Chapter 18

520 29 10
                                    

Chapter 18

-3rd Person's POV-

Kapag na-o-out ang isang member ng EXO, sa isang sikretong lugar sila napunta.

Deliberation Room.

Dito lahat ng kilos ng mga kasamahan na nasa laro pa ay napapanood nila.

Kaya naman masasabi nating nagsusuka na sina Lay at Suho dahil sila ang naka-witness ng harutan ng ibang members.

Wala. Parusa na 'yun sa kanila kasi una silang na-out, eh.

"Ang sakit talaga ng pwet ko." daing ni Luhan habang hinihimas niya ang kanyang pwetan. Halos maiyak na siya dahil talagang pinarusahan siya ni Sehun.

Napangisi ni Sehun, "Wala akong kasalanan, ah. Ikaw ang nahulog sa sahig."

Yep. Wag kayong byuntae, ah? Oo, napasukan na ni Sehun si Luhan nung isang gabi pero ngayon kaya masakit ulit ang pwet nito ay dahil sa nahulog siya kanina habang karga siya ni Sehun.

Ang likot kasi, eh. -_-

"TSE!" sabi ni Luhan sabay irap. Ganyan talaga kapag masyadong lumalapit kay Byun Baekhyun. Naiimpluwensyahan ng kamalditahan. Mehehe.

Habang sa kabilang dako naman ay inip na inip na si Tao. Kung totoo lang ang powers niya ay kanina niya pa yun ginamit.

"Nasaan na ba si Xiumin Hyung at Chen Hyung? Ang tagal naman nila, oh." sabi ni Tao sabay pout.

Napatingin naman si Kris dito at hindi niya napigilan na halikan ng mabilis si Tao.

Temptation kasi ang nguso, okay?

"B-bakit--?"

"Nakaka-tempt kasi, eh. Ngumuso ka ulit. Hahalikan ulit kita."

Awtomatikong namula ang mga pisngi ni Tao at agad niyang tinakpan ang mga ito. "W-wag kang malandi!" nauutal na sabi nito.

Ngumisi si Kris dahil sa ka-cute-an ni Tao at niyakap na lang niya ito.

Hindi nila alam, ang sama na ng tingin sa kanila ni Kyungsoo. Hindi ko alam kung naiirita siya sa PDA o naiinggit siya.

"Aish. Puro landi! Nakakadiri talaga, eh!" sabi ni Kyungsoo at hinawi niya ang bangs niya na tumatakip sa kanyang mata. "Nasaan kasi si Kai?" bulong niyang hinaing.

Nagpaalam kasi si Kai kanina na mag-C-CR pero hanggang ngayon wala pa din ito. Sobra tuloy OP si Kyungsoo.

"Namiss mo ko agad, Hyung?"

Rumolyo ang dalawang malaking mata ni Kyungsoo nang narinig niya ang boses ni Kai.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Leche ka. Bakit ang tagal mo?"

Umupo si Kai sa tabi niya niyakap ng mahigpit si Kyungsoo. "Tumae ako, eh."

Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo at pinalo-palo ang mga kamay ni Kai. "Eew! Yuck! Naghugas ka ba?!" diring-diri niyang sabi.

Natawa si Kai at pinaamoy niya ang kamay niya kay Kyungsoo.

"Ang bango, noh?"

Nagkunwari namang nasusuka si Kyungsoo pero sa totoo niyan ay sobrang bango ng kamay ni Kai at halos gusto na niya itong kainin sa bango. -_-

Teka. Ako ang nasusuka sa kanila, eh.

"YO GUYS! TIME TO PLAN!"

Natigil ang lahat sa paglalandi. Natigil ang lahat sa pagkilos. Huminto na din pati ang oras--Leche, ang OA naman masyado.

Basta nakuha ng bagong pasok na si Chen ang atensyon ng mga kaibigan niya.

Kasalukuyang naka-akbay si Chen kay Xiumin at nakangisi ng nakakatakot ang loko habang si Xiumin naman ay sobrang namumula. Anyare?

Sa pagdating na 'yun ni Chen at Xiumin ay umupo ang lahat sa sahig. Pabilog ang upo nila.

Mag-mi-meeting sila ngayon kung ano ba ang dapat gawin ni Chanyeol.

Oo, tutulungan nila si Chanyeol umamin. Torpe daw kasi ang Yoda kaya natatakot sila na baka masayang ang chance na ito kaya sila na ang gagawa ng paraan.

"Pero teka. Sure ka na bang move-on ka na kay Baekhyun, ah, Chen?" tanong ni Suho kay Chen.

"Oo. May Xiumin na ako. And he's more than what I am asking for." sagot ni Chen sabay halik sa pisngi ni Xiumin.

Okay. Mahaharot.

Nag-usap lang sila ng kaunti. May inayos lang silang konting detalye dahil nakahanda na pala yung plano kanina pa.

Nang matapos na nang tuluyan ang plano ay pumunta sila sa harap ng malaking Monitor na may sampung microphone na nakakabit mula dito.

Binuksan ni Suho ang monitor at rumehistro dito ang kasalukuyang nakikita ni Chanyeol at isang map ng mall na may pink na dot sa may Cinema.

Yung dot na pink ay si Baekhyun. May tracking device ang walkie talkie niya.

Kinuha ni Chen ang isang mic at inilagay ang headphones sa ulo niya.

"Hello Chanyeol. This is Chen. Let's start the plan."

Sa signal na iyon ni Chen ay nagsihanda na din ang ibang members at pumuwesto na.

Wala, eh. High-tech na ang panliligaw ngayon.

Salamat na lang sa Black Card ni Suho

-TO BE CONTINUED-

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon