LINGGO ng tanghali ay napagdesisyonan kong maligo sa pool. Si Doc naman ay nasa sun lounger, pinapanood ang paglangoy ko.
I'm wearing a plain black one piece at paboyleg ito kaya hindi kita ang singit ko at hindi umangal ang doktor. Natatakpan ng mga makakapal na ulap ang araw kaya malakas ang loob kong maligo. Si Doc naman ay ayaw dahil kumakain siya. He's eating the graham I made. Pangalawang container na nga niya 'yon eh, pero hindi pa rin siya nagsasawa.
"Doc, baka magkadiabetes ka diyan."
Ngumiti lang si Doc tsaka muling sumubo. Napailing na lang ako. Graham pa lang 'yang natikman niya pero hindi ko na siya mailayo. Paano pa kaya kung 'yung leche flan at buko pandan na ginawa ko ang matikman niya? Baka makalimutan na niya ang pangalan niya.
Umahon ako sa tubig at umakyat. Naglakad ako palapit kay Doc at umupo sa tabi niya.
"Can I have some?"
Isinubo sa'kin ni Doc ang kutsarang may lamang graham. Ang sarap talaga. Buti na lang marami ang ginawa ko kaya makakapagdala si Doc bukas.
Ibinaba ni Doc ang hawak na lalagyan ng graham sa mesang nasa gilid tsaka niya kinuha ang towel at ipinulupot ito sa katawan ko.
"Thanks, Doc," nakangiti kong sabi at hinalikan ko siya ng mabilis sa pisngi. "Dala kang ganito bukas. Gusto mo din ba ng graham balls, Doc?"
Ipinulupot ni Doc ang isang braso niya mula sa likod ko papunta sa tiyan ko.
"This is enough, James."
"Pero, Doc, gusto kong gawan ang mga kasama mo do'n."
"Ayoko lang na mapagod ka, James."
"It's fine, Doc. Para sa'yo naman tsaka ang dali lang gawin no'n. Gusto mo turuan kita tapos tulungan mo 'ko?"
Doc agreed to help me pero syempre kailangan ko muna siyang turuan. Pero habang tinuturuan ko siya kanina ay nakatitig lang siya sa'kin kaya hindi ko alam kung may natututunan ba siya o wala.
"Doc, sige nga gumawa ka ng isa. Tignan ko kung may natutunan ka sa pagtitig sa mukha ko."
Ngumiti si Doc at tumayo mula sa kinauupuan niya dito sa kusina. Sa dining table kasi kami gumagawa ng graham balls.
Tumabi sa'kin si Doc at nagsimula sa pagkuha ng mga kailangan niya. Pero unlike me na marshmallow ang nilagay sa gitna, siya ay ferrero ang nilagay kaya lumaki ang graham ball na ginagawa niya.
Nang maging bilog na ito ay niroll niya sa sprinkle. Nang matapos si Doc ay nakangiti niyang ipinakita sa'kin ang ginawa niya. Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niyang may hawak dito. Mukha lang tama ang size dahil malaki ang kamay niya pero kapag ako ang humawak dito, siguradong magmumukha itong malaki.
"Ang laki ng ball mo, Doc."
Sinamaan ako ng tingin ni Doc.
"Bakit? Malaki naman talaga ang ball mo," sambit ko.
Binaba ni Doc ang ginawa niya sa container na nilagay ko sa mesa tsaka siya nag walk out. Problema no'n? Wala naman akong ginagawang masama eh.
Pinanood ko lang si Doc habang umaakyat siya sa hagdan. Pero nang malapit na siya sa pinto ay huminto siya tsaka tumingin sa'kin.
"Stop saying balls, James."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kaya siya nagwalk out? Ano bang problema sa ball? Parang hindi siya naglaro ng basketball nung high school at college ah? Wait a minute. Oh. Alam ko na.
Tumawa ako ng malakas nang tuluyang maanalyze ang nangyari at sinabi niya. Nabadmood ang doctor because of balls. Ngayon lang nag sink in sa'kin ang sinabi ko sa kanya. My gosh! I told him na ang laki ng balls niya but I've never seen them.
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
RomanceJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...