"Lapida"

305 8 1
                                    

"LAPIDA"

A one-shot story by

(Rewritten & Revised)
03/11/23

Author Saddy

Regine Velasquez as Riley Santiago

Aga Muhlach as Ariel Aquino

Author's POV

Nasa sementeryo ngayon si ariel, tinitignan ang lapida ni Maureen, ang namayapa niyang asawa ng may biglang magsalita.

"Hi!" sabi ng isang babaeng may dalang bulaklak. Nilagay niya iyon sa lapida katabi ng lapida ni Maureen.

"Hi" sagot ni ariel pabalik. "sino yan?" tanong ng babae.

"Ha?" nagtatakang tanong ni ariel. "Ang sabi ko, sino yang taong yan, na halos isubsub mo na ang mukha mo sa lapida?" natatawa nitong ani.

"Ah, asawa ko" malungkot niyang sabi. "Ahh, kaya naman pala. Bago lang ba? Ngayon ko lang kasi nakita na may iba na palang nakalibing dito." Parang nasaktan siya sa tinanong nito, ngunit para hindi mag mukhang bastos ay sinagot nalang niya ito ng isang tango.

"Sorry ha? Na offend ba kita? Ganito lang talaga ako eh. Prangka kung prangka. Ako nga pala si riley?" pagpapakila nito.

"Ariel." Sagot nito at nakipagkamay. "wait? Kapangalan mo ex ko." Sabi ni riley at tumawa.

"But you don't sound bitter" he complimented. He thinks? "Hindi nga. I don't want to be bitter, dahil ako rin lang naman ang masasaktan." She said.

"Well you're right. Sya nga pala. Sinong binibisita mo?" he asked. "Wala. Someone I know." She said. "Let's go somewhere else to talk if you want?" she suggested. "Okay, let's go." he replied.

Lumipas ang 6 buwan at unti-unting nahulog ang loob ni ariel kay Riley. Lagi na silang nagkikita sa sementeryo kapag binibisita ni ariel si maureen ngunit ang totoo nyang pakay ay si riley.

Ngayon ay nandito na si ariel at hinihintay si riley. Plano nyang magtapat sa kanya at manligaw. Ilang sandali ang lumipas at dumating na rin ang babaeng kanyang hinihintay.

May dala itong bulaklak, nilapag niya ito sa lapida at kinuha ang patay na bulaklak na nilagay niya nung huli siyang bumisita.

"Riley!" tawag niya rito. "Ariel, nandito ka na pala. Aga mo yata?" nagtataka si ariel dahil Hindi siya sanay na matamlay si riley. Palagi kasi itong puno ng energy, ngunit hindi na niya ito pinansin at isinawalang bahala nalang.

"May gusto sana akong sabihin sayo." Pangunguna nito. "Ako rin." sabi naman ni riley na ikinagulat ni Ariel. Bagama't lumulundag ang puso niya sa kanyang inaakalang magtatapat rin ito ng pag ibig.

"Pwedeng ako muna mauna?" tanong ni riley. "Osige." nakangiting sabi niya. "Pwede bang wag ka nang magpakita sakin? I mean, wag na tayong magkita." Nagulat naman si ariel sa sinabi nito.

"Ha? Bakit? May problema ba?" natatarantang tanong nito. "Wala ariel. Ayoko lang talaga." Sabi nito at aalis na sana ng hawakan ni Ariel ang kanyang kamay. "No! Wag, kung may hindi ka nagustuhan sakin, babaguhin ko! Please wag naman ganito. Mahal na kita eh." Napalunok naman si Riley sa narinig.

"I'm sorry. But we're not meant to be together." Aniya at umalis. Sinubukan ni ariel na sundan ito pero bigla nalang itong nawala sa paningin. Umuwi si ariel na bigo at nasasaktan.

Kinabukasan ay pumunta ulit si Ariel sa sementeryo sa pag asang nandoon si riley pero wala siyang nakita. Nilapitan niya ang lapidang palaging binibisita ni riley at nagulat nang makitang nalanta na ang bulaklak na naroon. Nagtaka ito dahil kahapon lang ay naglagay si Riley ng bagong biling bulaklak rito.

Nasa kalagitnaan siya ng pagiisip ng may magsalita. "Iho?" sambit ng isang matanda. Nagulat naman si Ariel at napabaling sa matanda. Pinanood ni ariel ang matandang babae habang inaayos ang lapida at inilapag ang bulaklak.

"Matanong ko lang po. Kilala mo po ba si Riley?" tanong niya rito. "Ahh oo. Ako ang dating yaya ni Riley." Sagot ng matanda. "Asan ho ba siya?" tanong niya rito.

"Anong ibig mong sabihin iho?" tanong ng naguguluhang matanda. "Ahh kasi ho. Kaibigan ko kasi si Riley. Medjo nagkasagutan ho kasi kami kahapon." Sabi nito at bigla namang naiba ang mukha ng matanda.

"Nakausap mo si Riley?" tanong nito. "Ahh oho. Asan ho ba siya? Alam niyo ho ba?" tanong uli niya.

"Pero hindi iyon possible." Sagot ng matanda. "Ho?" sabi ni ariel. "Iho, matagal ng patay si riley." Sagot ng matanda na ikinagulat ni ariel.

"Pero, nakita ko pa siya." Pagpupumilit niya. "Iho. Matagal na siyang patay. Lasing siya nung gabing nabangga ang kotse niya. Mabait na bata si Riley. Matalino, maganda at mayaman rin ang pamilya. Pero malas siya sa pag-big. Lahat ng kanyang nagging kasintahan ay iniwan siya, niloko at ipinagpalit. Yun din ang dahilan kung bakit siya namatay." Mahabang paliwanag ng matanda.

"Lola!" tawag ng isang bata sa di kalayuan. "Mauuna na ako iho. Mag iingat ka." Sabi ng matanda bago umalis. Ilang oras lang na nakaupo si ariel sa damo iniisip ang mga nalaman niya.

Gabi na rin at wala ng tao sa sementeryo ng biglang may magsalita. "Ariel? Umuwi kana. Gabi na rin. Baka hinahanap kana sa inyo." Pag aalalalang sambit ni riley habang papalapit sa kanya.

"No! wag! Wag kang lalapit! Patay kana!" sigaw niya. "I'm sorry" was all Riley can say.

"I'm sorry? Niloko moko! Pinaniwala mokong buhay kapa!" sigaw nito.

"I'm sorry Ariel. I was lonely. All my life I only wanted love. At yun ang tanging bagay na hindi ko makuha kuha. Nung namatay ako I wanted someone with me. Kaya nung makilala kita plianano ko na ang pagkamatay mo sa isip ko. I wanted you to die so we can be together. Pero you made me realize that if you love a person, you set them free. Kaya gusto ko nang lumayo. Handa na sana akong umakyat ng langit mag isa. Pero paano ko gagawin yun kung nakikita kitang ganyan?" she explained.

"Mahal kita eh. And now you're making me feel like death is a solution. Gusto ko nang mamatay para makasama kita." He said crying.

"No! Makakahanap ka pa ng taong magmamahal sayo. Okay?" tango lamang ang sagot ni ariel rito.

"Pero may hiling sana ako. Pwede mo bang lagyan ng bulaklak ang lapida ko? Kahit minsan pwede mo ba akong bisitahin? Kahit minsan lang. Maging masaya ka okay? Enjoy the life that I never enjoyed. Live life for me. I love you." Riley said before disappearing. "I love you too" Ariel said and cried.

"It takes great courage to hold on. But it takes great love to let go."

-Author Saddy

                                                                         The end

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon