Chapter 26

305 16 11
                                    

Chapter 26

-Baekhyun's POV-

"Channie, anong oras na ba? Pinapapak na ako ng lamok dito, oh!" Reklamo ko habang kinakamot ko ang braso ko na kinakagat ng lamok.

Niyakap naman ako bigla ni Chanyeol at bumulong, "Sorry, Baek. Nakatulog kasi tayo kanina habang nasa bangka kaya di ko alam kung saan na tayo napadpad, eh."

Napabuntung-hininga na lang ako at hiniga ko ang ulo ko sa balikat niya.

Kasalukuyang nasa loob kami ng isang kweba ni Chanyeol. Habang nagbabangka kasi kaming dalawa kanina, sa di malamang dahilan ay nakatulog kaming dalawa. Tapos paggising namin, sira na ang motor ng bangka at nasa may kweba na kami. Hindi na nga namin matanaw ang dalampasigan mula dito, eh.

At alam niyo ba kung anong mas malala pa?!

WALANG SIGNAL DITO! Huhuhu.

Napangiti ako bigla nang hinawakan ni Chanyeol ang kamay ko at pinisil niya ito, "Ang lamig ng kamay mo, Baek." Bulong ni Chanyeol sa may leeg ko.

Sumiksik naman ako lalo kay Chanyeol at niyakap siya ng mahigpit. "Ang lamig po kaya~"

Natawa naman si Chanyeol sa inakto ko kaya ginulo niya ang buhok ko at niyakap rin ako ng mahigpit, "Shall I give you body heat then, Baby--ARAY NAMAN BAEK!"

Nabigla ako nang naging husky bigla ang boses ni Chanyeol. Parang ire-rape niya ako sa tono niya, eh. Kaya naman sinapok ko siya.

"Gago ka, noh? Iuwi mo muna ako bago mo ako rape-in!" Singhal ko sa kanya sabay belat.

Nag-pout naman si Chanyeol na parang batang inagawan ng lollipop at dahil dun pinisil ko naman ang pisngi niya. "Aigoo, ang cute talaga ng Channie ko, eh~"

Ngumiti naman ng malapad si Chanyeol na parang kinikilig. Hihihi. Ang landi talaga~

"Hmm, Baek. Paano nga pala kung hindi na tayo makakabalik at dito na tayo titira for the rest of our lives, ah?" Biglang shift ng topic ni Chanyeol.

Tinitigan ko naman siya ng nagtataka. Duh, sa dami naming fans at sa yaman ng SM, imposible na di kami marescue dito, noh!

"Duh. Imposible 'yang sinasabi mo, Park." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Paano nga lang, eh Baek! Paano lang kung hindi, diba?"

Tumaas ang isang kilay ko. Okay, may point siya dun. Possibility lang naman, eh.

Kinagat ko ang lower lip ko at nag-isip ako ng maisasagot, "Hmm, siguro dito na tayo titira at magkaka-pamilya, Yeol. Oo, malayo sa kabihasnan pero basta kasama kita, I am more than contented."

Nakita ko ang biglang pamumula ni Chanyeol kaya namula na din ako. Parang bigla akong nahiya dun sa sinabi ko.

Hinampas ko naman siya, "Yah! Huwag ka ngang mamula diyan! Mukha kang abnormal, eh!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mischievously In Love (BaekYeol/ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon