Chapter 8
-Baekhyun's POV-
Ramdam na ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa dalawang sugat na natamo ko.
Ramdam na ramdam ko din ang mahigpit na pagyakap sa akin ni Sehun.
Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na talaga kaya. Wala na akong makita kundi puro anino na lang.
Wala na din akong ibang maramdaman kundi ang sakit...
Papikit na sana ako nang naramdaman ko ang paghawak sa akin ng isa pang nilalang. Pero bago ko pa malaman kung sino ito ay tuluyan na akong nilamon ng kadiliman...
"Don't worry. You will be safe."
---
-Sehun's POV-
The man suddenly moved towards us.
Lalong lumakas ang dagundong ng puso ko. Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko maaninag kung ano ang hitsura niya. Hindi ko ala. kung kakampi ba siya o kalaban. Hindi ko alam...
"Sehun, huwag kang mag-alala. Nandito na kaming mga hyung mo."
Nawala lahat ng takot ko at nawala din ang lahat ng lakas ko ng makita si Chanyeol hyung. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.
Lumapit si hyung kay Baekhyun hyung at kinuha niya ito sa akin at kinarga. May binulong pa nga siya dito pero hindi ko marinig kung ano.
"Tatakas na tayo, Sehun. Tara na." seryosong sabi ni Chanyeol hyung. Hinawakan ko ang isang kamay niya para pigilan siya.
Tumikhim ako, "Hyung! Baka nandyan pa sila sa labas! B-baka mahuli tayo..."
Nginitian niya lang ako bago sumagot, "Hinuli na sila ng ibang Members. Haha. Binugbog pa sila ni Luhan hyung."
Napalunok ako nang marinig ko ang pangalan ni Luhan Hyung.
Kung binugbog sila ni Luhan hyung, ibig sabihin ba nun, may pake siya sa akin? Na nagalit siya dahil may nangyaring masama sa akin? Hindi ko talaga alam...
"He cares for you, really. Alam mo ba na nag-away-away pa kami kanina sa Dorm bago pumunta dito dahil sa sobrang pag-aalala niya sa'yo? Tapos siya din ang nakahanap sa lugar na ito. Tsk. Ibng klase si hyung pagdating sa taong mahal niya."
Parang tumigil ang oras ko nang narinig ko ang lahat ng sinabi ni Chanyeol hyung
Totoo ba lahat iyon? Mahal ako ni Luhan hyung?
Bigla na lang akong hinilang ni Hyung patayo at sinabing, "Mamaya na 'yan. Tara na, punta na tayo sa Hospital."
Tinignan ko si Baekhyun hyung na karga-karga ni Chanyeol hyung. Nanginginig ito at mabilis ang paghinga.
Napatikom ako ng palad.
Mamaya na ako. Si Hyung muna.
---
-Baekhyun's POV-
Nagising ako sa isang nakakabulag na ilaw.
Agad kong tinakpan ang mga mata ko gamit ang isang kamay ko dahil hindi ko magalaw yung isang braso ko.
"Baekhyun?"
Narinig ko ang malalim na boses na iyon ni Chanyeol. Sobra kong namiss ang boses na yan. Sobrang-sobra.
Bigla na lang ako napahagulhol ngniyak kaya naman agad akong nilapitan ni Chanyeol at hinawakan ang aking kamay.
"C-Chanyeol... Dinumihan nila ako. W-wala na... C-Chanyeol. Ang saki-sakit..." panaghoy ko habang pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Chanyeol sa akin. Alam kong nang-gigigil siya ngayon.
"Sorry Baek... Sorry. I am so sorry..." sabi niya sa akin pero bago ko pa siya masagot ay naramdaman ko na naman ang sakit sa aking tagiliran.
"A-ahh."
Daing ko at bago ko pa namalayan ay binalot na naman ako ng kadiliman...
---
3rd Person's POV-
Nag-panic naman bigla si Chanyeol nang ipinikit uli ni Baekhyun ang kanyang mga mata kaya agad niya itong inalug-alog.
"Baek? Baek! W-wag ka namang ganyan oh~!"
Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ni Chanyeol nang biglang--
"ARAY! Walang hiya naman, Chen, oh! Bakit ka namamatok??" sigaw niya sa bagong pasok lang sa kwarto na si Chen.
Nakangisi itong sumagot, "Ang arte mo kasi, eh! Nagpapahinga lang 'yan! Kung maka-react ka parang patay na siya ah!"
"Sorry naman! Nag-pa-practice lang ako--ARAY! Ano na naman ba ang ginawa ko?!"
Natatawa si Tao na umakbay kay Chanyeol. Bagong pasok lang din ito sa kwarto at siya ang bumatok kay Chanyeol.
"Loko ka, eh! Hindi pa nga patay yung tao pinag-practisan mo na agad kung paanong umiyak sa burol niya! Masama ka, hyung!"
Natawa na lang si Chanyeol at tinignan niya ang biglang sumikip na kwarto. Nasa loob na kasi ang halos lahat ng EXO Members. Halos.
"Anong ginagawa niyo ba dito? Diba dapat nanduon kayo sa kwarto ni Sehun?" nakabusangot na tanongnni Chanyeol.
Eh kasi ba naman daw, nag-mo-moment pa sila ni Baekhyun tapos eepal bigla ang mga bakla. Nasaan ang hustisya dun?
Bigla namang binato ni Kris ng unan si Chanyeol pero sa kabutihan palad ay nasalo ito ni Chanyeol. "Wag ka ngang magreklamo diyan! Nakapag-moment na kayo ni Baek. Sina Luhan naman ang mag-mo-moment!"
Inirapan lang ni Chanyeol ang hyung niya at agad na nilapitan nuiya si Baekhyun na mahimbing nang natutulog at binugyan niya ito ng mabilis na halik sa noo.
"Magpagaling ka agad, Baek. I love you..."
Bulong ni Chanyeol sa natutulog na Baekhyun...
Pero alam niyang kailanman ay hindi maririnig ni Baekhyun ang naturang damdamin niya para rito.
TO BE CONTINUED
A/N: Waaah. Sorry po sa late Updae. T^T I am so sorry! Babawi po ako, promise.
BINABASA MO ANG
Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)
General Fiction"If you are hurt right now, I think you are already MISCHIEVOUSLY IN LOVE with him but you are just denying it." -Suho "Truth hurts. Lies worst." -Kyungsoo "Love needs to wait and has no Limit." -Baekhyun (Baekyeol/ChanBaek))