Chapter 13
-3rd Person's POV-
Nasa loob na ang buong EXO ngayon sa CoEx Mall.
Si Suho ay kasalukuyang kausap 'yung magiging announcer ng laro. Napagdesisyunan kasi ng EXO na i-recird ang laro nila. With no camera man pero with CCTV Camera.
Magkahiwalay na din ang dalawang grupo sa Grooms at Brides at hinihintay na lang nila ang distribution ng walkie talkies na gagamitin nila para sa laro mamaya.
"Excited na ako~" sabi ni Tao sa mga kagrupo niya na naging dahilan para magtawanan ang mga ito. Pwera kay Baekhyun na halatang kinakabahan.
Napansin naman agad ito ni Kyungsoo kaya marahan niyang tinapik ang balikat ni Baekhyun at ngumiti, "Don't worry, Baek. I-enjoy mo lang ang laro. What do you supposed to lose?"
Napatango na lang si Baekhyun biglang signal ng pagpapasalamat.
"Xiumin, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." napatingin naman ang lahat ng Brides sa direksyon ni Luhan at Xiumin. At oo nga, kanina pa tahimik si Xiumin. Parang kahapon lang siya ang pinaka-excited sa kanilang lahat, ah?
Tinignan naman ni Xiumin ang bawat isa sa mga kagrupo niyang Brides at nginitian niya ang mga ito, "I'm fine, Luhan. Hahaha! Nag-iisip lang ako ng strategy kung paano huhulihin si Chen mamaya. Haha!"
Xiumin faked a laugh but no one seems to notice it but his best friend, Luhan, who remained silent but it is obvious that he is worried.
"Pinaalala niyo na naman sa akin 'yan! Waaaah! Paano naman ako? Anong gagawin ko kay Chanyeol??" namumula na naman si Baekhyun na nagpapadyak na parang bata.
Pinagtawanan lang siya ng mga kagrupo niya kaya lalo siyang nag-pout, "Ang sama niyo sa akin~"
---
Magkakasama ngayon sa Center ng Mall ang buong EXO.
Binigyan na ni Suho ng walkie talkies ang lahat ng members kaya naman magsisimula na ang laro within a minute na naging dahilan para kabahan lalo ang mga members.
Hinigpitan ni Chen ang pagkakahawak sa blue walkie talkie niya atsaka niya tinignan si Baekhyun at Xiumin na naging dahilan lang para lalong magulo ang isip niya.
"Bahala na." bulong niya sa sarili niya atsaka lumapit muli sa kanyang mga kasamahan.
Hindi alam ni Chen ay may dalawang tao na kanina pa siya pinagmamasdan--si Chanyeol at si Xiumin.
Si Chanyeol na natatakot na baka maging karibal pa niya sa pag-ibig ang kaibigan niya. Sino naman may gustong makipag-agawan pa, diba? Lalo na at kaibigan mo ang kaagaw mo.
Si Xiumin na kinakabahan sa mangyayari. Pero desidido na ito na si Chen ang kukuhanan niya ng name tag.
At puso...
Wala na itong pake sa kung ano ang pwedeng mangyari. Maaari siyang makakuha ng heart break. Pero ano naman ngayon, diba? At least, sinubukan niya.
At isa pa, ngayon pa ba siya susuko kung kailan alam niya na mahal din siya ni Chen?
"Hyung, alam kong magagawa mo iyan. Fighting!" napangiti na lang si Xiumin nang marahang tinapik ni Baekhyun ang kanyang balikat.
Tumango lang ito at tinignan kung paano nag-fighting si Baekhyun sa ibang members.
"Kung alam mo lang na ikaw ang dahilan, Baekhyun... Fighting na lang talaga sa akin at sa'yo." sabi ni Xiumin pero hindi ito audible enough para marinig ng ibang tao.
Saglit na nagnakaw ng tingin si Xiumin kay Chen pero bago pa man niya itong mabawi ay lumingon din si Chen sa gawi niya na naging dahilan para sila ay magkatamaan ng tingin.
"Aww..." mahinang bulong ni Xiumin nang si Chen ang unang bumawi ng tingin.
Bumuntong-hininga na lang si Xiumin at pumunta na sa mga ka-miyembro niya.
Kahit na anumang mangyari, hindi na siya mag-sisisi pa.
---
"Kris-ge, paano kapag may na-in love sa iyo na lalaki? Ayos lang ba sa'yo 'yun?"
Kasalukuyang nasa loob ng Men's CR si Kris at Tao. Umalis sila ng walang paalam dahil busy ang kanilang mga grupo sa paggawa ng tactics daw kuno.
Wala, eh. Seryoso ang mga loko sa laro.
Napataas naman ng kilay si Kris sa tanong na iyon ng mas nakakabata. Hindi niya alam kung bakit pero may ngisi na rumehistro sa kanyang mga labi.
"I don't know, Tao. But I am sure I am straight." sagot ni Kris na naging dahilan para mapakagat-labi si Tao.
Sabihin na nating nag-expect si Tao na mahal--o kahit gusto lang--siya ni Kris. Masyado kasi itong paasa.
O talagang siya lang ang umaasa?
Oo, inaamin ni Tao na mahal niya si Kris. Eh, ano namang magagawa niya, diba? Tinamaan siya ni Kupido, eh.
"Uy! Earth to Tao! Nasa mundo ka pa ba, Huang Zitao?" nabigla at namula si Tao nang nasa harapan na niya mismo si Kris. I-estimate natin na nasa mga 1 centimeter na lang ang agwat ng mga mukha nila dahil pati nga ilong nila ay nagbabanggaan na.
Nang nakabawi na si Tao ay agad niyang itinulak si Kris.
"Hala! Anong ginawa ko sa'yo?" tanong ni Kris habang naka-pout.
Naiimagine niyo ba? Bakit parang hindi ko maimagine si Lord Krisus na mag-pout? Hoho.
Bago pa man makabwelta si Tao, may nagsalita ng announcer mula sa voice over ng mall.
"EXO. Brides and Grooms. Pumunta na sa Rendezvous and the game will start within 5 minutes."
Tinignan ni Tao si Kris at muli na naman siyang napagmulahan ng mukha.
Malanding Huang Zitao. ≧﹏≦
"U-una na ako!" saad ni Tao atsaka lumabas sa CR nang hindi man lang tinitignan o hinintay man lang ang sagot ni Kris.
Napangisi na lang si Kris habang pilit niyang pinapakalma ang tibok ng puso niya.
Bakit naman kasi siya umibig sa isang Huang Zitao, eh noh?
---
TO BE CONTINUED.
A/N: Waaah. Sorry po sa Super Late UD. = ̄ω ̄= Naging busy po sa school, eh. Malapit na po ang Finals namin and graduating po kasi ako, eh. Sarreh po talaga~
Babawi po ako.
Please VOTE
COMMENT
AND BE A FAN.
-ByunBunso
BINABASA MO ANG
Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)
General Fiction"If you are hurt right now, I think you are already MISCHIEVOUSLY IN LOVE with him but you are just denying it." -Suho "Truth hurts. Lies worst." -Kyungsoo "Love needs to wait and has no Limit." -Baekhyun (Baekyeol/ChanBaek))