Writer's Chapter Thirty-Five

87 53 0
                                    

A/N: Ang hirap palang sumunod sa yapak ni Sibal Riego. 😂 Parang susunod na 'ko sa yapak ni Yeshua. Jk!!!!!

IKA limang araw ko ngayon sa Batangas at sa mga nagdaang araw ay wala pa ring ideya si Doc na wala na 'ko sa Pampanga. At maging si Mama ay walang ideya na kami ni Kuya Gi ang ibinalita two days ago.

Tuwang-tuwa ako hindi dahil nagviral ang ginawa namin ni Kuya Gi kundi dahil dumami ang mga nag-appreciate sa mga frontliners at kaliwa't-kanan na ang nakikita kong nagbibigay sa kanila ng mga pagkain at iba pa. Tama nga si Kuya Gi. Kung gusto mong maraming tumulong ngayong pandemic, dapat umpisahan mo kasi kapag nakita 'yon ng iba, gagaya sila. Magtetrending ka kumbaga at maraming Pilipino ang gustong laging nakasunod sa trend. And at this time of Pandemic, ang kailangan nating ipauso ay ang pagtutulungan.

"Kailangan ba talagang ganito kaaga, T? Antok pa ang diwa ko."

Nakanguso akong tumingin sa time. 3:36AM.

"Hindi magiging breakfast ang dala natin kung hindi tayo aalis ng madaling araw." I sipped on my cup of coffee bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Tsaka nakapagkape ka na kanina at nakaligo. Nagjumping jacks ka din kaya sigurado akong hindi ka makakatulog sa daan. At kasama mo din ako kaya hindi ka talaga pwedeng makatulog dahil kapag naaksidente tayo ay siguradong maraming hahunting sa'yo."

Nilingon ako saglit ni Kuya Gi pero hindi ko binago ang pagiging seryoso ng mukha ko para malaman niyang seryoso ako kahit hindi.

"Kapag naaksidente tayo, makaligtas man ako siguradong mamamatay din ako dahil sa atake sa puso."

"Kapag namatay ka, ichachop ang bawat parte ng katawan mo tsaka itatapon sa magkakaibang kontinente."

"Ewan ko sa'yo, T. Magkakasakit yata ako sa puso dahil sa mga ginagawa natin."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Alam kong delikado ang ginagawa namin dahil kami mismo ang lumalapit sa virus pero worth it naman dahil marami kaming napapasayang tao.

"Kapag nagkasakit ka sa puso, dalawa na tayong mangangailangan ng panibagong puso," sabi ko habang nakatingin sa kanya ng may ngiti sa mga labi ko.

Lumingon siya sa'kin at bahagyang nagtagal ang tingin niya bago siya muling tumingin sa daan.

"'Wag na. Baka mag-agawan pa tayo ng puso."

Pagdating namin sa harapan ng St. Luke's ay sinet up agad namin ni Kuya Gi ang mahabang lamesang dala namin. Nilagyan namin ito ng table cloth tsaka pinatong ang mga food container na may lamang tapsilog. May disposable spoon and fork na din sa ibabaw na nakabalot sa malinis na tissue. Marami ang dala namin at tantiya ko ay nasa dalawang daan ang mga 'yon tsaka 200 bottled mineral water din. At hindi lang 'yon, may dala pa kaming dalawang malaking casserole na puno ng lugaw. Meron ding dalawang portable stove.

Sinindi ni Kuya Gi ang dalawang stove para initin ang lugaw. Lumamig na kasi dahil sa medyo matagal na byahe at malamig pa sa loob ng sasakyan.

Habang binabantayan ni Kuya Gi ang lugaw ay inaayos ko naman ang mga disposable na mangkok na nilalagyan ko ng tig-isang disposable spoon.

Nang matapos ako ay naghikab ako. Bigla akong inantok dahil sa malamig na ihip ng pang madaling araw na hangin.

"Pagagalitan talaga ako ni Kuya J nito," narinig kong bulong ni Kuya Gi.

"Mainit na ba 'yan, Kuya? Magpafive na," tanong ko pagkatapos tumingin ng oras sa phone niyang nasa sasakyan.

"Okay na 'to. "

Tinignan ko ang lugaw na iniinit niya. Wala pang usok na nagmumula doon. Ibig sabihin, hindi pa ito kumukulo.

"Hawakan mo nga, Kuya. Tignan natin kung mainit na nga. Kapag napaso ka ibig sabihin okay na pero kung hindi, isasahog natin ang kamay mo."

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon