SNEAK PEEK OF CHAPTER SIX

554 26 0
                                    

A/N: Feeling ko ang haba ng Chapter Five. Hindi naman, diba? Kasi nang tinatype ko ang chapter na 'yun, laging nag-ha-hang ang wattpad. =3= So, dahil medyo matagal akong hindi nag-update, sunud-sunod na update ang ibibigay ko sa'nyo. Loyal po ako sa Royal OTPs~ Hoho.

***

-Baekhyun's POV-

Sa Kwarto//Dorm

"So, apat tayo dito sa kwarto? Eh, paano 'yan dadalawa lang ang kama?" nakapamewang na tanong ko sa tatlong higanteng naka-upo ngayon sa kama ni Chanyeol.

"Edi, tabi tayong dalawa sa kama mo, Baby Smurf~" sabi ni Chanyeol at tinanguan ko lang siya. Hindi ako sanay na hindi siya binabara sa mga ganitong ppppppanahon pero kasi kakabati lang namin, eh, kaya iwas na muna sa barahan ngayon.

Tumingin ako kina Tao at Kris hyung,"Tabi kayong dalawa sa kama na 'yan, ah, Tao at Kris hyung." tila nanlaki naman ang mga mata nila at sabay nilang isinigaw ang isang malutong na "NO!!!"

"Ayoko ngang makatabi 'yang Panda na 'yan." -Kris

"Mamamatay muna ako bago ko gustuhin na makatabi sa kama 'yang Baba na 'yan." -Tao

Naguguluhan ako sa mga nangyayari kasi hindi naman nag-aaway ang dalawang 'to ng ganito, eh. Kaya tinignan-tignan ko ang dalawa na para bang nagtaanong kung ano ba ang nangyayari pero nganga. Ini-snob lang nila ako. =_____=

Buti na lang talaga ay tumabi sa akin si Chanyeol at in-explain niya ang lahat sa akin, "Nagkaaway daw ang dalawang 'yan sa loob ng van ng EXO-M, eh." nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko 'yun. Infairness, ang daming nag-aaway ngayon, ah! :3

"NASAAN NA ANG RESPETO MO, OH SEHUN?!?!?!"

Napatakbo kaming apat papunta sa dulong kwarto dito sa second floor, ang kwarto nina Sehun. Doon kasi namin narinig ang nakakabinging sigaw ni Luhan hyung at pagkatapos pa 'nun ay may kalabog pa kaming narinig.

Pagkarating namin ay nadatnan namin ang ibang members na nasa tapat ng pintuan ng kwarto nina Sehun. Pero agad na dumapo ang mga mata ko sa taong nakasalampak sa sahig at nagdudugo ang gilid ng labi. Si Sehun. At sa taong pinipigilan nina Xiumin hyung at Suho hyung dahil nag-aapoy ito sa galit. Si Luhan hyung.

ANONG NANGYARI DITO?!?!

Agad naman akong nakaramdam ng awa para kay Sehun kaya agad ko siyang dinamayan sa sahig at niyakap ko siya bilang proteksyon sa nagngingitngit sa galit na si Luhan hyung. "HYUNG! Tama na! Ano bang nangyayari dito?!?!" malakas na sigaw ni Chanyeol habang tumutulong na din sa pagpigil kay hyung. Ang ibang members naman ay hindi malaman kung ano ba ang dapat nilang gawin.

Kinuyom ni Sehun ang kanyang mga palad at tinulak niya ako papalayo atsaka siya tumakbo papalabas ng kwarto. Wala nang nakagawa pang pigilan siya.

Tumayo at akmang hahabulin ko siya ngunit hinarangan ni Luhan hyung ang pintuan, "Hayaan mo na siya, Baek. Masyado ng nagiging suwail ang batang iyon. Nawawalan na siya ng pag-galang sa mas nakakatanda sa kanya. Tch." naka-smirk si Luhan hyung nang sinabi niya iyan. "Pero hyung, si Sehun pa din 'yun. Hindi mo dapat siya sinaktan." sabi ni Suho hyung habang tinatapik ang balikat ni Luhan hyung.

Alam kong malungkot si Luhan hyung sa likod ng naka-ngising mga labi niya ngayon. Yun ang sinasabi ng ga mata niyang may mga luha ng nagbabadyang tutulo. Alam kong nasasaktan si Luhan hyung para kay Sehun. Pero ginawa nilang dalawa ang isang kasalanan na parehas din nilang pagbabayaran.

"Baek, may plano ako kung paano magkakabati ang HunHan..."

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon