Writer's Chapter Nineteen

96 61 0
                                    

"LET'S watch a movie!" nakangiti kong sabi kinagabihan.

Doc looked at me and smiled. Tumayo siya at tumingin sa pool kung nasa'n sina Jane, Kuya Ground and Kuya Rye. Nagpapabilisan silang lumangoy but Jane always win. Of course she will. Nanalo na 'yan ng gintong medalya sa larangang 'yan. International pa. Nung kasing naglilihi si Mama sa kanya ay laging isda ang gusto niyang kainin at paborito niya ring panoorin ay mga movies or dramas na tungkol sa sirena at isda. Buti nga hindi nagkakaliskis si Jane eh.

"Rye, help me."

Kuya Ryeco turned to our direction. Ngumiti siya sa'kin kaya nginitian ko rin. Nagkatitigan pa kami pero naputol din dahil sa pagtikhim ni Doc. Napailing na lang ako. Hanggang ngayon ay iniissue pa rin niya 'ko sa kaibigan niya. Naku!

Nagsimula silang maglakad papunta sa bahay ni Doc pero bago tuluyang makapasok si Doc ay binigyan niya pa 'ko ng nagbabantang tingin. Napanguso na lang ako.

"Ang bagal mo naman! Mas mabilis pa sa'yo ang pagong eh!"

"Hindi kasi ako isdang katulad mo!"

"Hindi talaga dahil isa kang siyokoy!"

Napangiti ako nang makita ang dalawang naiwan sa pool. Nagsisimula na naman sila. Tumayo ako at hinubad ang bathrobe na suot. Magbababad din ako sa pool. At para na rin awatin ang mga pating na 'to. Baka magpatayan na dahil sa sama ng tingin sa isa't-isa.

Lumusong ako sa tubig nang hindi napapansin ng dalawa. Masyadong nakatuon ang atensyon sa isa't-isa eh. Parang sila na lang ang tao sa mundo.

The water is warm kaya hindi ako nakaramdam ng lamig. It's a Jacuzzi type pool pero you can turn it off kung ayaw mo ng warm water o kung ayaw mo ng bubbles. Dahil malamig ang gabing ito, napakasarap sa katawan at pakiramdam ng tubig. This is perfect for winter kaso walang winter sa Pilipinas.

"Ground, darling? Can you help me with the food?" Mama said from a distance.

Mabilis namang umahon si Kuya Ground at nilapitan si Mama. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang food container. He placed them sa ibabaw ng mahabang mesang inayos nila kanina at nilagay sa harapan ng bahay ni Doc malapit sa pool. Bumalik siya uli sa bahay para siguro kunin pa ang ibang pagkaing niluto ni Mama.

"Let's race." Tumaas ang kilay ko kay Jane.

Hinahamon niya 'ko? Ako na Ate niya?

"Ano? Natatakot kang matalo?"

Umiling ako at ngumiti. I never lost in a match. Pero limang taon na rin mula nung huli.

Pumunta ako sa dulo ng pool kung saan ang pinakamababang parte.

"Anong hinihintay mo diyan? Akala ko ba gusto mo ng race?" tanong ko nang makitang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

Nang makalapit sa kinatatayuan ko ay saktong pagbalik nina Doc. He's holding his laptop habang si Kuya Rye naman ay hawak ang projector at ang I don't know what its name pero it's the one na kung saan hinaharap ang projector. Malapit na 'kong magcollege pero until now hindi ko pa rin alam ang tawag do' n. Im so..

"Kuya J, ikaw ang magbilang para sa'min ni James."

Bahagyang kumunot ang noo ni Doc pero agad ding naintindihan nang makita ang ayos namin ng kapatid ko. Tumango siya.

"Ready.."

Sabi magbilang. Si Doc talaga. Pero luma na nga naman ang pagbibilang. Kadalasan ang ginagamit ay ready, get set, go.

"Go."

"Ha?"

Naguluhan ako pero nang makitang nagsimula na si Jane ay mabilis akong lumangoy. Matatalo pa yata ako!

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon