Chapter 7

570 24 5
                                    

A/N: Kakatapos ko lang manood ng ChanBaek videos kaya inspired ako ngayon! Shete. Kakilig talaga sila!!! Ow yeah! Sembreak na kaya expect na sunud-sunod na UD to'.

Rated SPG Ahead! (Kinda')

***

Chapter 7

-Baekhyun's POV-

"Ungh..." ungol ko nang unti-unting bumabalik ang aking malay-tao.

Naramdaman ko naman ang sakit mula sa aking batok kaya binalak kong hawakan ito para makita kung may sugat ba ako doon.

Pero nakatali ako.

Naalala ko bigla si Sehun. Agad kong nilibot ang aking paningin pero purong kadiliman ang bumungad sa akin. Nakakatakot.

"S-Sehun...?"

Lumunok ako at hinintay ko ang sagot ni Sehaun. Ayaw ko na may mangyaring masama kay Sehun. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Swear to God.

"H-hyung. Nandito ako..." biglang dumapo ang paningin ko sa kabilang bahagi ng kwarto at doon nakita ko si Sehun.

Hindi ko maaninag kung may sugat ba siya o ano pero natuwa ako nang malaman ko na may malay siya.

Huminga ako ng malalim bago ko tinanong si Sehun, "Ayos ka lang ba Sehun? A-anong ginawa nila sa'yo?"

Narinig ko ang paghikbi ni Sehun kaya muli na naman akong nakaramdam ng takot. Pero mas lalo akong natakot nang hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Sehun! Sehun! Sagutin mo si hyung, please..." I pleaded.

"H-hyung... They r-raped me..."

Sa sinabi na iyon ni Sehun ay napaiyak na din ako. Para bang lahat ng lakas ko ay tumakas sa sistema ko.

Ako na lang dapat. Dapat hindi na lang nila dinamay si Sehun. Ako na lang...

"D-Don't worry... Hindi ko hahayaan na gawin nila ulit sa'yo iyon. T-takas... Oo, tatakas tayo dito..." pinilit kong tatagan ang boses ko pero hindi pa din iyon sapat para maitago ang paghikbi ko.

"O-okay, hyung. I trust you..."

Ngumiti ako ng bahagya sa sinabing iyon ni Sehun pero...

"Oh! Gising na yung mukhang poodle! Pwede na ulit tayong magsaya!"

Nakakatakot.

-Chanyeol's POV-

Nagpapawis ang mga palad ko.

Kinakabahan talaga ako. Anong oras na pero hindi pa din nabalik sina Baekhyun. Hindi naman siguro ganoong kahirap hanapin si Sehun para gabihin sila ng uwi, diba?

"Alas-diyes na. Wala pa din sila..." sabi ni Chen na kasalukuyang naka-upo sa tabi ko.

Napatingin naman ako sa wall clock na nakasabit sa mismong harapan ko.

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon