Chapter 2
-Baekhyun's POV-
"Mama ijen naege daedaphaejwo wae saramdeuri dalla jyeonneunji. Areumdaun sijeo riraneunge jonjaehageun hanneunji~" inuulit-ulit kong kantahin ang part na 'yan. Ayan kasi ang first part ko sa first song namin na "Mama". Sabi nila malapit na daw kaming mag-debut. Pero hindi ko lang alam kung totoo yun. Kasi hanggang ngayon, wala pa din kaming pangalan.
By the way, hindi ko lubusang inakala na 'yung higanteng si Park Chanyeol ay trainee din pala sa SMEnt and magiging ka-grupo ko pa pala siya. Coincidence? Ewan. Tapos sa ngayon, siya din ang pinaka-close ko sa grupo. Lagi niya kasi akong nilalapitan, eh, kaya ayun napalapit na din ako sa kanya.
"Hyung, marunong ka daw mag-hapkido?" napatingin ako sa Pandang katabi ko, si Tao. Mukha siyang nakakatakot sa unang tingin pero ang totoo, fragile 'yan. Madali 'yang umiyak kaya naman gustung-gusto ko na inaalagaan siya.
"Yup. Nag-aral ako ng Hapkido noong elementary, eh." tugon ko sa kanya sabay ngiti. Well, sabi nila lalo daw akong gumagwapo kapag nangiti, eh. Hahaha.
Bigla namang nagningning ang mga mata ni Tao. Para bang nakakita siya ng kabundok na kayamanan sa reaksyon niya, eh. "Talaga hyung? Ako naman wushu ang alam ko!" excited na pagkasabi niya sa akin.
Tumango ako at sinagot siya, "Wushu? Pinalano ko ding aralin 'yan, eh, nahirapan ako. Hahaha! Kaya okay na ako sa Hapkido."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko ng mahigpit. Halata mo ang saya sa mga mata niya. Ang creepy nga, eh.
"Really hyung? Waaaah! I think we're meant for each other!"
Pagkasabi nun ni Tao ay nabigla na lang ako nang may 2 higante na pumagitna sa aming dalawa.
Si Kris hyung at si Chanyeol.
Bigla akong hinigit ni Chanyeol at bago pa ako makapagreklamo ay nailabas na niya ako ng Training Room. Anong problema nito?!
-Chanyeol's POV-
Nag-i-istrum lang ako ng gitara habang pinagmamasdan ko si Baekhyun na unti-unting nillapitan ni Tao. Bestfriend ko na si Baekhyun! Syempre, ayan na ang turing ko sa kanya, noh. At isa pa, ang cute niya kaya! *o*
Bigla na lang umupo sa tabi ko si Kris hyung at binigyan niya ako ng tubig. Nagpasalamat naman ako sa kanya.
"Hindi ka ba nagtatampo kay Baekhyun?" nabigla ako sa tanong na 'yun ni hyung kaya muntikan ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko. Ano bang pinagsasabi nito?
BINABASA MO ANG
Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)
General Fiction"If you are hurt right now, I think you are already MISCHIEVOUSLY IN LOVE with him but you are just denying it." -Suho "Truth hurts. Lies worst." -Kyungsoo "Love needs to wait and has no Limit." -Baekhyun (Baekyeol/ChanBaek))