Regine's POV
Nasa kwarto ako ngayon ni Clyde. Ang anak ni Ogie at Yna. Ang full name niya ay Clyde Rue V. Alcasid. Clyde means" warm, caring and friendly " but Rue means " regret ". I don't know why I named him that pero parang may nagsasabi sakin noon na pagsisisihan ko ang pag kupkop sa kanya.
Nawala ako sa pag iisip ng kung ano ng umiyak sya. Kinuha ko siya sa crib niya at hinele. Hindi pa rin siya tumigil. ' ano bang problema nito?' hindi ko alam pero imbis na pag aalala ang maramdaman ko, frustration ang nararamdaman ko. Naiinis na ako.
Nang maramdaman kong gusto ko nalang siyang ibato para tumigil siya sa kakaiyak ay tumungo ako sa sala at ibinigay sya sa tatay niya. Nakita kong nagulat si Ogie pero para akong namanhid at bumalik sa kwarto namin.
Agad akong nag bihis at pumunta sa kaibigan kong si lea. I need to talk to her. Para na akong sasabog. Baka dapat nakinig nalang ako kay lea at hinayaan. Si Yna sa gusto niyang mangyari. Dapat pinalaglag nalang niya ang bata.
Shit! Ano ba tong iniisip ko?! Ako ang may gusto nito! Walang kasalanan ang bata. Agad akong pumunta sa garahe at kinuha ang sasakyan ko at ipinaharurot iyon patungo sa bahay ni lea.
Agad akong nagdoorbell at pumasok nang pagbuksan niya ako ng pinto. Dumeretso ako sa reff niya at kumuha ng tequila. " Grabe nauna ka pa talaga sa ak-oh my God reg! Ano ba let go of this!" Agad niyang binawi ang bote ng tequila na nilalaklak ko. Kalahati nalang din iyon dahil nalaklak ko na.
Shit! Parang hinihiwa ang lalamunan ko.
" It's too early for tequila! Ano bang problem mo! Why are you here?! Akala ko ba okay na?!" Singhal niya sakin.
" Akala ko din lei, akala ko din. " Sabi ko at napa upo sa sahig.
" Ano ba reg, i thought everything's fine now with Clyde? What happened?" Mahinahon niyang tanong nang makita niya kung gaano ako ka wasak ngayon.
" Akala ko kaya ko siyang mahalin, Akala ko kaya ko siyang tanggapin. After all Clyde is Ogie's child. 50% percent of his DNA is from him. Pero every time na nakikita ko siya. Nasasaktan ako, bumabalik yung sakit lei. Bumabalik at dumodoble. Nakikita kong masaya ang asawa ko, pero sa loob nawawasak ako. Hindi ko na alam lei, I'm trying my best to become a good mother and a better wife. Yet I can't, hindi ko na kaya." Sabi ko at humagulgul sa iyak. I probably look stupid but I can't help it. I'm broken.
After my talk with lei ay umuwi ako ng wala sa sarili. Umiikot ang isip ko sa mga sinabi ni lea. " If hindi mo na kaya, take a break from it all, or sumuko ka na. Hindi lahat ng problema naayos, this is not one of your cases where you can just win it by strategies and techniques. This is one case you can't win attorney, destiny will always win. If this is not your destiny, no one can change it. Not even the powerful attorney Regine Velasquez."
Naputol ang pag iisip ko nang maramdaman kong may mga bisig na nakayakap sa akin ng mahigpit.
" You should've told me that you can't handle it anymore. I can live without a child but I can't live without you. " Sabi ni Ogie.
" But the child couldn't live without you. I grew up having a father by my side. Teaching me about life. Lecturing me about mistakes and loving me for who I am. Do your responsibilities freely mr. Alcasid. I'm setting you free. " Sabi ko at kumawala sa yakap niya.
Kinuha ko ang isang piraso ng papel galing sa hand bag ko at ibinigay sa kanya.
" Now please do me a favor and set me free. I want to be free from the pain, please." I said and handed him a pen.
" Divorce papers?" Tanong niya sakin habang nagbabagsakan ang luha naming dalawa.
" This will solve all our problems and remove this heavy burden in our hearts. Pakasalan mo si Yna, give your child the family he deserves. " I said to him.
" Hon, wag naman ganito, kaya ko pa namang ipaglaban ang pamilya natin eh. Pagod kana diba? Ako hon, kaya ko pa. Ako muna ang lalaban, wag ka munang susuko please. " Sabi niya at lumuhod.
" Let's stop, hurting ourselves hon. " Sabi ko at lumuhod rin at hinaplos ang pisnge niya.
" Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong niya na kumirot sa puso ko.
" I'm letting you go, but it doesn't mean I don't love you. It means that I love you so much that I can do so. That I can sacrifice my happiness for yours. " I said and kiss his lips for the last time.
" Now sign the papers and set both of us free." I told him which he obligated.
" I love you. " He said and handed me the pen and paper.
" I love you, thankyou for letting me go. " I Said and packed my bags upstairs.
Nasa pinto na ako ng bahay tinitigan ko ang tahanan Namin ng 6 na taon. Itong bahay ang na to ang saksi sa pag kabuo at pagkwasak ng pagmamahalan namin. Thia will forever be my home. But now I must leave.
Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng gamit sa bahay at huli kong dinapuan ng tingin ay ang asawa kong naka titig sakin, at hinihintay akong umalis.
" Paalam mahal." Yan ang huli kong sinabi bago ako umalis. 'Please be happy.'
2 years later in the States
Nakita ko ang IG post ng dating asawa ko at ang bago niyang asawa. Tinupad niya ang sinabi ko, pinakasalan niya si Yna at binigyan ng boung pamilya ang anak nila. Malungkot akong ngumiti at tiningnan ang anghel na nasa kandungan ko at natutulog ng mahimbing.
" Sana tayo din no? Kumpleto. " Sabi ko at tumingin sa labas. " Sana hindi ako sumuko."
⚠️The end! Walang part 3 ⚠️
BINABASA MO ANG
One shot stories
FanfictionA collection of oneshot stories written by yours truly. Inspired by the author's idol, Regine Velasquez Alcasid. Disclaimer: This is not real and is purely a work of fiction. Typographical and grammatical errors ahead.