A oneshot story by yours truly. Author Saddy.
\\• Ang iyong mababasa ay pawang imahinasyon lamang at hindi nauugnay sa totoong buhay. Ang mga pangalan ng mga karakter ay nagbabase lamang sa idolo ng manunulat. Kung ayaw mo yung story block agad wag na madaming say. Okay? •//"I love you, but I don't want to."
"So ano tatawanan mo nalang ako ha? Regina?" My eyes are already blurry and tears are starting to form in my eyes sa kakatawa ko. Pano ba kase may-pa costume party and management for halloween. Ogie called me sa dressing room niya para tignan ko raw kung okay ba ang suot niyang costume. And from the moment I entered until now hindi parin maubos yung tawa ko.
Yung outfit kase niya hapit na hapit para siyang lumpia. Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa tuwing nakikita ko ang suot niya. Sa kakatawa ko hindi ko namalayan na tumatawa narin pala si Ogie. We both laughed our hearts out until our stomachs hurt and we ended up lying on the floor chuckling.
"Ewan ko sayo Ogs. Ayoko na ang sakit na ng tiyan ko, di ko na kaya." Sabi ko at bahagya pang natawa. When our laughter died down we both stood up and then you couldn't hear a thing anymore. Nang magtagpo ang tingin namin ay parang may kuryenteng dumaloy sa katawa ko. I felt butterflies in my stomach but I quickly disregard it. "ah, labas na ako." Sabi ko and before he could even react I stormed off.
I entered my dressing room at nang makitang walang tao ron ay sinara ko ang pinto at napa upo sa sahig. Tuwa lang yun, it was nothing. I said to myself.
It's already midnight at hindi parin ako makatulog. My head is throbbing at parang gusto ko nalang iumpog ang ulo ko sa pader. Pesteng Migraine to! Pa-ikot ikot lang ako sa kama trying to find a more comfortable position to at least have a few hours of sleep nang biglang tumunog ang telephone.
"Hello?" Sabi ko nang masagot ko ang tawag. I switched my lamp on and looked at the time on my alarm clock. Sinong gago ang tatawag sayo ng alas dose ng gabi?
"Uhm hi Reg, I'ts me Ogie. Ano kase I was worried about you kanina kase diba hinimatay ka? I just wanted to know if your migraine died down already?" Sagot niya. Sorry, di pala gago, concerned friend lang pala. "Medyo okay naman na pero eto nga di makatulog." Sabi ko't humiga pabalik sa kama.
"Can I stay with you until you fall asleep then?" He asked that made me smile like an idiot. "Sige." I answered.
Hindi ko alam kung paano dumating ang topic namin dito. Mula sa anong favorite mong song to paano malalaman kung totoo yung pagsabi ng i love you ng isang lalaki. "Pag s*x lang ang habol niya sayo ganito siya mag i love you. 'I love you.'" Sabi niya in a flirty tone kaya napatawa ako. "Talaga?" sabi ko nalang. "Oo!" Sabi niya na para bang sure na sure siya."Eh paano naman kung manloloko o hindi serious?" Hamon ko sa kanya. "Aba'y ganito yan." tumikhim muna sya bago nagsalita ulit. "I love you baby." Sabi niya at pinalalim ang boses niya.
"owws? Ganon talaga?" Tatawa tawa kong tanong. "Oo nga! Di ka ata naniniwala sakin Reg eh!" Kunwari'y nagtatampo niyang turan. "Sorry naman! Osige nga pano naman kung totoo talaga?" Tanong ko.
"Edi ganto; "I love you." The moment he said that bumilis ang tibok ng puso ko. Dumaloy ang malakuryenteng pakiramdam sa katawan ko at hindi ako makapag salita. There was dead silence and no one dared to speak. Bakit parang totoo? Bakit parang ramdam ko? Na mahal niya ako. "Goodnight." i heard on the other line bago maputol ang tawag at beep nalang ng telepono ang marinig ko. Nabato ako sa kinalalagyan ko and I couldn't define what feeling I felt kanikanina lang.
Unti unti akong nakabawi at inilapag ko na ang telephone. Habnag ginagawa ko iyon ay kinuha ko rin ang pagkakataon upang tignan ang oras. 4:37 AM we've been talking for 4 hours and I didn't even notice.
Totoo kaya ang sinabi niya?
Buong magdamag yun lang ang iniisip ko. I mean who in the right mind would talk to a person from 12 midnight to almost sunrise. It's weird. And I didn't even realize I fell asleep.
This is the night of the party. Nasa harap ang lahat at sumasayaw habang ako nandito sa likod. I just wanted to be alone for a while, gulong gulo na ang isip ko. I was in deep thought nang may biglang magsalita. "Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Ano bang ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa nagsasalita at nakitang si Ogie lang pala yon.
"Nagsasaya sila dun oh? Ba't nandito ka?" Sabi ko. "Ako unang nagtanong eh daya mo naman!" Sabi niya kaya napatawa ako. " Ah nag-iisip lang." Sabi ko. "Well, they're all dancing? Can I dance with you?" Sabi niya at inilahad ang kamay sa harap ko. Rinig parin naman ang music dito mula sa loob kaya bakit hindi? I grabbed his hand and stood up from my seat.
Ilang minuto rin kaming sumayaw. His hands are on my waist and mine are on his shoulders. My heart is beating fast and I really want this moment to last. I looked in his eyes as he looked into mine. Nalulunod na ako sa mga titig niya ng bigla nyang sabihin ang mga salitang kinatatakutan ko.
"I love you." Sabi niya na nag-ahon sa pag-iisip ko. Bigla ko siyang nabitawan at umatras ako palayo. "Ano?" Tanong ko hoping that i heard him wrong. "Mahal kita regine, I love you." Sabi niya na mas lalaong nagpabigat sa damdamin ko.
"No, please. Don't love me." Sabi ko habang panay ang luhang dumadaloy mula sa mga mata ko. "Regine bakit? What's wrong?" Sabi niya at akmang lalapit nang lumayo ako.
"Wag kang lalapit please." Baka pag lumapit ka, hindi ko na mapigilan ang sarili kong yakapin ka.
"Why?" I can see the hurt in his eyes that made me look away. I can't see him like this. But we can't continue this.
"Hindi ba pwedeng bumalik nalang tayo sa dati? You know when we were still friends. Best friends?" Lumuluha kong sambit.
"Why? Don't you love me? Kase ako regine nararamdaman ko mahal mo rin ako. All this time ba hindi mo ako mahal?"
"it's not that Ogs. Hindi tama ang nararamdaman natin. Mali ito, maraming masasaktan! Maraming maaapektuhan." I cried.
"Can't we be selfish for once? Pwede bang kahit isang beses lang, magdesisyon naman tayo ng hindi iniisip ang iba?" Hurting him wasn't in the plan, but hey. Loving him wasn't in the plan too.
"I love you ogs, but I don't want to. Inaamin ko, when i started loving you I was the happiest but also I was the saddest. Kase alam kong hindi pwede. I never thought that someone could make me feel the happiest and the saddest at the same time until I loved you. But this is all just a mistake ogs."
"You're right reg. This is a mistake, a mistake I'm willing to commit." That made my hurt ache. Kase kaya niya akong ipaglaban pero siya hindi ko kayang samahan.
"I'm sorry, I just can't. I might have denied our love, but it's for the best."
"I love you Ogs, but not on this lifetime. Not in this life."
The end.
07/28/2022
BINABASA MO ANG
One shot stories
FanfictionA collection of oneshot stories written by yours truly. Inspired by the author's idol, Regine Velasquez Alcasid. Disclaimer: This is not real and is purely a work of fiction. Typographical and grammatical errors ahead.