Writer's Chapter Forty-Five

88 59 0
                                    

"SHIT!" narinig kong sabi ni Kuya James. "What the hell is your problem, Gian?!" sigaw niya.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Kuya Gi. Nasa likuran ko siya at nandoon din si Kuya James habang hawak nito ang panga. Anong nangyari?

"I know what you're thinking, James! 'Wag mo ng ituloy!" si Kuya Gi naman ang sumigaw.

Dahil sa sigawan nila ay naagaw na nila ang atensiyon ng ilang nakatatanda sa pool. Si Tito Fifth ay lumapit na sa anak.

"I was just trying to help! Muntik na siyang mahulog!"

Umikot si Doc na siyang pumapasan sa'kin paharap sa dalawang lalaki kaya walang kahirap-hirap ko na silang nakikita.

"What is it, Gian?" malumanay na tanong ni Doc.

Tumingin si Kuya James kay Doc pero agad ding umakyat ang mga mata niya sa'kin. Pero mabilis din siyang napapikit nang sabuyan siya ng tubig ni Kuya Gi sa mukha na mukhang galit na galit na.

"Don't mind us, Kuya J," sabi ni Kuya Gi.

Agad nakabawi si Kuya James sa ginawa ni Kuya Gi tapos ay umiling siya kay Doc na nakatingin sa kanya.

"It's just a misunderstanding, J."

"Misunderstanding?! Paanong misunderstanding kung makatingin ka parang gusto mo ng sakmalin?! Hindi mo ba nakikita?! May kasama na 'yung tao, 'wag ka ng manggulo!"

Dahil sa mga sinabi ni Kuya Gi ay bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at gusto ko na lang ilubog ang ulo niya sa tubig para wala na siyang maidagdag pa.

"Kuya Gi.." mahina kong tawag sa kanya.

Sabay silang nag-angat ng tingin ni Kuya James. Nakakunot ang noo nilang dalawa pero nang tumingin sa'kin ay parehong lumambot ang ekspresyon.

"Tama na," sabi ko bago nag-iwas ng tingin.

Hindi ko matagalan ang mga mata ni Kuya James. May kakaiba akong nararamdaman kapag tumitingin siya. Parang may kung ano sa tiyan ko na nagwawala at gustong kumawala. 'Yung pakiramdam na parang sasabak sa isang thesis defense.

Bahagyang kumalma ang puso ko nang haplusin ni Doc ang kaliwang hita ko.

"It's okay, baby. Gian just misunderstood James. 'Wag ka ng mag-alala."

Dahil sa sinabi ni Doc ay bahagyang kumunot ang noo ko. Bakit parang okay lang sa kanya ang lahat? Bakit mas pinapaniwalaan niya si Kuya James kaysa sa pinsan niya? Wala ba siyang kakaibang napapansin? Not that I want him to notice something about Kuya James pero dapat ay naramdaman niya iyon. Dapat napansin niya ang kakaibang tingin nito sa'kin. Pero bakit parang pinagtatanggol niya pa ito?

Makalipas ang ilang sandali ay maayos na ang lahat pero sina Kuya Gi at Kuya James ay pinaglayo muna. Baka kasi magkainitan uli at baka masuntok uli ni Kuya Gi si Kuya James. Kaya pala ito nakahawak sa panga niya kanina.

"Gian, ikaw ang mag-announce sa mananalo," sabi ni Doc.

Pumwesto kami paharap kina Ate Cheska at Kuya Ryeco.

"Go easy on me, Ate." Ngumiti ko.

"She should," sabi naman ni Doc.

Napailing si Ate Cheska at napangiti na lang sa kapatid.

Pumwesto si Kuya Gi sa space sa gitna namin. Itinaas niya ang isang kamay at ilang sandali lang ay binaba niya rin ang kamay tsaka hinipan ang pito na nasa bibig niya. Lumayo siya pagkatapos para manood. Ang ilang pinsan din ni Doc ay nanonood sa amin. Hindi ko tuloy maiwasang mapressure. Feeling ko nasa isang malaking competition ako at hindi ako pwedeng matalo dahil baka madisappoint sa'kin ang pamilya ni Doc.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon