Writer's Chapter Eighteen

98 64 0
                                    

I WENT to Doc's house nang matapos na sila sa paghahakot ng mga box. Nasa bahay namin sina Ate Nashia, Kuya Ground and Kuya Rye. They are having their lunch there kasabay nina Mama. Pero hindi ako sumabay sa kanila dahil sinundan ko si Doc. Mula kasi kanina ay hindi na niya 'ko pinansin.

Umakyat ako sa kwarto niya at humiga sa kama. Nasa loob siya ng banyo and I can hear from here ang lagaslas ng tubig na mula sa shower. I looked at the door at nakitang nakaawang ito. An idea formed in my mind pero pinilig ko ang ulo ko dahil hindi 'yon maganda. Baka mapagkamalan pa 'kong manyak.

I waited for minutes with my eyes close. Nang marinig ang pagsara ng pinto ng banyo niya ay bahagya akong sumilip and I found Doc in front of his closet. Topless at ang puting towel ay nakapulupot sa lower body niya. Basa ang buhok niya at ang tubig na nagmumula doon ay umaagos pababa sa matipuno niyang likod.

He held the towel at hinawakan ang buhol nito. Napamulagat ako nang bigla niyang inalis. Gosh! Bakit may boxer?! Sayang! I laughed in my mind at umupo sa gilid ng kama.

"Why are you here?" malamig niyang tono pero nag-iinit pa rin ako. Hindi kasi nakasindi ang AC sa kwarto niya at idagdag pa ang nakakapanlaway niyang likod at ang matambok niyang puwet na tinatabunan ng boxer.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kulay blue'ng towel na nakasabit sa balikat niya. Lumipat ako sa harap niya at tumingkayad para maabot ang basa niyang buhok.

"Kasi nandito ka."

Gusto kong maglupasay dahil sa mabibigat niyang tingin. Parang pati kaluluwa ko tinitignan niya. I focused my eyes on his hair para hindi ako madistract. Pinagbuti ko ang pagpupunas sa basa niyang buhok pero nang mangalay ako ay lumapat muli ang talampakan ko sa sahig. Nagbaba ako ng tingin sa mga paa ko.

But he held both sides of my waist kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Seryoso pa rin ang ekspresyon niya at mabigat pa rin ang tingin. Umatras siya kaya nahila niya 'ko. He sat on the side of the bed ng hindi pa rin inaalis ang mga mata sa'kin. Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagpupunas sa buhok niya. Nasa baywang ko pa rin ang dalawang kamay niya habang ang dalawang hita naman niya ay kinukulong ang mga tuhod ko.

"Alam mo, Doc? When I saw Kuya Rye, pakiramdam ko nagkaro'n ako ng kapatid na lalaki. I've always wanted to have one kasi eh at nagkataong siya ang ideal brother ko. Ang gaan ng loob ko sa kanya and I want to be close to him. I like him but not in a romantic way. Gusto ko siyang maging Kuya."

Doc pulled me closer at dinikit niya ang noo niya sa ilalim ng dibdib ko. Kinailangan niya pang yumuko para magawa 'yon. Napasinghap ako because his warm breath ay tumatagos sa telang tumatakip sa katawan ko.

"I'm sorry."

Napasinghap akong muli and it's because of his kiss. Hinalikan niya ang tiyan ko at dahil sa ginawa niya, pakiramdam ko nag-aapoy ang pisngi ko dahil sa init.

I calmed myself bago tumikhim.

"Para saan?" I asked quietly.

"For being jealous."

Tumawa ako ng mahina at umupo sa isang hita niya. Humaplos naman ang palad niya sa likod ko tsaka tumingin sa'kin.

Ngumiti ako at kinurot ang pisngi niya. "'Wag kang magsorry, Doc. Nakakatuwa ka kaya! Nagsusuplado ka." I laughed again.

Bilang isang babae, natutuwa ako kapag nagseselos ang mahal ko kasi doon ko napapatunayan na mahal niya 'ko at ayaw maagaw ng ibang lalaki. And Doc was just too adorable kapag nagseselos. Para siyang batang nagsusuplado. Napakacute at nakakatuwa. Ang sarap pagselosin.

"Pero, Doc..."

"Hmm?"

Ayan na naman siya sa hmm niya. Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin. But when I saw the side of his lips, naalala ko. Marahan kong idinampi ang hinlalaki ko sa parteng iyon.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon