Writer's Chapter Five

180 136 0
                                    

TUESDAY morning, 5:30 pa lang ng umaga tapos na 'kong mag-ayos ng sarili. Suot ko na din ang uniform namin na white blouse at navy blue'ng pleated skirt na few inches above the knee ang haba.

Lumabas ako ng bahay through the back door sa kusina pero sinarado ko uli ang pinto dahil baka may pumasok na hindi invited.

Naglakad ako papunta sa bahay na pinagawa ni Doc na nasa tabi lang ng bahay namin. Nasa iisang lot kami pero hindi gaya ng bahay, maliit iyon pero tama lang para sa isang pamilya. May second floor ito. Sa first floor ay magkatabi ang kitchen at sala, may CR din. Ang second floor naman ay buong inokupa ng kwarto ni Doc. Meron din siyang sariling banyo at balcony.

Pinagawa niya ito last year.

Binibiro ko lang siya that time na magpatayo na siya ng bahay dito tutal palagi naman siyang pumupunta sa'min kaso sineryoso niya.

I brought the duplicate key with me kung sakaling tulog pa siya at nakalock pa ang pinto niya. Pero dahil sa ilaw na nakabukas sa sala ay nalaman kong gising na siya. Pinihit ko ang doorknob at hindi nga ako nagkamali. Gising na nga siya at tulad ko, bihis na bihis na rin siya. Medyo basa pa ang buhok niya habang nakatutok siya sa pagluluto.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Ang bango! Ang sarap amoyin.

"Good morning," bati niya pagkatapos ay hinawakan ang isang kamay ko at inilapit iyon sa lips niya.

He kissed the back of my hand kaya napangiti ako.

After we ate together ay hinatid niya 'ko sa school pero hindi na siya nagtagal dahil alas dose ang flight niya papuntang America. Kung saan naghihintay sa kanya ang pasyente niya.

Pagkarating sa tapat ng room ay huminga ako ng malalim bago pinihit ang doorknob. Nakatakip ang kurtina sa bintana kaya hindi ko makita ang nasa loob.

The moment I opened the door ay muntik na 'kong mapatalon sa nakita. Napakadilim at parang hindi umaga. Kaya namang nang biglang umilaw ang mga fairy lights na nakadisenyo sa buong room ay nagulat ako. Kulay blue at kulay white ang kulay ng mga ito.

"Welcome back, Thea!"

Napangiti ako nang lumitaw sa harapan ko ang mga kaklase ko.

Lahat sila may hawak na cupcake at si Ma'am Janine naman na nasa gitna ay may hawak na chocolate cake. Si Chelsea naman na nasa bandang likuran ay pinagtutulak ang mga kaklase namin para makapunta siya sa harapan.

"Thea!" mangiyak-ngiyak niyang sigaw bago ako sinugod ng isang mahigpit na yakap. I hugged her back at binalik ang tingin sa mga kaklase ko.

"Thank you." Ngumiti ako.

When I was in the hospital, dumalaw sila sa'kin nung linggo. May ibang hindi nakasama pero parang kasama na rin namin sila because of the internet. We were so happy that day kaya inabot sila ng hapon. At nagpapasalamat ako sa kanila dahil nando'n sila, kung hindi, wala sana akong kasama. Marami kasing pasyente si Doc at si Mama naman at si Jane ay umuwi sa bahay para kumuha ng damit ko at para na rin magluto ng pagkain. Nagcrave kasi ako ng fried chicken at palabok at dahil masarap ang luto ni Mama, siya na ang nagluto imbes na bumili kami. Marami ang pinaluto ko dahil nga dumating ang mga kaklase ko. Tanghali na nung makabalik si Mama kasama si Jane. Pinasundo sila ni Doc kaya hindi sila nahirapan sa pagbitbit sa mga pagkain.

Nang maggabi naman ay bumisita si Doc at Kuya Kyle. Buti na lang marami pang natira sa niluto ni Mama kaya nakahabol pa sila.

Ang buong section namin ay nagcelebrate. Nagpaalam daw sila sa Principal kahapon at pumayag naman ito kaya hindi kami nagklase. Pati ang dalawang teacher namin na nakasched today ay nakisali sa celebration. May gift pa sila sa'kin kaya mukhang nando'n sila nung plinano ito.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon