FRIDAY afternoon nang magvideo call sa'kin si Mom. Kinumusta niya muna ako at pagkatapos ay sinabi niya ang lagay ni Doc. His vitals are stabilizing. Tuwang-tuwa ako nang marinig ko iyon. Malaking tulong talaga kapag malapit sa'yo ang nag-aalaga sa'yo kapag may sakit ka. Mas dumadami kasi ang rason mo para lumaban.
"Talk to him, Thea. I'm sure matutuwa siya kapag narinig niya ang boses mo."
Iniharap ni Mom ang camera sa kinaroroonan ni Doc. Nakahiga pa rin ito sa kama at walang malay. May oxygen mask pa rin siyang suot pero dahil sa sinabi ni Mom na unti-unti na siyang nag-i-stabilize ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. I'm sure sooner ay makakalabas na siya ng ICU. Sigurado akong magiging maayos siya.
Pero hindi ko pa rin napigilan ang pagtulo ng ilang butil ng luha mula sa mga mata ko. Wala pa 'kong sinasabi pero umiiyak na 'ko. Paano niyan matutuwa si Doc? Siguradong mag-aalala lang siya kapag narinig niya ang pag-iyak ko. Kaya naman bahagya akong tumawa upang maitago ang nagbabadyang paghikbi.
Pinunasan ko ang mga luha ko at sumandal sa headboard ng kama ni Doc sa kwarto niya. Dito ako natulog kagabi. Si Kuya James ay sa sofa. Sina Tito Fifth at Kuya Gi naman ay sa guestroom sa bahay namin.
Pero ngayon ay mag-isa lang ako. Pagkatapos ko kasing magtanghalian kanina ay umakyat agad ako dito. Gusto kong lagi lang ako dito sa loob ng kwarto niya kung saan naaamoy ko ang pabango niya. Kapag nandito ako ay iniimagine ko na lang na kasama ko si Doc at ayos lang ang lahat. Pero sa tuwing maaalala ko ang kalagayan niya sa hospital ay nalulungkot ako at kapag nangyayari 'yon ay iniisprayan ko ng pabango niya ang buong kwarto. Kulang na lang ay ibuhos ko ang pabango niya sa bawat sulok ng silid. Pero pagkaubos ng panglimang pabango niyang binuksan ko ay nagtipid na 'ko. Isang pabango na lang kasi ang natira sa koleksiyon niya.
I ordered 10 box of his perfume pero baka matagalan pa ang pagdating ng mga 'yon dahil galing pa sa America. Pero sana bago dumating ang mga 'yon ay nakauwi na dito ang lalaking pagbibigyan ko.
"Doc, alam mo ba? Marunong na 'kong magluto ng mga ulam. At sabi nila Kuya Gi ay masarap daw akong magluto. Pwede na daw akong mag-asawa. Kaya tumayo ka na diyan, Doc, para makapag-asawa na 'ko." Bahagya akong natawa sa sinabi ko.
Dati rati ay grabe ang nararamdaman kong takot sa tuwing lumalapit sa frying pan na may mainit na mantika. Pero ngayon ay sanay na sanay na 'ko. Hindi na 'ko nagtatago sa tuwing may tumitilamsik na mantika. Hindi naman kasi pala masyadong masakit kapag natamaan ka. Para ka lang kinagat ng langgam. Malayong-malayo sa inakala ko noon na baka malapnos ang balat ko kahit pa kaonting mantika lang ang tumilamsik.
"Kanina ay niluto ko ang paborito mong sinigang na baboy. Balak sana kitang tirhan, Doc, kaso napakasiba ni Kuya Gi. Siya halos ang umubos sa lahat ng niluto ko. Sabi niya pa ay ikukwento na lang daw niya sa'yo ang lasa ng niluto ko. Pero 'wag kang mag-alala, Doc. Paggising mo diyan ay padadalhan agad kita ng lahat ng putaheng kaya kong lutuin. I'm sure kahit isang dish lang ang matitikman mo, maiinlove ka lalo sa'kin." Natawa ako sa sariling mga salita kaya huminto muna 'ko.
Kahit wala akong nakukuhang sagot mula kay Doc ay patuloy lang ako sa pagsasalita. Iniimagine ko na lang na nasa tabi ko siya ngayon, nakikinig sa lahat ng kinukwento ko.
"Next year ay mag-eenroll na 'ko sa college. Pero nag-iisip pa 'ko kung anong pre-med course ang kukunin ko. Yup! I will also study medicine. Naisip ko kasi na mas maganda kung pareho tayo ng work. Tapos ay mag-aapply ako sa hospital kung saan ka nagtatrabaho para madali kitang mapupuntahan." Napangiti ako nang maalala ang sulat na gawa ko nung bata pa 'ko. "Alam mo, Doc, matagal ko na palang pangarap maging doctor. Nasa elementary pa lang ako ay 'yon na ang gusto ko. At kailan ko lang iyon naalala. Buti na lang naitago pa ni Mama ang sulat na ginawa ko noong elementary ako."
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
RomanceJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...