararamdaman niya para sakin. Pero bakit pinanghahawakan ko iyon? Na baka meron pang kahit katiting na pagmamahal sa puso niya para sakin? How pathetic can I be?

And again, after every pain. He left me.

For 5 years ganon ang naging buhay ko sa kanya. Living off his 'awa' and imagining that it was love.

But the moment I saw a ring on her finger, I knew we reached the limit. I knew that it was over, but I was in denial.

"No, hindi ko pipirmahan yan." Matigas kong sabi na para bang hindi ako naaapektuhan sa magkawak nilang kamay sa ibabaw ng lamesa. "Come on Regine, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal. Isn't 5 years enough?" Anikka asked me.

I looked at her and knew, she didn't deserve Ogie's love. Because she will never understand why I did this, she will never know the depths of my love for this man in front of me. She doesn't love Ogie as much as I do.

"I don't care. I'm not signing it." Malamig kong sabi at binaling ang tingin sa labas.

But 2 words made my whole soul flip at marahas akong napalingon sa kanila. "Buntis ako." Dalawang salita na pinulbo ang nabiyak ko nang puso. All my sacrifices, my pains, comes down to this.

3 days after that I am here kneeling in front of him asking him to stay.

"Ano ba Regine tumayo ka nga. At bitawan moko pwede ba?" Sabi nito sa akin. Pero patuloy lang ako sa pag-iyak at pagluhod sa harap niya. Inisip ko ang lahat ng rason kung bakit dapat siyang manatili sa piling ko pero wala, wala akong maisip.

"D-diba naaawa ka lang sakin kaya ka nag-stay? Mahal, kaawaan mo pa ako please? Maawa ka sakin hanggang sa k-kamatayan ko. Kaawaan moko, hanggang sa ikamatay ko ang sakit. Kaawaan mo pa ako." Pagmamakaawa ko sa kanya pero tinignan niya lang ako.

"Kung awa lang ang dahilan kung ba't ka nananatili sa piling ko, please kaawaan mo pa ako." I begged like a dog begging it's owner. Like a slave to his master. Like a follower to his God. I begged for my life, because he is my life.

"Make me yours again please? Ibalik natin yung dating tayo, yung dating ikaw at ako. Make me yours and I'll never let go even if it means breaking in pieces." I cried but at the end of the day, pity didn't make him stay. He left, with my all of my broken heart's pieces.

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon