NAKASIMANGOT ako habang tinitignan ang magazine na hawak. Kahit puno ng lalaking nakaunderwear lang ang magazine ay hindi ko pa rin magawang ngumiti. Magaganda ang katawan nila pero wala akong maramdamang kilig.
Ibinaba ko ng konti ang magazine para makita si Doc na kausap ang pasyente niya. Isang oras na niya itong kausap kaya inis na inis na 'ko. Kahit pasyente niya ito ay hindi ko maiwasang mainis. Hindi naman kasi ito mukhang may sakit. Pakiramdam ko nga ay nandito lang siya para makita ang boyfriend ko. Oo, BOYFRIEND ko. Fiancé na pala.
Napairap ako nang tumawa silang dalawa. Ano kayang nakakatawa sa pinag-uusapan nila? Ayaw ba nilang magshare? Baka sakaling matawa rin ako.
Bago ibinalik ang tingin sa magazine ay inirapan ko pa ang babae. Tss. Porke matangkad at maganda.. Hmp!
"Akala mo kung sino. May patawa-tawa pa. Wala namang nakakatawa." Umirap muli ako habang bumubulong.
"Pasensya na, mukhang napahaba ang pag-uusap natin, Doc. Tanghali na pala."
"Ay hindi. Sige lang mag-usap pa kayo. May araw pa naman," bulong ko.
"Lunch muna tayo, Doc. Libre ko. At do'n na lang natin ipagpatuloy ang pag-uusap."
Naiinis kong sinara ang magazine tsaka sila tinignan ng masama.
"Ipagpapatuloy pa nila? Hindi pa ba sila nagsawa sa isang oras? Gaano ba kalala ang sakit niyan? Mukhang wala namang dinadamdam." Kahit magmukha akong baliw dito kakabulong, hindi ako magsasawa.
Si Doc naman mukhang aliw na aliw sa pasyente niya. Nakangiti pa siya habang nakatingin dito. Tss. Gusto sigurong halikan.
"Ipasyal na din natin ang kapatid mo. Baka bored na siya dito." Lumingon silang dalawa sa'kin. Peke ko silang nginitian habang pinagbubuhol sila sa isip ko.
Isang katok ang nakaagaw ng pansin ko. Mabilis akong tumayo. "Ako na. Baka maistorbo pa kayo diyan ni Ate." Patago ko silang inirapan bago tinungo ang pinto.
Binuksan ko ito at binigyan ng isang matamis na ngiti ang nasa labas. Hindi ko ito kilala pero babaeng matangkad uli at maganda. Ganito ba ang hilig ni Doc? Pangmodel ang dating?
Ngumiti sa'kin ang babae at inangat ang paper bag na hawak. "Lunch niyo ni Doc, Thea."
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko na parang close kami. Sino ba 'to? Ngayon ko lang siya nakita. Akala din ba niya kapatid ako ni Doc kaya kung makangiti siya sa'kin ay para siyang nagpapagood shot? Pero hindi katulad ng pasyente ni Doc, magaan ang loob ko dito. Pakiramdam ko wala itong hidden desire kay Doc.
"Cath, pakilagay na lang ng dala mo sa mesa."
"Yes, Doc."
Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok siya. She put the paper bag on the glass table in front of the sofa where I was sitting a while ago. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad palabas pero bigla ding tumigil nang lumingon siya kina Doc. Ang ngiti niya kanina ay unti-unting naglaho habang nakikipagtitigan sa pasyente ni Doc na halatang naiirita sa kanya.
"Why are you here? Wala ka namang sakit."
Tumaas ang isang kilay ng pasyente ni Doc dahil sa sinabi ni Ate Cath.
"Bakit? Masama bang kumustahin ang dati kong kaklase?"
Umirap si Ate Cath. "Hindi pero kung ikaw ang mangungumusta, sobrang sama. Umalis ka na, Monique. Kanina ka pa dito. Mahiya ka naman sa fiancée ni Jonathan."
Parehong nanlaki ang mga mata namin ng pasyenteng tinawag na Monique ni Ate Cath.
"Hindi mo siya kapatid?" Turo niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
RomanceJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...