Chapter 15

594 28 16
                                    

A/N: Tanong ko lang. Payag ba kayo kung gagawa ako ng isang chapter dito na pure ka-byuntaeyan and yadong? Please Comment po kayo para alam ko po~ XD Kamsahamnida! Saranghae ♥

Chapter 15

-Kyungsoo's POV-

Pakisabi nga sa akin kung paano ako makakatakas kay Kim Jongin or I mean kay Kkamjong--ay este kay Kai pala kung itong kasama ko ay pilit na ipinagkakanulo ako kay Kai?

"Sige na Kyungsoo! Magpahuli ka na kay Kai!" pilit ni Baekhyun sa akin habang tinutulak ako papunta dun sa pinaka-gitna ng mall.

Nakatago kasi kaming dalawa ngayon sa loob ng mga binebentang cabinet. Buti na lang at payat kaming dalawa at nagkasya kami. Echosera!

Binatukan ko si Baekhyun dahil sa inis, "Bakit ba gusto mong mahuli niya ako? Eh pwede namang ako na lang ang manghuli sa kanya, ah?!"

Inirapan naman ako ni Baekhyun na para bang sinasabing 'Duh Kyungsoo'. Paalala niyo sa akin na kaibigan ko ito, ah. Baka mamaya ikulong ko toh ng tuluyan sa loob ng cabinet, eh.

"Eh kasi ayaw mo namang maghanap. Kaya kung ayaw mong maghanap edi magpakita ka na lang sa kanya. For sure naman na ikaw ang target nun, eh." sermon niya sa akin.

Napakamot na lang ako ng ulo dahil tama siya.

Ayaw kong hulihin si Kai pero ayaw ko din namang magpahuli sa kanya. Bakit? Simple lang, ayaw kong magpahalik sa kanya!! ≧﹏≦

Oo, mag-boyfriend na nga kami ngayon at nakapaghalikan na kami noon. Pero once lang nangyari yun at di na ulit nangyari.

Paano ba naman sine-save ko yung virginity ko hanggang sa magpakasal kami. Eh tuwing hinahalikan niya ako, pakiramdam ko, na-de-devirginized na niya ako.

Sorry na, beh. Masyado akong pa-bebe. Awtsu.

"Kyungsoo Hyung? Nasaan ka ba?"

Napatigil ako sa paghinga nang marinig ko ang boses na iyon ni Kai mula sa labas ng cabinet.

Mukhang sobrang lapit niya lang sa amin...

Napatingin ako kay Baekhyun at natakot ako na makita ang nakangising Baekhyun. Reyna talaga ng mga evil si Baek. Satansoo daw ako eh si Baek, si Baekmonyita naman.

"KA--Hmmp! Hmmp!" sisigaw na sana si Baek nang agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang isang kamay ko at hawak-hawak ko naman ang dalawang kamay niya para di siya makapalag.

Seriously, mukha akong kidnapper dito. -3-

Moment of silence passed at nakahinga ako ng maluwag nang narinig ko ang mga yapak ni Kai papalayo sa lugar namin.

"Hmmh! Mmm!" sabi ni Baekhyun pero hindi ko naman siya maintindihan. Ano daw?

Kumunot ang noo ko, "Ha? Ano yun? Hindi kita maintindihan, Baek!" sabi ko sa kanya na may bahid ng pagka-irita.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng basa sa kamay kong pinantakip sa bibig ni Baek.

"Ano yung basa?" tanong ko.

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon