Writer's Chapter Forty-Nine

93 66 0
                                    

SIMULA nang makausap ko si Doc using Kuya James' phone ay hindi na muli niya inignore ang mga tawag ko. Araw-araw na kaming nagkakausap ngayon at dahil wala siyang inaattendan na pasyente ay nasosolo ko siya.

Gaya na lang ngayon, isang oras na kaming magkavideo call. Nasa hospital room niya siya habang nasa tabi naman ako ng pool. Tanghali na pero hindi pa rin nagpapakita ang araw dahil sa makakapal na ulap na tumatakip dito. Kalalabas lang ng bagyong si Tony nung isang araw pero pinalitan agad siya ni Ulysses na dadaan sa Central Luzon.

Pero hindi na kami nagwoworry dahil nung nagsignal no. 4 sa Pampanga dahil sa naitalang pinakamalakas na bagyo sa 2020 sa buong mundo na si Rolly ay parang wala lang ito. Humangin lang sa amin at kaonting ulan. Siguro tama nga talaga ang kasabihan na kapag pinaghandaan, hindi matutuloy. Karamihan kasi sa mga kabaryo namin ay inayos ang mga bahay at nilagyan ng pampabigat ang mga bubong nila bilang paghahanda kay Rolly. Pero mukhang natunugan iyon ni Rolly kaya hangin na lang ang dinala niya sa'min.

"Doc, ilang araw ka na palang nakaconfine diyan?"

Bahagyang umubo si Doc kaya bumaling siya sa gilid. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala. Hindi gaya ng karamihan ay may pinapakita siyang symptoms though hindi malala pero ang laki ng ipinayat niya.

"8 days, baby."

Hinawakan ko ang mukha niya sa screen. Kung sana'y nandito lang siya, ako sana ang nag-aalaga sa kanya. Wala na 'kong pake kung mahawahan ako ng virus basta makasama ko lang siya.

Kinabukasan ay si Doc ang naunang tumawag sa'kin. Nagvideo call siya habang nasa terrace ako ng bahay namin kasama sina Kuya Gi, Kuya James at Jane. Si Mama ay nagluluto at si Tito Fifth naman ay nasa bahay ni Doc, may kausap. Hindi pa sila nakakauwi dahil kailangan pa nilang magquarantine.

Nilagay ko ang laptop sa glass table na nasa harap ko.

Nakangiti si Doc sa camera at sa gilid ng kama niya ay may nakatayong mukhang medical staff na nakahazmut suit. Hindi ko matukoy kung babae ito o lalaki dahil buong mukha niya ang natatakpan ng PPEs.

"Guess what, baby.." Dama ko ang saya sa boses niya kaya hindi ko napigilang ngumiti.

"Ano 'yon, Doc?"

Lumapit si Kuya Gi sa'kin para tignan si Doc. Si Jane naman ay iniusog ang upuan sa tabi ng upuan ko.

"Mukhang blooming ka ngayon, Kuya J ah?" sabi ni Jane.

Bahagyang natawa si Doc at hindi ko maiwasang mamangha. Pakiramdam ko halos isang taon kong hindi nakita ang pagtawa niya. Parang gusto ko tuloy maluha dahil sa wakas ay narinig ko ng muli ang napakagwapo niyang tawa.

Napuno ng galak ang puso ko nang sabihin ni Doc na mabuti na ang pakiramdam niya. Wala na daw masakit sa katawan niya at maayos na uli ang paghinga niya. Hindi na siya inuubo at bumalik na ang panlasa niya. At kinumpirma iyon ng babaeng doctor na nasa tabi niya. The woman's voice was quite familiar pero hindi ko siya mapagsino.

Magana akong kumain nang magtanghalian kami. Dalawang beses akong nagsandok ng kanin at hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko. Natutulog ngayon si Doc pero sabi niya ay tatawag daw siya paggising na paggising niya at hindi na 'ko makapaghintay! Excited na 'kong makausap siya uli. At sa sobrang excitement na nararamdaman ko ay nagsuot ako ng magandang summer dress, nagkulot ng buhok at nag-apply ng make up.

"May pandemic ngayon, Ate, sarado ang mga beach," pansin sa'kin ni Jane nang lumabas ako sa may pool area.

Nagsuswimming sila ni Kuya Gi doon. Si Tito Fifth naman ay nakahiga sa sun lounger habang nagbabasa ng dyaryo. Habang si Mama ay nasa sala namin, naglilinis at tinutulungan siya ni Kuya James sa pagbubuhat at paglilipat sa mga gamit para maayos siyang makapaglinis.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon