What if?

110 7 2
                                    

A oneshot story by yours truly. Author Saddy.
\\• Ang iyong mababasa ay pawang imahinasyon lamang at hindi nauugnay sa totoong buhay. Ang mga pangalan ng mga karakter ay nagbabase lamang sa idolo ng manunulat. Kung ayaw mo yung story block agad wag na madaming say. Okay? •//

 Regine's POV

 "Ano toh? " Sabi ko sabay tingin sa kanya. "Mahal, I'm sorry. " Sorry?

"Sorry? Sorry ba dahil nagkamali ka? O sorry dahil iiwan mo na ako? Klaruhin mo ogie!" Galit kong sigaw habang tumutulo ang nga luha ko.

"Hindi ko sinasadya. " Puta! Mukha ba akong tanga?" Hindi mo sinsadya? Ano yun? Nakapikit ka lang tas pag gising mo nakahubad na kayo?" Sabi ko at pagak na tumawa.

"hon, please let me explain." Sabi niya pero umalis na ako.Masakit, masakit na makita na niloloko kalang pala ng taong mahal mo.

Dalawang araw na ang lumipas, hindi ako lumalabas ng bahay. Alam niyo kung bakit? First of all wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Second of all, may demonyong nakabantay sa gate ko.

Lumabas ako ng veranda at nakita kong nakaupo sya kalsada. Kahapon pa sya dyan, susuko rin yan.

Mag-gagabinna pero hindi pa rin sya umaalis. Di ba sya nagugutom? Nagulat qko ng biglang kumidlat. Shit! Uulan yata. At hindi ako nagkamali. Bumuhos ang malakas na ulan pero hindi pa sya sumisilong. Hinayaan ko nalang siya kahit nag-aalala ako. Aalis din yan pag nilamig.

Kumain muna ako at natulog pero nang magising ako ay nandon pa rin sya. Ano ba Ogie! Agad akong kumuha ng payong at pinuntahan sya. Gabi na at malakas pa rin ang ulan."Huy! " Tawag ko sa kany.

Lumingon naman sya kaya nakahinga ako ng malalim. Akala ko patay na eh."B-ba-bakit m-mah-hal? Ma--ay kai-la-langan k-a? " Nanginging nyang sambit."Pasok! " Malamig kong sabi at bumalik sa loob ng bahay.

Pumasok siya at binigyan ko siya ng pamalit at tuwalya. Babalik na sana ako sa kwarto ko nang hawakan niya ang kamay ko. "Mahal, please. Hayaan mo naman akong magpaliwanag. Kahit ngayon lang. " Pagmamakaawa niya kaya tumango nalang ako.

I think it's about time na hayaan ko naman siyang i-defend and sarili nya. Umupo ako at tinignan sya. Ilang minuto kaming nagtitigan bago siya nagsalita." Pinapangako ko mahal walang nangyari samin. May sakit si Yna kaya dinala ko sya sa condo ko. Hindi ko naman kasi alam kung saan ko siya iuuwi at isa pa wala din syang kakilala dito. Yung nakita mong niyayakap ko sya dahil yon sa hindi sya makatulog at nanginging na sya sa sobrang lamig. " Paliwanag niya.

Alam kong sasabihin niyong marupok ako pero hinalikan ko sya at niyakap. Kumawala sya at tinignan niya ako. "Ibig bang sabihin nito, pinapatawad mo na ako? " Tanong niya." Bakit kita papatawarin kung wala ka namang kasalanan? I'm sorry mahal, dapat nakinig ako sayo." Pag uumanhin ko.

"Okay lang yun mahal kasalanan ko rin naman. " Sabi niya at hinalikan ang noo ko. Mahal na mahal ko si Ogie, Mahal na mahal.

Ilang buwan ang lumipas at maayos na kami. Actually dito na nga sya tumitira eh. Kasal nalang Ang kulang mag asawa na kami. Pagod ako galing sa trabaho. Pagpasok ko ng bahay ay nakapatay ang lahat ng ilaw. Hindi pa ba sya nakaka uwi?

Nagulat nalang ako nang biglang may lumiwanag. It was series lights na puro puti. At nakalinya ang mga iyon papuntang Garden. Mukhang maypa surprise ang mahal ko. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at pumunta sa Garden. Dun ko sya nakitang nakatayo at pinagpapawisan. Luh? Di naman mainit ah?Lumapit sya sakin at binigyan ako ng bouquet ng rosas. Inamoy ko iyon at hinalikan sya sa labi.

"Ano nanaman to mahal? " Tanong ko pero tumawa lang sya. Luh? Nasisiraan kana ba mahal?Hindi niya ako sinagot at pinaupo lang ako sa silya. Hay! Sarap ng pagkain pero ang tahimik naman masyado." Mahal? " Basag nya sa katahimikan.

Thank God at nagsalita na sya. Akala ko napipi natong kasama ko eh."Yes mahal? " Sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo." Mahal it's been 7 years, 4 months,1week , 2 days and 13 hours since sinagot mo ako. " Natawa lang ako dahil grabe and specific namn non.

"Alam kong may mga pagkakataong nasaktan kita, may mga araw na hindi kita naalagaan, may mga oras na mainit ang ulo ko. At nagpapasalamat ako sa diyos dahil kahit na ganon ako, tanggap mo pa rin ako. Mahal mo pa rin ako. Salamat mahal. At sa gabing ito Gusto kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Gusto kong malaman monna ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Mahal? Will you marry me? " Tumutulo man ang luha ko ay nagawa ko paring tumango.

"Oo mahal! I will marry you! " Sabi ko. "Talaga? " Masaya niyang tanong." Oo, ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba. Mahal na mahal kita. " Sabi ko at hinalikan sya. Inilagay niya ang singsing sa daliri ko at hindi ako makapaniwala na ikakasal na kami!

2 months later.

"Ogie, will you take Regine as your lawfully wedded wife, to cherish and love him for the rest of your life? In sickness and in health,until death do you part. "Sambit ng pari at tumingin kay Ogie."I do father " naiiyak niyang sambit." Regine, will you take Ogie as your lawfully wedded husband, to cherish and love him for the rest of your life? In sickness and in health,until death do you part. "Sambit ng pari." I do father." Nakangiting sabi ko.

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife! You may kiss the bride. " Sambit ng pari. Dahan dahang itinaas ni ogie ang belo ko, nginitian ko sya, At hinalikan nya ako.

"Huy!" Nagising ako sa pag iimagine ko nang sigawan ni Jaya ang tenga ko."Okay ka lang ba? Ba't nakatunganga ko jan?" Tanong niya.

"Ah oo, may naisip lang. " Sabi ko at tumingin sa harap ng altar.

Nakita ko si Yna at si Ogie. They're kissing, in front of everyone including me. Kinasal sila.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin, what if naniwala ako sa kanya? What if hindi ko sya tinaboy nung gabing yon? What if hindi ko pinairal ang galit ko? What if kami pa rin? What if mahal niya pa rin ako?Magiging ganon ba ang future namin? What if kami ang kinakasal ngayon? What if...............

All rights reserved
Author saddy Velasquez


This is an old one shot na nakalimutan kong ipodt sa watty pero na post ko da fb.

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon