Chapter 11

550 24 2
                                    

Chapter 11

-Chanyeol's POV-

Pagkatapos akong halikan ni Baekhyun ay bigla na lang niya aking iniwanan sa kwarto namin habang pinupunasan niya ang kanyang mga labi.

At ako? Nang dahil sa sobrang shock ay hindi ko na nagawa pang makapag-react kaagad.

Hindi ko nagawang habulin si Baekhyun at tanungin man lang sa kanya kung bakit niya iyon nagawa.

Ang nagawa ko lang ay ang mamula at hipuin ang labi kong kanyang hinalikan.

Wala akong maintindihan...

Mahal niya din ba ako?

Agad kong ginulo ang buhok ko dahil sa frustration. Ugh. Masyado naman akong assuming pero shelt lang, nababakla ako dahil kay Baekhyun.

Tuluyan na akong humiga sa kama niya at niyapos ko ang unan niya. Amuy na amoy ko ang pabango ni Baekhyun nanggigil tuloy akong yakapin pa ng mas mahigpit yung unan, imagining that it is Baekhyun whom I am hugging.

"Baekhyun, I think, I really love you already."

Binaon ko na lang ang mukha ko sa unan at bumuntong-hininga.

Ang gulu-gulo ng isip ko. Magpakamatay na lang kaya ako? .___.

---

"Me and Kai is officially a couple now."

Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko nang inannounce ni Kyungsoo iyon sa harapan naming lahat.

Ang bilis nila, ah? Nakakabigla lang.

Nakita kong lumapit si Kai kay Kyungsoo at niyakap niya ito. PDA. Atsaka siya tumingin sa amin, "Sana tanggap niyo kami..."

Tinignan ko ang ibang members at lahat sila ay nakangiti pwera kay Baekhyun na nakayuko at tila ayaw niyang ipakita ang mukha niya.

At isa pa, naka-upo si Baekhyun sa dulo ng sofa. Katabi niya si Chen. Habang ako, nasa kabilang dulo naman. Iniiwasan niya ata talaga ako. Hay... Ano ba ang dapat kong gawin?

Pero kasi talagang awkward, eh.

"Congrats, Kyungsoo and Kai. Oo naman! Tanggap namin kayo, noh? Para saan pa ang pagkakaibigan natin, diba? At isa pa, boto na ako sa inyong dalawa noong simula pa lang kaya!" napatingin kaming lahat kay Baekhyun na tinatapik ngayon ang balikat ni Kai. Nakangiti siya pero alam kong hindi talaga siya masaya.

"O sige. Masama kasi talaga ang pakiramdam ko, eh. Una na ako sa taas." -Baekhyun

Bago pa makataas sa kwarto si Baekhyun ay nahuli ko ang pagpatak ng luha niya pero bago ko pa siya mahabol ay pinigilan na ako ni Kyungsoo.

"Ako na ang kakausap sa kanya. Ako din naman ang may sala, eh." -Kyungsoo

At tuluyan na ngang hinabol ni Kyungsoo si Baekhyun sa kwarto namin.

Napaupo na lang ulit ako sa sofa habang ang ibang miyembro naman ay naguguluhan na nakatingin sa akin.

"Anong nangyari sa inyong dalawa, ah? Kanina ko pa ngang napapansin na hindi kayo nagpapansinan!" panimula ni Chen kaya nagsimula na ding magreklamo ang iba.

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon