Chapter 16

564 32 21
                                    

A/N: We almost reach 2K guys! Konting push na lang~ Hoho. Dahil diyan, mag-U-UD ako~ Kekeke.

Chapter 16

-Chen's POV-

"Groom's Sehun, Bride's Luhan Out. Sehun and Luhan Out."

Napabuntong-hininga ako nang marinig ko 'yun mula sa voice over. Great just great. Talagang kaming apat na lang ang natira, ah? Hindi ko alam kung nananadya ba sila o talagang pinaglalaruan lang kami ng tadhana. -3-

Sino bang gusto kong mahanap sa dalawa? Tss. Ang hirap naman nito, ah! Hindi ba pwedeng parehas na lang sila?

"Huwag ka namang selfish, bro." nabigla ako nang marinig ko ang malalim na boses ni Park Chanyeol. Tinapik niya ang balikat ko pero agad ko din namang tinabig ang kamay niya.

Angas lang.

Tinignan niya ako ng masama at ganun din ang ginawa ko sa kanya pero siya din naman ang unang nag-iwas.

Tinalikuran niya ako pero bago siya naglakad papalayo ay may sinabi siya, "Hindi mo ba alam na sa ginasa mo ay lumalabas na pinaglalaruan mo lang si Xiumin Hyung? Think Kim Jongdae. You are wiser than that."

And he left me stunned.

Napakuyom ako ng aking mga kamao. Sobrang diin ng pagkakayukom ko to the point na bumabaon na ang mga kuko ko.

Ang sakit sa pakiramdam. Pero sino ba ang mas nasasaktan? Ako nga ba talaga?

-Flashback-

Nandito ako sa loob ng dorm ng EXO-M. At ang masasabi ko?

MISS KO NA SI BYUN BAEKHYUN!

Bakit kasi ang daming pakulo ng SM, eh? Kailangan pa talagang paghiwalayin ang EXO sa dalawang grupo. Unfair~ -3-

"Uy, miss mo na si Baekhyun, noh?" halos mapalundag ako mula sa kama ko nang nasa tabi ko na pala si Xiumin Hyung.

Langya. Aatakihin ata ako sa puso dun ah!

Napahawak ako sa dibdib ko at medyo namula dahil dun sa sinabi ni Hyung. "H-ha? Bakit ko naman mamimiss 'yung lalaking 'yun?"

Nag-pout naman si Hyung atsaka umiling. Shet, ang cute niya!

"Kasi diba gusto mo siya?"

Pagkasabi niya nun ay tuluyan na akong nahulog sa kama ko.

"Aray ko..." daing ko habang hinihimas ko 'yung likod ko na tumama sa sahig.

Walang hiya naman kasi, eh. Ganun ba ako kahalata para malaman ni Hyung 'yun?

Sinilip namnn ako ni Xiumin hyung na halata mo ang pag-aalala niya para sa akin, "Uy, Chen? Okay ka lang?"

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon