"DOC.." mahinang tawag ko kay Doc sa kabilang linya. "'Wag ka munang pupunta sa St. Luke's please."
Narinig ko ang malalim na paghinga niya kaya hindi ko mapigilang mangulila. Gusto ko na siyang mahawakan uli. Ayoko na ng sa kabilang linya lang siya nakakausap.
"My patients in St. Luke's were transferred in PHC."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay wala na siyang pasyente do'n. Hindi na niya kailangan pang pumunta do'n.
Naeexcite kong pinatay ang tawag at pinindot ang video call. Gusto ko siyang makita. Isang araw na ang lumipas mula nang pumunta siya ng Manila. At video call ang labis na nakakapagpasaya sa'kin ngayong wala siya sa tabi ko.
Dahil Wednesday ngayon, half-day lang kami. Gaya nung lunes ay wala kaming ibang ginawa kundi makinig sa discussions at dahil this week na nga ang finals ay hindi sila nagpa-activity dahil naghahabol sila ng lesson. Vacant kami ng isang oras kaya natuwa ang lahat. After ng vacant namin ay break time pero inuna na nila ang pagkain. Nakakagutom naman kasi tsaka mas mabuti na ring maaga kaysa makipagsiksikan sa maraming estudyante mamaya.
Ako lang ang naiwan sa room nang lumabas silang lahat para bumili ng pagkain. Nagpabili na lang ako kay Chelsea na sinamahan naman ni Franco.
Medyo natagalan ang pagsagot ni Doc kaya nakasimangot akong tumingin sa kanya. He's wearing a reading glass habang nagbabasa ng isang makapal na libro. Medyo mataas ang pagkakahawak niya sa libro kaya nakikita ko ang cover nito na may picture ng isang puso.
Lumingon siya sa'kin kaya napasinghap ako. Seryoso ang mukha niya pero mas lalong nakadagdag iyon sa kagwapuhan niya. Pakiramdam ko anytime ay maglalaway ako.
Pumungay ang mga mata nito bago dinilaan ang pang-ibabang labi. Napalunok ako at nalaglag ang panga. Pinamulahan din ako ng mukha dahil sa ginawa niya.
"Don't part your lips, baby. Naaakit akong halikan ka."
Mabilis kong pinagdikit ang mga labi pero mas lalong nag-init ang pisngi ko. Hindi lang ikaw ang naaakit, Doc. Gusto na rin kitang halikan ngayon.
Nang matapos ang maikling pag-uusap dahil pinatawag siya sa conference room ay siya namang dating ni Chelsea. Kunot ang noo niya habang nakasunod sa kanya si Franco na namumutla. Tumaas ang isang kilay ko at tinignan si Ryan na nasa likuran ni Franco. Tumawa ito tsaka umiling.
"Ayan na ang pagkain mo." Medyo napalakas ang paglapag ni Chelsea ng mga pinabili ko sa desk ko kaya tumapon ang kaunting iced tea.
"Problema mo?" tanong ko sa kanya nang makaupo na siya sa tabi ko.
"'Yang lalaking 'yan!" Tinuro niya ang papaupong si Franco sa harapan niya. Namutla lalo ito at nahinto sa pag-upo. Tumawa naman si Ryan na nasa tapat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit?"
"Tinukso kami kanina ng mga kaklase natin pero imbes na sawayin, nakisali siya sa pagtawa."
"Upo ka na, Franco," baling ko dito nang makitang nakatayo pa rin siya.
"Crush mo ba 'ko?"
Napasinghap kaming tatlo dahil sa tanong ni Chelsea. Pero agad din naman kaming nakabawi ni Ryan. Sabay din kaming tumawa habang si Franco ay pinagpapawisan na.
Inakbayan ni Ryan ang kaibigan. "Eto? Crush ka? Baka ikaw ang may gusto sa kanya." Tumawa uli ito.
"Duh! Siya magiging crush ko? Hindi ako nagkakagusto sa kaklase ko, Ryan. Hindi kami talo. Basted agad siya kahit hindi manligaw."
Mukhang bigo si Franco habang kumakain. At kapag napapatingin ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mahabag. Ang bestfriend ko naman ay sarap na sarap sa footlong niya. Nawala na din sa isip nito ang nangyari kanina sa canteen pero si Franco ay mukhang dinadamdam pa rin ang lihim na pagkabasted.
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
Storie d'amoreJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...