A/N: Guys, maraming thank you at naka-2K na tayo. Shems! Nakakaiyak lang. Haha!
Chapter 17
-Chen's POV-
Kung mayroon lang sigurong 'Katangahan Award", ako na siguro ang makakatanggap nun.
Isipin niyo, nakita ko na si Xiumin na nagtatago sa may Starbucks kanina pero hindi ko pa din siya hinuli.
Nakita ko na si Baekhyun na natakbo sa may hallway kanina, hindi ko pa din siya hinuli.
Yung totoo, Kim Jongdae, anong plano mo sa buhay mo? Aish...
Decide now or Regret later. So, ano na Kim Jongdae?
Naiinis, ginulo ko 'yung buhok ko at nagsimula nang tumakbo ulit, naghahanap ako pero hindi ko alam kung sino ang hinahanap ko.
Maybe, I should ask for a sign.
"Isang sign lang, Lord. Tulungan mo po ako, oh." bulong ko sa sarili ko.
Ang bakla pakinggan. Pero hindi ba at palagi tayong nahingi ng sign para makapagdesisyon tayo? And I am taking that path to decide.
"Hi Chen!"
Halos matuod naman ako nang marinig ko ang boses niya.
Ang boses ng isang Byun Baekhyun.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at nakita ko siyang hinihingal pero may ngiti na mamumutawi sa kanyang labi.
I was lost for words. This beautiful scenery in front of me is too much to take.
"Hah... Walang hiya, nakakapagod talaga na taguan ang Park Chanyeol na yun!" inis na sabi niya habang pinupunasan niya ang kanyang pawis. Nanatili akong tahimik dahil tila bang nawalan ako ng boses para magsalita.
Is this the sign I am asking for?
Tak. Tak. Tak.
Napatingin kaming dalawa ni Baekhyun sa direksyon ng mga yabag na yun. Paniguradong si Xiumin Hyung or si Chanyeol lang ito.
"Shet..." Baekhyun cursed. Pero bago pa ako makapag-react ay bigla na niya akong hinila papalayo.
Papalayo ng papalayo...
Sa realidad na gusto kong takasan...
---
"Hahaha! Akala ko talaga mahuhuli na ako ni Chanyeol kanina!" sabi ni Baekhyun habang niyayakap niya ang tuhod niya.
Nasa loob kasi kami ng isang madilim na lugar. I don't know kung saang lugar ako hinatak nitong si Baekhyun, eh.
Pero ang baho dito. Ugh. -__-
I sighed and looked at the innocent bacon beside me. Nakapatong yung chin niya sa tuhod niya habang naka-pout. Leche, ang cute lang talaga.
"Diba kalaban mo ako? Bakit mo ako hinatak kasama mo?" tanong ko sa kanya na naging dahilan para matawa siya ng kaunti, "Hindi ko din alam, eh. Basta hinatak na lang kita." he giggled.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang tinititigan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ganito pa din kalakas ang epekto niya sa akin. Di ko talaga alam.
BINABASA MO ANG
Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)
Genel Kurgu"If you are hurt right now, I think you are already MISCHIEVOUSLY IN LOVE with him but you are just denying it." -Suho "Truth hurts. Lies worst." -Kyungsoo "Love needs to wait and has no Limit." -Baekhyun (Baekyeol/ChanBaek))