A/N: Bago ang storya may story din muna ako sa inyo. Haha! Kikiligin kayo promise. Kasi, RP ko si Yeol sa isang clan ko at kyaaaah~ OTP sila ni Baekhyun! Ahe. Feel na feel naman ng author niyo kasi naman! Mahghad. Kakilig!
[IC]
Park Chanyeol here~ If it is possible that my Baby is reading this /blushes/ Omo. I am shy~ Kekeke. I just want to say that I really love you, Baby! You are my inspiration for doing this. Saranghae! ;-)
---
Chapter 9 (HunHan)
-Luhan's POV-
"Sige na Lu, pumasok ka na." tinapik ni Xiumin ang balikat ko bago nila ako iwanan para manggulo sa kwarto ni Baekhyun.
Napabuntong-hininga na lang ako habang tinitignan ang pintuan ng kwarto ni Sehun. Hinawakan ko na ang knob pero wala akong balak i-turn ito.
Bakit?
Hindi ko kaya. Pakiramdam ko, ako ang may gawa ng lahat. Alam kong masamang sisihin ang sarili pero hindi ko maiwasan na hindi iyon gawin.
Lalo na at hindi mangyayari ito kung umamin na lang ako mula noong simula pa lang.
Pero kung umamin ba ako, magkaibigan pa din kaya kami?
"Argh!!" Naiinis kong ginulo ang buhok ko. Para na kasi akong baliw, eh. Nakikipagtalo ang konsensiya ko sa akin. Ugh...
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo.
Natatakot ako. Kaya tatakbo na lang ulit ako...
"Luhan. Hyung..."
Para akong na-estatwa mula sa aking pwesto nang marinig ko siya.
Oo. Tinatawag niya ako...
Bago pa ako makapag-react ay agad na niya akong niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Para bang ayaw niyang pakawalan ako.
"S-Sehun--"
"Hyung, don't leave me again. Just stay here with me..."
Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni Sehun. Alam kong naiyak siya kaya naman wala na akong nagawa kundi hawakan ang kamay niya na nakapalupot sa may bewang ko.
Gamit ang isa kong kamay ay tinapik ko ang ulo niya na nakabaon sa may leeg ko, "H-hindi na kita iiwan kahit kailan, Sehun... Promise."
Pagkasabi ko 'nun ay agad akong hiniwalayan ni Sehun at bigla siyang ngumisi, "Promise? Hyung, I don't need a promise. Ang kailangan ko ay ang action mo. Kasi ang promises mo noon ay hindi mo tinupad kaya hindi na ako naniniwala sa salitang 'yan ngayon."
Napayuko ako sa sinabi ni iyon ni Sehun. Nasaktan ko nga siya...
"Hindi mo tinupad ang mga pangako mo, Hyung! Iniwan mo ako," tumulo na ang luha ni Sehun na agad din naman niyang pinunasan at ngumisi muli siya, "Iniwan mo ako... At sinaktan gamit si Xiumin Hyung..."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pero mas umaangat ang kilig sa akin ngayon kasi at least alam ko na nagseselos siya sa amin ni Xiumin. Meaning, mahalaga talaga ako sa kanya.
"Hyung, ang s-sakit na. Kasi mahal ki--Hmph!"
Enough is enough.
Narinig ko ng mahal niya ako kaya ayos na iyon para sunggaban ko na siya ng isang halik.
Supposedly, peck lang dapat yun pero nang hihiwalay na ako ay agad na kinawit ni Sehun ang braso niya sa waist ko na naging dahilan para lumalim ang halikan namin.
Nag-iinit na kaming parehas. Alam kong mahirap ng itigil ito kaya naman kumalas ako ng sandali kay Sehun at binuksan ko ang kwarto niya.
"Let's go inside, Hunnie. Baka makagawa pa tayo ng eksena sa hallway ng Hospital na ito."
Itinulak ko naman si Sehun na ngayon ay sobrang lapad ng ngiti papasok sa kwarto niya at agad din naming ni-lock ang pintuan.
I licked his neck and sucked a part of it gaining a moan from him, "A-ahhh... Hyung~"
Dinumihan nila ang Sehun ko? Pwes, ako ang maglilinis sa kanya...
---
Nakahiga kami ni Sehun sa Hospital Bed niya habang mahigpit na magkayakap sa isa't-isa.
Para bang ayaw na naming bitawan ang isa't-isa dahil sa takot na baka may umalis na naman. At maaaring sa pagkakataon na iyon ay hindi na naming magawang habulin pa ulit ang aming mahal.
"Hyung, mahal mo ba ako?" pagbagsak ni Sehun ng katahimikan.
Napangisi naman ako sa sinabi niya na iyon kaya sinuksok ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"I love you, Hunnie. More than my life..."
Naramdaman ko na namula ang pisngi ko pagkasabi ko noon. Mabuti na nga lang talaga at maagap ako at nakabaon na ang mukha ko sa dibdib niya at hindi niya makikita ang pagkakamatis ko.
Hinalikan ni Sehun ang buhok ko ng marahan at tila bang inaamuy-amoy niya ang buhok ko.
"Mahal na mahal din kita, Luhan hyung. My everything.."
Kinagat ko naman ibabang labi ko na tila bang nagpipigil ako ng kilig.
Shet. Manly ka Luhan! Pero walang hiya! Pinalambot ng Sehun na iyan ang puso mo! >|||<
Hinawakan ni Sehun ang magkabilang pisngi ko at hinarap niya ako para magtagpo ang mga paningin namin.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tila bang may Horse Racing na nagaganap sa loob. Dugdugdugdugdug.
"Hindi mo ako iiwan Hyung? Forever?"
Napayukom ako ng palad ko mahigpit at bumuntong-hininga.
"Walang forever, Sehun. Pero ang Always, oo. Kaya Oo, Sehun, hindi kita iiwan. Nandito lang ako sa tabi mo. Always..."
Ngumiti naman si Sehun sa sinabi ko at ginulo pa niya ang buhok ko. "Too much cheesiness, hyung!"
Parehas na lang kaming tumawa ni Sehun habang mahigpit ang pagkakahawak namin sa kamay ng isa't-isa.
I don't know kung hanggang kailan ang always na sinasabi ko. Pero handa akong lumaban kahit against all odds pa para lang makamtan ang always na 'yun.
Mahal ko siya.
Mahal niya ako.
Happy Ending?Not yet.
---
TO BE CONTINUED.
BINABASA MO ANG
Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)
General Fiction"If you are hurt right now, I think you are already MISCHIEVOUSLY IN LOVE with him but you are just denying it." -Suho "Truth hurts. Lies worst." -Kyungsoo "Love needs to wait and has no Limit." -Baekhyun (Baekyeol/ChanBaek))