Chapter 24

365 19 0
                                    

Note: Itong Chapter na ito ay nakalaan para malaman niyo kung ano ang dahilan kung bakit nag-away ang KaiSoo at SuLay.

Chapter 24

-Suho's POV-

Kasalukuyan akong nag-eempake ngayon para sa gaganipin na Beach vacation.

Excited na ako lalo na at hindi ako ang gumastos para dito. HAHAHA. Buti na lang at makakapagpahinga naman ang wallet at card ko.

Umupo ako sa kama at tsinek ko ulit ang mga bagahe ko. Who knows baka may makalimutan ako na vitamin, eh.

Nang masigurado ko na okay na ang lahat ay isinara ko na ang bagahe ko at hinila ko ito papunta sa gilid ng drawer ko pero di ko sinasadya na matamaan ko ang drawer na naging dahilan para may mahulog na bagay mula dito.

Ting.

"Hala. Ano yung nahulog?" ibinaba ko ang bagahe ko at lumuhod para hanapin ang nahulog na bagay na iyon.

At nang makita ko na siya ay dun ko lang nalaman na ang nahulog pala ay ang singsing na ibinigay sa akin ni Lay noon.

At nasira na siya ngayon.

Baka nagulungan ko kanina ng bagahe or what.

Kinuyom ko yung palad ko na may hawak nung singsing. Leche, sana hindi magalit sa akin si Lay dahil dito. T^T

"Suho oppa..."

Napabalikwas naman ako at agad napatayo nang buksan ni Lineth ang pintuan ng kwarto ko.

"Ah, Lineth! Ikaw pala? Anung ginagawa mo dito?" tanong ko dito at di ko namalayan na nabitawan ko pala yung singsing.

Nakita ni Lineth na nahulog ko yun at sa si malamang dahilan ay tinitigan ni Lineth ito habang nakangisi.

Grabe, minsan nakakatakot na talaga tong kapatid ni Kris na ito. Parang baliw na manananggal, eh. -.-v

Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat niya, "Lineth. Sabi ko, anung ginagawa mo dito?" and I chuckled a bit.

Nagbago naman ang expression ni Lineth at naging mukhang anghel na ito.

"Ahmm, Suho oppa pinapatawag ka kasi sa akin ni Lay oppa. Nagkita kasi kami sa may park ng subdivision kanina. Puntahan mo daw siya dun."

Napatungo na lang ako at lumabas na si Lineth ng kwarto.

Siguro may nakalimutan si Lay o baka naman may ipapagawa sakin? Ay ewan. Bahala na.

Kinuha ko ang shades at face mask ko at agad na sinuot ko yun bago lumabas ng bahay.

Pero nasa may gate pa lang ako nang mabunggo ko nang di sinasadya si Kai kaya napaupo si Kai sa sahig.

"Aigoo. Sorry Kai!" sabi ko habang tinutulungan ko siyang makatayo.

Ngumiti lang ng mapait sa akin si Kai at naglakad na siya papasok ng bahay.

Mukhang may hindi magandang nangyari, ah. Tulala ang bata, eh!

Nag-proceed na ako sa paglalakad papuntang park nang biglang kumislot yung dibdib ko. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit.

At doon nakita ko si Lay...

Nakikipaghalikan sa isang babae.

Gusto kong tumakbo papalayo para hindi ko makita ang ginagawang kataksilan ni Lay pero para bang napako ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makakilos. Hindi ko din namalayan na nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko akalain na magagawa sa akin toh ni Lay. Nakakabwiset siya Kinamumuhian ko siya.

Nakita kong tumigil na sa paghahalikan yung dalawa at napatingin sa direksyon ko si Lay na biglang nanlaki ang mga mata.

"Walang kwenta..." bulong ko at nagsimula nang maglakad papalayo pero hinigid bigla ni Lay ang kamay ko.

"Suho, let me exp--" hindi ko na siya pinatapos dahil sinampal ko na agad siya. Leche, ang bakla pero gusto ko talaga siyang sampalin.

Nakabaling ang ulo niya sa kanan sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya. Namumula pa ang pisngi niya at rehistro ang pagkakagulat sa mukha niya.

Pero wala akong pake kung nasaktan ko man siya ngayon. Bakit? Sinaktan din naman niya ako, ah.

"I hate you..." madiin na sabi ko bago tumakbo papalayo.

Tangna. Wooh! Ang sakit pala talaga.

---

-Kai's POV-

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Lineth. After niya kasing sabihin sa amin na mag-bi-beach vacation kami ay nilapitan ako ni Lineth at sinabi na sumama daw ako sa kwarto niya.

Hindi ko nga alam kung ano bang trip ng kapatid ni Kris na ito, eh. Parang ang dami niyang tinatagong plano at misteryo sa buhay niya.

"Ano bang kailangan mo sakin, Lineth?" tanong ko sa kanya pero nginitian niya lang ako at may inilapag siyang mga litrato sa kama niya.

Tinignan ko ito at nabigla ako sa nakita ko.

"A-ano toh?" di ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Si Kyungsoo... Nakikipagharutan sa isang babaeng hindi ko kilala.

Umupo naman si Lineth sa tabi ko at marahan niyang tinapik ang balikat ko.

"I just saw those two before. Pinicturan ko kasi natatakot ako na baka may foul na nangyayari. And I investigated who that girl is. At napag-alaman ko na ex-girlfriend pala siya ni Kyungsoo. Pero I don't know why they are still seeing each other."

Tungunu. Sa sinabi na iyon ni Lineth ay parang biglang nawala ang kaluluwa ko.

I cannot afford to know if Kyungsoo hyung really is having an affair behind my back. Ayoko kasi natatakot ako na baka masaktan ako sa mismong sasabihin niya. Kaya lang I deserve to know the truth, right?

Kinuha ko ang pictures na ibinigay sa akin ni Lineth at nagpaalam na sa kanya.

I need time to think things through. Masyado akong naguguluhan sa mga pangyayari.

Masyado akong naguguluhan sa takbo ng utak ko.

Damn Do Kyungsoo. Why are you doing this to me?!

.TO BE CONTINUED.

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon