Chapter 22

643 29 6
                                    

Chapter 22

-Baekhyun's POV-

"Hmmh." Nagising ako sa mahina na ungol na yun.

Taena naman, oh. Kung gagawa sila ng milagro dapat hindi na lang nila ipinaparinig sa akin. Kitang natutulog yung tao, eh. Bastusan lang?

Umikot ako sa kama para yakapin si Chanyeol pero napamulat ako nang makapa kong wala siya sa tabi ko.

"Chanyeol?" kinakabahan ay tinawag ko siya. Parang may pakiramdam na ako nang kung ano ang nangyari, eh.

"Hmmh! Hmmm!"

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng ungol at halos mapasigaw ako sa nakita ko, buti na lang at agad kong napigilan ang sarili ko.

"CHANYEOL!" tumakbo ako papunta kay Chanyeol na nakatali sa may cabinet ko, may nakatakip na electrical tape sa bibig at puro pasa ang mukha.

Hinawakan ko si Chanyeol sa magkabilang pisngi at agad kong inalis ang tape sa bibig niya, earning a groan from him, "Aahh!"

Kinakabahan ako habang kinakalas ang pagkakatali niya. Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Nahuli kami.

"Sinong gumawa nito sa'yo?" kahit na alam ko na ang sagot ay tinanong ko pa din siya. Malay niyo naman ay trip lang ni Chanyeol na bugbugin at gapusin ang sarili niya, diba?

Halata sa mukha ni Chanyeol ang takot.

"S-si--"

"Ako, Byun. Bakit may reklamo ka?"

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa gawin niya. Si Lineth.

Sabi na nga ba, eh. -_-

Lumapit ako sa kanya at tinaasan ko ng kilay. Kahit papaano diva pa din ako.

"Bakit mo ginawa yun kay Chanyeol, Lineth? Ano na naman bang problema mo?"

Inirapan ako ni Lineth at sinabing, "Rules are rules. Those who break it, will have broken bones. Buti nga at si Chanyeol lang ang binugbog ko at hindi na ikaw, eh." sabay walk-out ng kwarto.

Ghad. Napaka-amazona talaga ng babaeng yun. -_- Nakakatakot siya.

"B-Baek." naagaw naman ng impit na ungol na yun ni Chanyeol ang atensyon ko kaya agad ko siyang pinuntahan. "Bakit Yeol, may msakit ba sa'yo? Sabihin mo lang sa'kin."

Pero ngumisi lang si Chanyeol at hinalikan ako sa labi. Peck lang naman pero namula ako dahil dun.

"Halik mo lang ang kailangan ko para gumaling, Baek." bulong niya sa akin tapos pinalo ko siya sa braso ng mahina. "Ano yon? May betadine yung halik ko? Ganun?" sabay irap.

Biglang tumawa si Chanyeol kaya natawa na din ako. Minsan nakakahawa na din ang kabaliwan nitong lalaking ito, eh.

Hinila ko siya papuntang higaan ko at pinahiga ko siya dun.

Ngayon ko lang napansin na wala na pala si Chen. O well, baka nasa baba na at kasama ang iba.

"Lilinisin ko yang mga sugat mo, Chanyeol ko~ Rawr!" kinagat ko ang lower lip ko at umupo sa may tiyan niya. Ngumisi naman si Chanyeol at hinawakan ang bewang ko.

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon