A/N: Waaah. Natutuwa talaga ako. *0* Akala ko walang nagbabasa ng story na ito pero mayroon pala. Dahil diyan, mag-u-update ako. Oh well, Christmas Break na at wala akong gagawin kung hindi mag-spazz at mag-wattpad kaya pupudpudin ko na lang para sa inyo ang daliri ko. XD Enjoy the Update! >3< Mahal ko ang ChanBaek! Mahal ko ang EXO! <3
---
Chapter 10
-Baekhyun's POV-
After ng aksidente na nangyari sa amin ni Sehun, mas naging close kaming EXO. Para ngang hindi na kami mapaghihiwalay 12, eh.
Talagang natakot kami na baka maulit na naman ang mga nangyari sa amin ni Sehun kaya sinisigurado namin na palagi kaming magkakasama.
Si Sehun at Luhan, going strong ang relationship nila. Imagine, kinailangan pa talaga na may mangyaring kidnapan bago magka-aminan.
Kami naman ni Chanyeol? Eto mag-best friend pa din pero into a new level. Hindi ko na nga alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa higanteng iyon pero hangga't nasa tabi ko siya, I feel safe.
Hindi na din lumabas sa mga fans ang nangyari sa amin. Mabuti na lang talaga at magaling magtago ang SME at pati sa mga Sasaeng natago nila. .___.
"Kai~ Turuan mo ako sa step na iyan! Hindi ko talaga siya gets!" sabi ni Chanyeol kay Kai na naging dahilan para maparolyo ang aking mga mata.
Kahit kailan talaga masyadong papansin itong si Chanyeol kay Kai. Pwede naman na sa akin na lang siya magpaturo, eh, kay Kai pa talaga ang gusto.
Oo, kung ikukumpara kay Kai, di hamak na mas magaling si Kai sa akin. Kaya lang nagpa-practice pa si Kai kasama si Sehun tapos ako, wala naman akong ginagawa. Talagang si Kai pa ang gusto niyang makasama. >3<
"Someone's jealous?" Napatingin ako kay Kyungsoo na umupo sa tabi ko. Napatawa na lang ako sa tinurang niya, "Heh! Tigilan mo ako, Kyungsoo. Baka ikaw ang nagseselos diyan."
Hinampas naman ako ni Kyungsoo kaya hinampas ko na din siya. Hahaha. Naghahampasan lang kami.
"Hindi ako nagseselos, noh! Hindi pa nga ako nakakaamin kay Kai, eh." sabi niya habang inaayos ang damit niyang nagusot nang dahil sa aming hampasan.
Napabuntong-hininga na lang ako at tinapik ko ang balikat niya, "Alam mo, umamin ka na habang maaga pa. Baka mamaya maunahan ka pa diyan."
Nirolyo lang ni Kyungsoo ang malaking mga mata niya na naging dahilan para tumaas ang kilay ko. Hindi bagay sa kanya. Mas bagay talaga sa akin ang pagiging mataray. Kekeke.
"Huwag mo akong pagsalitaan, Baek. Dahil ikaw nga diyan, pati sa sarili mo hindi ka pa naamin. Umamin ka na kayang mahal mo siya baka mamaya ikaw pa ang maunahan diyan."
Napahinto ako sa mga sinabi ni Kyungsoo. At sa hindi malamang dahilan, napatingin ako sa direksyon ni Chanyeol na kasalukuyang tinuturuan ni Kai ng Chorus ng Wolf.
BINABASA MO ANG
Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)
General Fiction"If you are hurt right now, I think you are already MISCHIEVOUSLY IN LOVE with him but you are just denying it." -Suho "Truth hurts. Lies worst." -Kyungsoo "Love needs to wait and has no Limit." -Baekhyun (Baekyeol/ChanBaek))