" Di na ipipilit pa "

203 10 8
                                    

A oneshot story by yours truly. Author Saddy.

\\• Ang iyong mababasa ay pawang imahinasyon lamang at hindi nauugnay sa totoong buhay. Pagpasensyahan nyo na ang typos at tao lang ang gumawa nito. Pati na rin ang grammatical errors dahil I'm not perpek. Ang mga pangalan ng mga karakter ay nagbabase lamang sa idolo ng manunulat. Kung ayaw mo yung story block agad wag na madaming say. Okay? •//

Regine's POV
I smile as I walk down the aisle, mabagal akong naglalakad. Nakasuot ng puting gown at may hawak na bulaklak. Naglalakad ng mabagal upang marating ang altar kung saan naroon ang lalaking mahal ko.

I see him smile at me at sa ngiting yun parang bumalik sakin ang lahat from the day I met him.

FLASHBACK
Naglalakad ako sa hallway, I'm actually lost. Transferee ako from another school, may project kase ang papa ko dito kaya kinailangan naming lumipat.

At ngayon dahil sa katangahan ko ay nawawala na ako. Ba'tba kase ang laki laki ng campus!!?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinahanap ang guidance. Nahihiya naman kase akong magtanong. Pumasok ako sa isang kwarto, napalingon sakin ang lalaking nakaupo malapit sa piano at nakahawak ng guitar.

Our wyes met at parang nakuryente ang kabuohan ko.

Have you ever experienced love at first sight?

Yung tipong mags-slowmotion ang lahat. Mawawala sa paningin mo ang ibang bagay at ibang tao. Tanging ikaw lang at siya ang nakikita mo. Tapos biglang hahangin ng malakas at maririnig mo ang isang napakagandang melody that some call the sound of love.

Noon hindi ako naniniwala sa mga ganito but I can't believe that I'm experiencing it.

Naputol ang mala melodramatic echos sa isip ko nang tawagin niya ako. "Ah miss? Need anything?" Tanong niya.

Parang naipit ang dila ko at di ako makapagsalita. Nanginginig ang tuhod ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"A-ah eh a-ano h-inahan-nap k-ko yung r-room ni ms. C-chavez. Yung g-guidance counselor?" Sabi ko at tinuro pa ang kung saan. Shet! Ngayon ko lang na experience ang ma-utal.

"Music room 'to miss." Natatawang sabi niya. Napatingin ako sa palihid at tama nga naman, music room nga ito.

" K-kita ko nga. " Nahihiyang tugon ko. Nilapag niya ang hawak na gitara sa malaking piano at lumapit sakin.

Ito nanaman nangangatog nanaman ang tuhod kong walanghiya!

" Halika at ihahatid nalang kita doon. Ogie nga pala. Ikaw? " And there it started. I fell in love with him the moment I laid my eyes on him.

"Regine! " Pukaw nito sakin nang hindi man lang ako nakikinig sa kanya habang nagkukwento siya.

" Ay!! Ano kaba nanggugulat eh!!" Inis kong turan at ibinalik ang atensyon sa librong binabasa ko.

" Nakakainis ka kaya! Nagyaya akong mag lunch tapos libro mo lang pala kakausapin mo. " Sabi nito at nag-pout pa. Loko talaga!

" Alam mo namang may exam ako next week eh. Final exam na namin Ogs!! Gagraduate na din ako kaya konting push pa. Konting tiis pa. " Sabi ko at sinusulyap sulyapan ang libro ko at ang kausap ko.

" Sabagay, tiisin ko nalang to at ilang linggo nalang maliligawan na kita. Tapos sasagutin mo na ako. Tapos magpo-propose ako sayo, tapos sisigaw ka ng "yes!". Tapos magpapakasal tayo. Tapos magkaka-anak tayo ng isang dosena. Tapos--aray! Ba't ka nanghahampas?" Tanong niya habang hawak hawak ang ulo. Sabagay masakit talaga yun mej makapal pa naman tong librong pinukpok ko sa ulo niya.

" Kalokohan mo Ogie! Di ka pa nga nanliligaw eh! " Natatawa kong sabi. Isang dosena daw kala mo parang sipon lang na isang singa lalabas na. Sakit kaya manganak sabi ni mommy kaya nga raw isa lang ako eh.

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon