"DOC!"
Mabilis akong tumalon para mayakap siya. Pati ang mga binti ko ay nakayakap sa kanya. Lahat ng bahagi ng katawan ko namiss siya kaya gusto ko na lang na yakapin siya buong araw kahit magmukha akong tuko.
Nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya, sinisinghot ang panlalaki niyang amoy. Napakabango, hindi katulad ng iba na matapang at masakit sa ilong.
Doc held the back of my thighs para hindi ako mahulog.
"Tama na 'yan. Masyado na kayong matamis. Magkakadiabetese na 'ko."
Inirapan ko ang kapatid ko na biglang sumulpot sa harapan ko. Nakahalukipkip pa siya at paulit-ulit na umiikot ang mata. Parang sinasaniban.
"Inggit ka lang."
"Ako maiinggit sa'yo? Sorry pero napaka isip bata mo para kainggitan ko."
Inirapan niya 'ko bago siya tumalikod at naglakad papunta sa bahay.
"Kakain na tayo. Pero kung gusto mo ng minatamis, then feel free to starve."
Binitawan ko si Doc at bumaba sa lupa. Inalalayan niya 'ko sa pagbaba pero tumatawa siya ng mahina kaya sinamaan ko ng tingin.
"Tinatawa-tawa mo? Ano? Kinakampihan mo ang malditang 'yon?!"
"No, baby. I just realized that what Jane said was right. Isip bata ka."
Kung kay Jane kanina ay wala lang sa'kin ang sinabi niya, iba ngayon. Nalaglag ang panga ko sa gulat. Hindi ko akalaing sasabihin niya 'yon sa'kin at sa harap ko pa mismo.
"A-ako? Isip bata?" hindi makapaniwala kong tanong at tinuro ko pa ang sarili.
"Yes. And I love it. I want you to be my baby forever so don't ever grow up."
Hinila niya 'ko at niyakap ng mahigpit. Ang baba niya ay nasa tuktok ng ulo ko. Dinikit ko ang tainga sa dibdib niya para pakinggan ang puso niya.
Fast. Mabilis. Parang nakikipagkarera ang puso niya dahil sa bilis ng tibok katulad ng sa'kin. Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? Bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nandiyan siya?
"Magyayakapan na lang ba kayo diyan?"
Sumilip ako sa likuran ni Doc and I found my sister there. Nakacross arms at masama ang tingin. Akala ko umalis na siya.
"Magboyfriend ka na kasi, Jane. Tatanda kang dalaga niyan." Ngumisi ako.
"Nah. Napakabata ko pa para masaktan."
"Hindi ka na kaya bata. Mag-e-eighteen ka na next year."
"Saka na, James. Kapag kaya ko na ang sakit. Tss. Bahala na nga kayo diyan!" Padabog itong umalis.
Sumunod na rin kami pagkaalis ni Jane. Baka kasi magwala pa 'yon. Gutom na siguro kaya mainit ang ulo.
"Kumusta ka naman sa hospital, Jonathan?"
Tahimik lang akong kumakain at nakikinig lang sa pag-uusap nila. Pati ang maldita ay nakisali na sa usapan. Nakakain na kasi kaya mabait na.
"I was a bit busy, Mama. Marami po kasing pasyente."
"Kuya J, kumusta naman 'yung feeling na nasa malapit lang ang mga covid positive patients? Nakakatakot ba?"
Umirap ako dahil sa tanong ni Jane.
Kumakain kami tapos 'yung virus 'yung pag-uusapan? Why can't they just leave the virus alone?
"It wa--"
My phone rang kaya hindi natapos ni Doc ang sinasabi. Kinuha ko ito at tinignan ang tumatawag. Si Chelsea.
"Who's that?" Nilingon ko si Doc at nang makitang titingin sana siya sa screen ng cellphone ko ay mabilis ko itong tinago.
BINABASA MO ANG
A Writer's Diary [COMPLETE]
RomanceJames Alethea is a humble young student in Senior High in the Philippines. She wasn't interested in love or being in love because of a heart disease that she was born with. Not until her new doctor came in her life, Dr. Yves Jonathan. He's one of th...