" He loves me, He loves me not "

168 8 2
                                    

A oneshot story by yours truly. Author Saddy.
\\• Ang iyong mababasa ay pawang imahinasyon lamang at hindi nauugnay sa totoong buhay. Ang mga pangalan ng mga karakter ay nagbabase lamang sa idolo ng manunulat. Kung ayaw mo yung story block agad wag na madaming say. Okay? •//

(At dahil birthday ng nag-iisang reyna may pa story si mayor. Jusko 18 na sya, chozz. 52 kana ba talaga teh o 25? Pakicheck ng birth certificate please. Charing lang! Anyway happy birthday Chonaaaaa!)

Regine's POV

Kung ikaw ba papipipiliin, between sa isang taong mahal mo pero hindi ka naman mahal. O yung taong mahal ka pero alam mo sa sarili mo na hindi mo siya mahal. Anong gagawin mo? Sinong pipiliin mo? Mahal mo, o mahal ka?

"Halikana ihahatid daw kita." Napipilitang sabi ni Ogie sakin bago sumakay sa kotse niya. Ngumiti nalang ako ng malapad at sumunod ng sakay. Nang makapasok ako ay nakita ko siyang nakatingin sa picture ng isang babae. Agad niya itong binaba at nagmaneho nalang. Ngumiti nalang ako at tumingin sa harap para itago ang sakit na halata sa mata ko.

Siya si Ogie, my fiancee. Well not by choice. Arranged marraige kase ang kasal namin, at kahit na ayaw ko noon ay nung nakilala ko siya natutunan ko siyang mahalin. Pero nang malaman niya, he grew cold to me. Alam ko kase na may mahal siyang iba. Dapat hindi kami sasang-ayon sa engagement dinner para hindi ituloy ang kasal.

But when the dinner came, mahal ko na sya at walang ni bahid ng pagkontra ang ipinakita ko. Kaya ayun, simula non para nalang akong hangin na hindi niya nakikita, na hindi niya nararamdaman.

"Nandito na tayo." Napukaw ako sa pag-iisip ko nang magsalita siya. Nakita kong huminto na ang kotse sa set ng pelikulang ginagawa ko. Ngumiti nalang ako bago tinanggal ang seat belt ko. I attempted to kiss his cheek bago lumabas ng kotse pero umiwas siya. Napayuko nalang ako sa hiya at lumabas ng kotse. 

"Oh reg! Andito kana pala. Ito yung script mo magbasa kanalang muna at mejo matatagalan pa pag seset up nito." Sabi ni direk sakin habang inaabot ang script ko. Ngumiti ako at tumango.

"Sige direk dun lang ako sa may garden magbabasa." Paalam ko na tinanguan niya.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa garden at nagsimulang mag basa. 

"Umupo si aliyah sa kama niya habang iniisp si Karl. Malakas ang simoy ng hangin at bibigkasin ni Aliyah ang mga salitang 'Sana nandito ka sa piling ko mahal' at sa di inaasahan ay may yayakap sa kanya mula sa likod at sasabihing. 'Nandito ako mahal' at sisiilin ng halik ni Karl ang gulat na si Aliyah." Basa ko sa script. "Ahe ahem!" Sabi ko at nagsimulang magpraktis.

"Sana nandito ka mahal." Pagbigkas ko ng linya ko habang nakapikit at iniisip si Ogie. Pero napamulat rin ako nang may yumakap sakin mula sa likod. "Nandito ako mahal." Sabi nito kaya napalingon ako at mas nagulat nang siniil niya ako ng halik. Agad naman niya itong pinutol.

"Gago ka!!" Sigaw ko kay Piolo at hinampas siya ng papel na hawak ko. "Aray! Eh yun nakasabi eh!" Natatawang sabi nito at umupo sa tabi ko. "Wala pa ngang kamera eh! gago ka!" Sabi ko at hinampas siya ulit ng script.

Pero tinawanan niya lang ako at kinulong sa mga bisig niya. "Hay Regine bakit hindi nalang kase ako?" Pabiro niyang sabi pero alam kong may pagkatotoo yun.

Siya si Piolo, A singer and an actor. At inamin na niya sakin a few months ago na he is indeed inlove with me. Mahal niya ako at ipinaparamdam niya iyon sakin sa araw araw na magkasami kami. Pero sadyang wala akong nararamdaman para sa kanya other than friendly kind of love. Napaisip tuloy ako, bakit nga ba hindi nalang siya?

"Pj, alam mo naman na mahal ko siya eh." Sabi ko at hinawakan ang kamay niyang nakayakap sa bewang ko. "Pero hindi ka naman niya mahal, ako nalang reg, please. Ako nalang nagmamakaawa ako sayo. Kung hindi man ako, sana yung taong mahal ka. Kaya ko naman talagang tanggapin na wala kang nararamdaman para sakin. Ang masakit lang eh nakikita kitang magpapakasal sa taong hindi ka naman mahal. Kung hindi ka lang naman din magiging akin. Sana naman dun sa taong mahal ka." Mahabang litanya niya at hinalikan ang nuo ko.

"Okay." Sabi ko matapos ang ilang minutong pagkakatahimik. "What do you mean okay?" tanong niya. "In a week kasal na namin ni Ogie. If you make me fall in love with you by then, hindi na ako magpapakasal sa kanya." Sabi ko na nagpagulat sa kanya. 

"Reg totoo ba yan? Yes!! I promise I'll love you forever!" Sabi niya at binuhat ako habang tumatalon siya. Masaya ako kase masaya siya pero hindi ako sigurado kung tama ba tong disesyon ko. 

1 week passed and Piolo made me the happiest. For 3 days he was with me in a vacation. Tatlong araw na walang trabaho at yun na ang pinaka masayang moment sa buhay ko. Pero ang masakit, hindi man lang ako hinanap ni Ogie at pagbalik ko, Ni hindi man lang pala niya napansin na ilang araw akong wala.

At sa mga sumunod na araw pinaramdam sakin ni Piolo na ako ang mundo niya. Na sakin umiikot ang buhay niya at ako ang pinaka importanteng bagay sa buhay niya. And I've never felt that way before. 

Pero hindi ko nagawang umatras sa kasal, natakot ako sa kung ano ang sinasayang ko. Pagkakataon ko na tong maikasal sa lalaking mahal ko.

The church doors opened at nagsimulang tumugtog ang kanta ko. Pangarap ko ang ibigin ka. I chose that song dahil pangarap ko naman talagang mahalin si Ogie. I walked slowly to the altar at nakita ko si Ogie. Ni isang bahid ng emosyon wala akong makita sa mukha o mata niya.

oh jusko ano bang gagawin ko? Tama ba talagang magpakasal ako sa taong hindi ako mahal pero mahal ko? 

And then my eyes saw Piolo, sa likod ni Ogie. Hindi ko naman alam na siya pala ang best man ni Ogie. Wala naman kaseng sinasabi si Ogie dahil wala naman kase siyang pake sakin.

And when I was already in front of the altar, nakalahad na ang kamay ni Ogie sakin para tanggapin ko at sabay kaming pupunta sa altar. Tatanggapin ko na san ito nang magdalawang isip ako at tinignan ang mata niya.

Wala, wala akong makita. Gayunpaman ay inilahad ko rin ang kamay ko.

Pero ang nakapag gulat sa lahat ay nilampasan ko si Ogie at humarap kay Piolo. "Piolo? Will you marry me hon?" Sabi ko at nilahad ang kamay ko. Nakita kong sumilay ang isang malapad na ngiti sa labi niya at isang butil ng luha at tumulo mula sa mata niya. 

Niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik. " I love you." sabi ko. " You don't know how long I waited para lang marinig sayo yan." Sabi niya at hinalikan ang nuo ko.

Papunta na kami sa altar at huminto ako sa tapat ni Ogie. Binigay ko sa kanya ang kunwaring engagement ring namin at ngumiti. "Ikaw kung mahal mo yung tao ipaglaban mo! Sige na, pakasalan mo siya ha?" Sabi ko at tinuro ang sekretarya niyang naka upo sa likod. Ngumiti siya sakin at niyakap ako. "Thankyou reg." Sabi niya at pumunta na sa likod. 

Huminga ako ng malalim at humarap kay piolo. "Swerte mo naman po. Wala nang ligaw-ligaw, kasal agad!" Biro ko habang tumutulo ang luha ko sa saya. Pinunasan niya ang luha sa mata ko at pinisil ang pisnge ko. "I'ts okay hon, Liligawan naman kita habang buhay." Sabi niya na nakapag pangiti sakin. 

And there I married the one who loved me, And the one I love. Kase mahal ko si Piolo at siya na ang mamahalin ko habang buhay.

Hindi mo makokontrol ang puso ng iba para mahalin ka, pero makokontrol mo ang puso mo para magmahal ng iba. 

Mahalin mo ang taong mahal ka.

The end.

April 22,2022!

A happy ending for a happy birthday! Happy birthday songbird may all your desires come true!

One shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon