I WENT to his condo in BGC, Taguig City para kunin ang mga gamit ko. Nag-commute lang ako pero habang sakay ng taxi ay tuloy-tuloy sa pagluha ang mga mata ko. Nakatingin ako sa labas ng bintana para hindi mahalata ni Manong driver.
Binati ako ng isang guard pagpasok sa condominium. Kilala na ako nito dahil maraming beses na 'kong dinala ni Doc dito. Last year ay dito ako nagbakasyon. At dahil hindi na 'ko umiiyak ay maayos akong nakapasok. Pero habang palapit ng palapit sa condo ni Doc, parang bumibigat ang mga paa ko. Parang ayokong tumuloy dahil sa oras na makarating ako doon, 'yun na ang huli.
I closed my eyes nang makapasok sa loob. Dinama ko ang malamig na hanging nagmumula sa aircon. Wala ng bakas ng amoy ni Doc. Napalitan na ng air freshener niyang lagi kong inaamoy. Ang bango kasi eh. Pero wala pa ring tatalo sa amoy ni Doc. Sa amoy niyang nakakaadik sa bango. Ang sarap singhutin.
I went to my room at sinimulan ang pag-eempake. Sa maraming beses ko ng pagpunta dito, naipon na ng naipon ang mga damit ko na siya mismo ang bumibili. Sarili ko lang ang dala ko at ang phone ko kapag nagpupunta dito. Pero napahinto ako sa paglalagay ng damit sa maletang nasa gilid ng closet. Dapat ko pa bang dalhin ang mga 'to? Hindi ko naman pera ang pinambili dito so hindi akin ang mga 'to.
Tumayo ako at muling binalik ang mga damit sa closet. Pumunta ako ditong cellphone lang ang dala kaya aalis akong 'yun lang din ang dala.
Huminga ako ng malalim at muling inilibot ang mga mata ko sa loob ng condo niya. One last glance. One last time. Pagkatapos nito, wala na.
Humigpit ang hawak ko sa post-it-note na hawak ko kung saan ko sinulat ang pamamaalam ko. Dahan-dahan ko itong idinikit sa malaking flat screen TV sa sala niya.
Tinitigan ko ito.
"I'm sorry, Doc."
Tumalikod ako at handa ng maglakad paalis pero parang nag-ugat sa kinatatayuan ko ang mga paa dahil sa nakita. Napasinghap ako at muling humagulgol.
Napaluhod ako at mabilis na sinubsob sa dalawang palad ang mukha.
Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko kayang mawala siya. Bakit ko ba naisip ang kabaliwang ito? Bakit ko naisipang makipaghiwalay sa kanya ng walang ni anong sinasabi? Bakit ko naisipang iwan siya? Mahal na mahal ko siya at hindi ko maintindihan kung bakit ko siya muntik ng iwan.
Gumapang ako palapit sa maliit na lamesang nasa gilid ng mahabang sofa. Kinuha ko ang picture frame na naglalaman ng dalawang taong nasa harapan ng malaking crowd. Nakaside sila. Nakaluhod ang isang tuhod ng lalaking nakaformal sa harapan ng babaeng nakagown. Hawak ng lalaki ang kaliwang kamay ng babae dahil sinusuotan niya ng singsing habang ang babae naman ay umiiyak pero masaya habang nakatitig sa lalaki. Kitang-kita sa dalawang taong ito na mahal na mahal nila ang isa't-isa kaya hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit naisipan ng babae na iwan ang lalaki.
I hugged the picture frame at muling sinuot ang singsing na nilagay ko kanina sa mesang ito. Umiiyak ako habang paulit-ulit na kinukwestiyon ang sarili. Habang paulit-ulit na pinapagalitan ang sarili. I almost left the love of my life. I almost hurt the man na sobrang nagmamahal sa'kin. I almost broke my own heart because of my stupid decision.
Namatayan siya ng pasyente at kung iiwan ko siya, dodoble ang sakit na nararamdaman niya. Para ko na rin siyang pinatay. Para ko na rin siyang binaon sa lupa.
Tumayo ako at pinalis ang mga luha. Ibinalik ko ang picture frame at bago tumalikod ay tinitigan ko pa ito. I was so happy in that picture at siya ang rason no'n kaya bakit ko siya iiwan? Bakit ko iiwan ang lalaking nagpapasaya sa'kin?
Binalikan ko ang TV kung saan ko dinikit ang note para alisin iyon but before I could even touch it, malakas na bumukas ang pinto na nakapagpalingon sa'kin doon. I was shocked when I found Doc there wearing the same clothes na suot niya kanina. Mabilis akong nahanap ng mga namumula niyang mata. Did he cry a lot?
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
RomanceJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...