Chapter 12

661 33 9
                                    

A/N: Nakailang delete ako sa Chapter na ito. Kaloka! Sana maayos na ito ngayon. Ang hirap, eh. -3-
---

Chapter 12

-Baekhyun's POV-

"So, hahatiin ko na ang EXO sa Grooms at Brides, ah? Walang magrereklamo. Please lang!"

Nakaupo kami ng pabilog sa sahig habang si Suho Hyung ay nasa gitna at may hawak na Papel at Ballpen.

Na-explain na sa amin kanina ang Mechanics at mukhang masaya naman itong laruin. At isa pa, bala ito na ang chance ko para mag-confess kay Chanyeol.

Sa pagsagi ng pangalan ni Chanyeol sa isipan ko ay hindi ko naiwasan mapatingin sa direksyon niya. Nakikipagtawanan siya kina Chen at Kai na bahagyang nagpakurot sa puso ko.

"Ayos lang 'yan, Baek. Kunin mo ang opportunity na ito para umamin sa kanya. Malay mo, itong kalokohan ni Chen at Kai pa pala ang maging daan para magkaaminan kayo, diba?" sabi ni Kyungsoo habang pinipisil niya ang kamay ko. Napangiti naman ako ng bahagya nang dahil dun.

Umubo naman si Suho Hyung na para bang kinukuha niya ang attention namin kaya naman agad kaming tumingin sa kanya. Hawak niya ang papel na may sulat at binasa niya ang nakalagay doon.

"Ang mga nasa Grooms ay sina Chanyeol, Chen, Kai, Kris, Sehun at ako. Samantalang nasa Brides naman ang mga natitirang members na sina Baekhyun, Kyungsoo, Lay, Luhan, Tao at Xiumin."

Nakita kong nag-appear ang mga members na nasa Grooms na tila bang tuwang-tuwa sila na sila ang maghahanap at kami ang magtatago.

Tumayo si Tao atsaka siya nagpamewang, "Hoy! Ayusin niyong mga Grooms kayo, ah? Fair dapat ang laban! Nasa inyo si Kai, Chen at Suho, eh! Alam naman nating lahat na ang tatlong iyan ang pasimuno ng larong ito."

Ngumisi naman si Kris atsaka tumayo din para maakbayan si Tao, "Don't worry. Walang dayaan na mangyayari. Enjoy lang tayo para naman mabawasan ang stress sa buhay natin, noh." sabi ni Kris na binigyan lang ng isang malupit na irap ni Tao. That's my Dongsaeng. Kekeke.

Bumukod na kaming mga Brides sa mga Grooms para mag-isip ng strategy. Ang mga Grooms naman ay nagdadaldalan lang at pa-easy-easy lang sa mga buhay nila. Napa-smirk naman ako dun. Buti na lang sa mga matitino ako napunta.

"Isip tayo ng strategies, guys." panimula ni Luhan hyung atsaka siya umupo sa gitna at minotion niya na lumapit kami para hindi marinig ng kabilang panig ang pinag-uusapan namin.

"Maganda kung bigyan natin ng tig-iisang target ang bawat isa sa atin. Basta sa akin na si Chen~" malanding sabi ni Xiumin Hyung sabay kindat sa amin. Napahagikhik naman tuloy kami dahil sa ginawa niya.

Tumango na lang kami at isa-isa na nila inangkin ang mga target na gusto nila: si Luhan ay kay Sehun, si Kyungsoo kay Kai, si Tao ay kay Kris at si Lay kay Suho. Hanggang sa na-realize ko na iisang target na lang pala ang natitira para sa akin na naging dahiln para mamula ako ng todo.

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon