KINABUKASAN ay hinatid niya 'ko sa school. Sa amin na kasi siya natulog.
Habang naghihintay na umusad ang mga sasakyan ay hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. Kahit saang anggulo gwapo siya. Kahit sinong makakita, tiyak na hahanga.
Nilingon niya 'ko. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya na hindi ko kayang hindi suklian. Nakakahawa kasi ang ngiti niya. Nakakawala ng stress at lungkot.
"I'll be in Manila for 3 days and two nights starting today."
Pero dahil sa sinabi niya, hindi ko napigilang malungkot. Kahapon ko pa lang siya nakita after ng isang linggo dahil nasa Manila siya. May biglaan kasi siyang inattendan na conference kaya nagtagal siya doon. Pero hindi ko kayang magalit dahil alam ko na maraming umaasa sa kanya. Maraming pasyente ang kailangan niyang puntahan. He's a doctor and his job is to save people. Hindi pwedeng akin lang lagi ang oras niya. Hindi pwedeng ako lagi ang kasama niya. Tsaka wala naman akong sakit para samahan niya."Didiretso ako sa school mo on Wednesday afternoon. Half-day ka lang, 'di ba?"
Tumango ako habang nakatitig pa rin sa kanya. Ayoko munang alisin ang mga mata ko sa kanya. Gusto kong sulitin dahil ilang araw ko na naman siyang hindi makikita. Well, bukas lang pala. Nakita ko na siya ngayon at sa Wednesday ay susunduin niya 'ko. Pero hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "I'll miss you."
Tumawa ito ng mahina kasabay ng pagyakap ng isang braso niya sa'kin. I wish we can stay this close forever. Pero ayoko namang maging selfish kaya bumitaw na 'ko kasabay ng paghinto ng sasakyan niya sa tapat ng gate.
He looked at me. Ang isang kamay niya ay nasa kaliwang pisngi ko. "I'll be back, James," he said, full of assurance.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "I'll wait for you, Doc."
He leaned forward to give me a peck on my forehead. Ilang segundo ang tinagal no'n bago siya yumuko at pinagdikit ang mga noo namin. Nakatingin siya sa mga labi ko habang ako ay nakatingin sa mga mata niya.
I moved my head palapit sa kanya para mahalikan ko siya sa labi but he put his index finger on my lips to stop me. Bumuntong hininga ako.
Sa halos dalawang taon na namin bilang magkasintahan, hindi pa rin kami nagkikiss sa lips. Ayaw niya dahil bata pa daw ako. Saka na kapag nasa tamang edad na. Hinangaan ko siya lalo dahil doon. Sobrang natuwa ako dahil sa pagrespeto niya sa'kin. Pero lately, hindi na 'ko natutuwa. Pakiramdam ko kasi ay may kulang sa'kin kaya hindi niya 'ko hinahalikan sa labi. But I always try my best to hide my reaction every time na nabibigo ako kapag sinusubukan ko siyang halikan. Minsan naiisip ko na ang pervert ko kasi ako 'yung gustong humalik. But he never said anything. Ngumingiti lang siya kapag sinusubukan ko siyang halikan at parang kumikislap ang mga mata niya.
Pumikit ako at niyakap na lang siya. Konting tiis na lang. Isang linggo na lang mahahalikan ko na siya. Isang linggo na lang bago ang 18th birthday ko. Tsaka nayayakap ko naman siya so okay na 'to. For now.
"Una na 'ko, Doc. Para makaalis ka na at hindi mahuli sa pupuntahan mo."
Nginitian ko siya at inayos ang sarili. Kinuha ko na rin ang backpack ko sa backseat. I removed my seatbelt and opened the door. Bumaba ako at tinignan siya uli.
"See you on Wednesday, James. Be a good girl, okay?"
Ngumuso ako. "Naku. Ikaw ang dapat maging good boy. Baka mangchix ka do'n. Marami pa namang maganda at sexy sa Manila."
He chuckled. "Pero hindi sila ikaw at ayoko ng hindi ikaw."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Pero ang puso ko, nagwawala na.

BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
RomanceJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...