Writer's Chapter Thirty-Three

90 59 0
                                    

DALAWANG linggo ang lumipas mula nang bumalik si Doc sa Manila at sa bawat paglipas ng mga araw ay lalo akong kinakabahan para sa kaligtasan niya. Patuloy kasi sa pagdami ang mga nahahawahan. The virus is spreading so fast at ang mga medical health workers ay nagdodouble time na on treating many patients.

St. Luke's one of the hospitals in Manila na talagang pinagdadalhan ng mga nagpopositibo sa virus at dahil doon nagtatrabaho si Doc, halos hindi na siya makatulog. Gaya na lang ngayon. Alas dos na ng madaling araw pero gising pa rin siya.

Nasa labas siya ng tent nila at nakasuot pa rin siya ng PPE habang kausap ko siya. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil sa doble-dobleng suot niya. 'Yung hood ng PPE ay halos takpan na ang buong mukha niya tapos nakafaceshield at facemask pa siya.

"Doc, I love you."

"I love you too, James. Matulog ka na."

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mukha niya sa screen ng laptop ko. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya pero alam ko na pagod na siya. Gaya ng mga kasama niya.

"Mahal na mahal kita."

"James, it's late. You need to rest now."

"Sobrang mahal kita."

Kahit isang milyon kong ulitin ngayon ang salitang I love you ay hindi ako magsasawa at mapapagod. 'Yun lang kasi ang kaya kong gawin para sa kanya.

"Baby, please. You need to listen to me. You need to rest."

"Thank you for everything, Doc. I love you."

Naiiyak ako pero ginawa ko ang best ko para mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Matutulog na 'ko, Doc." Ngumiti ako ng malaki pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon umabot sa mga mata ko. "Please magpahinga ka kahit ilang oras lang."

"I will."

Huminga ako ng malalim pagka-end ng video call. At parang mga patak ng ulan na nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo.

Hindi sinasabi sa'kin ni Doc ang mga pinagdadaanan niya ngayon sa hospital pero alam ko na nahihirapan na rin siya gaya ng iba. Pagod na rin siya at gusto ng magpahinga. Pero kahit ganon ay hindi pa rin sila sumusuko. Patuloy pa rin sila sa pagsisilbi sa mga tao, patuloy nilang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Itinabi ko ang nakapatay ng laptop sa ibabaw ng night stand tsaka ako humiga. Niyakap ko din ang unan ni Doc. Naiwan ang mabangong amoy niya dito kaya pakiramdam ko ay siya na rin ang niyayakap ko.

Habang iniisip si Doc ay hindi ko mapigilang isipin ang mga sinasabi ng ibang tao sa mga health workers. Pinandidirihan nila at sinasabihan ng mga masasama ang mga ito. Hindi ko maintindihan kung bakit umaabot sa gano'n ang pakikitungo ng ibang tao sa mga health workers.

Yes, may pandemic ngayon at sila ang labis na naeexpose sa mga nagpositibo pero hindi ibig sabihin no'n ay sila na ang virus. Dapat nga puriin sila eh. Dapat pasalamatan dahil kahit delikado, ginagawa pa rin nila ang tungkulin nila.

Sa panahong ito, sila ang labis na nahihirapan, sila ang nasa danger zone, sila ang mga tumitingin sa mga may sakit, at kahit wala ang pandemyang ito, sila na ang nag-aalaga sa atin kaya bakit ganon ang ibang tao? Imbes na magpasalamat ay pinagtatabuyan nila ang mga ito. Nahihirapan na nga sila sa hospital tapos paglabas nila ay mas lalo silang pinapahirapan ng ibang tao. It's so unfair.

'Yung virus ang kalaban natin dito. 'Yung virus na nakainfect na ng maraming tao pero mukhang kahit 'yung hindi nainfect ng covid-19 ay navirus din dahil sa mga pinagsasabi at ginagawa nila sa mga frontliners. Yes, alam kong maaaring natatakot sila kaya nila nagagawa iyon pero lahat naman tayo natatakot. Kahit 'yung mga frontliners pero may narinig ba tayong masamang salita mula sa kanila? Pinagtabuyan ba nila tayo? Hindi naman.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon