ALAS sinco nang makarating kami sa tapat ng St. Luke's. Kanina pa kaming tanghali umalis sa Batangas pero sa dami ng stop over namin, halos abutin na kami ng gabi sa daan. Tsaka kapag kasi tumatawag si Tito kay Kuya Gi gamit ang phone ko ay humihinto kami dahil baka mabisto kami ni Mama.
Iniwan ko sa Batangas ang phone ko at kapag tumatawag si Mama ay tatawagan ni Tito si Kuya Gi gamit iyon para makausap ko siya at hindi siya magduda. Buti na nga lang hindi siya nakikipagvideo call eh.
Lumabas kami ni Kuya Gi sa Ford Everest niya at dahil sa suot namin, mapagkakamalan na kaming mga medical frontliners. Pero syempre dito lang kami sa labas. Mahirap na, baka makalusot ang virus.
Pareho kaming may hawak na banner ni Kuya pero mamaya na namin itataas, kapag nakita ko na si Doc. Ang sabi niya kasi kanina sa'kin ay baka 5:30PM siya mag-out at sakto lang ang dating namin.
Bumukas ang double doors at dalawang nakaPPE ang lumabas pero hindi ko alam kung isa si Doc sa kanila o kung babae ba sila o lalaki dahil sobrang tago nila. At may mga lumabas pang iba pero napakunot ang noo ko dahil hindi ko talaga sila makilala. Paano kung nakalabas na pala si Doc?
Bumuntong hininga ako at unti-unti ng nawawalan ng pag-asa. Gusto ko na ngang pumasok sa loob eh kaso baka hindi ko kayanin.
"Relax, T," narinig kong sabi ni Kuya Gi na nasa tabi ko at ginawa ng pamaypay ang banner na ginawa naming dalawa. Tinupi niya pa talaga.
Napailing na lang ako at muling tumingin sa entrance ng St. Luke's. Marami ng nasa labas at may lumalabas pang medical frontliners. Nasa'n na ba siya?
Bumuntong hininga uli ako sa ikalimang pagkakataon. Pero sa muling pagtingin ko sa direksyon ng pinto, isang tao ang nakaagaw ng atensiyon ko. Saktong kalalabas niya lang at pakiramdam ko nag-slow motion ang lahat habang naglalakad siya. At sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko.
Matangkad siya kaya nangibabaw siya sa lahat ng kasama niya.
Pinaghahampas ko si Kuya Gi tsaka tinuro si Doc. Sigurado ako! Siya na 'yon.
"Aray! Aray! Dahan-dahan naman, T! Baka mamatay ako dahil sa palo mo hindi sa Covid," reklamo nito.
Tinuro ko uli ang direksyon ni Doc. "Ayun na siya! Itaas mo na 'yan!"
Tumingin si Kuya Gi sa tinuturo ko at bigla siyang nataranta. Nabitawan niya pa ang banner na hawak kaya mabilis ko iyong pinulot at binato sa kanya.
"Game na!"
Ngumiti ako ng sobrang tamis sa likod ng facemask na suot ko tsaka ko itinaas ang banner na hawak ko na may nakasulat na 'Thank you for your hardworks!'
Itinaas na rin ni Kuya Gi ang kanya na may nakasulat na 'We love you so much!'
Sobrang OA man naming tignan ngayon pero sana magustuhan nila.
Isang frontliner ang nakakita sa'min tsaka niya kami tinuro sa mga kasama niya. Nagtinginan silang lahat sa direksyon namin including Doc na kasalukuyang nakahawak sa phone niya.
Gusto kong magtatalon at tumakbo papunta sa kanya pero ayokong malaman niyang wala ako sa Pampanga. Baka pauwiin niya lang ako.
"Game na, Kuya Gi," mahina kong sabi.
Tumango naman siya tsaka niya binuksan ang pinto sa driver's side. Pinasok niya sa loob ang hawak naming banners tapos ay pinlay na niya sa speaker na dala namin ang kantang May Pag-asa nina Moira at Jason.
"Handa ka na ba, T?" tanong ni Kuya Gi pagkatapos lakasan ang tugtog.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa direksyon ni Doc. Nandoon pa rin siya, nakatingin sa'min. Tumingin ako sa ibang frontliners at nakitang nanonood din sila. May hawak na rin silang phone at mukhang kanina pa kami vinivideohan ni Kuya Gi. Bigla tuloy akong kinabahan sa gagawin namin.
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
Lãng mạnJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...