Writer's Chapter Thirty-Nine

83 52 0
                                    

MAAGANG bumyahe si Doc pabalik ng Manila. 6AM iyon. Hindi dapat siya papasok at nagpaalam siya pero tinawagan siya ng hospital. They need him at sino ako para pigilan siya? He's a doctor and his patients need him. Hindi sapat ang mga doctor dahil sa dami ng nadadagdag na mga pasyente araw-araw.

I'm also his patient pero wala naman akong Covid at hindi pa 'ko nag-aagaw buhay. Ayokong mamatayan na naman siya ng pasyente dahil sa'kin. Ayokong masabihan na naman akong paimportante kapag may nangyaring masama sa pasyente niya habang kasama niya 'ko. Ayokong pati katrabaho niya sa St. Luke's ay kainisan ako at ayokong makarinig uli ng isang nurse habang sinasabi kung gaano kabagay si Doc sa isang doctor din na kagaya niya. Ayoko ng maulit ang nangyari noon sa PHC kung saan namatayan siya ng pasyente dahil sa'kin.

Habang nagsusulat ako ng panibagong chapter sa isang story ko sa wattpad ay nagring ang phone ko. Sinarado ko muna ang laptop at mabilis na sinagot ang tawag sa pag-aakalang si Doc iyon.

"Thea!"

Mabilis kong nailayo ang phone sa tainga ko dahil sa malakas na sigaw ni Chelsea. Sumimangot ako at niloud speaker na lang. Baka mabasag pa ang eardrums ko dahil sa kanya.

"Bakit?"

"Parang nakita ko si Doc J kanina."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Paano? At nasa'n ba ang babaeng 'to?

"Naglilibot ka na naman ba, Chels?"

Noong nakaraang buwan kasi ay nagpunta siya ng Manila para mamasyal daw. Nakalimutan niya yatang may pandemic. Samantalang ako kung hindi ko pa pinapunta si Kuya Gi sa amin, baka naburo na 'ko do'n hanggang sa matapos ang pandemic.

"Hindi, hindi! Nagpunta lang ako sa St. Luke's kasi lalabas na sina Ate ko at ang baby niya."

Napatango ako. Oo nga pala. Nanganak nga pala sa St. Luke's ang Ate niyang sa Manila nakatira. Last week pa siya nanganak and it's a baby boy. Tuwang-tuwa ako nang isend ni Chelsea sa'kin ang picture anak ng Ate niya. Napakacute kasi at pulang-pula ang pisngi. Parang ang sarap hawakan dahil maliit lang siya.

"Paano mo nakita si Doc?"

"Nung nasa harapan ako ng St. Luke's parang nakita ko si Doc J. Hindi ako sure kung siya 'yon dahil kalahati lang ng mukha niya ang nakita ko. Pero kasing tanggad niya si Doc J at pareho pa sila ng kulay ng mata kaya siya agad ang naisip ko."

Pumikit ako at inalala ang kulay green na mga mata ni Doc. Baka nga siya ang nakita ni Chelsea dahil siya pa lang ang nakita kong may ganong kulay ng mata sa mga Doctor sa St. Luke's.

"Baka siya nga ang nakita mo, Chels."

"Pero nasa PGH siya, 'di ba? 'Di ba lumipat siya do'n?"

Naalala ko na naman ang pagpapalipat sa kanya sa PGH. Ang pagtawag sa kanya ng spokesperson ng hospital. Inis na inis ako sa kanya no'n dahil ang hospital na 'yon ay halos covid positive patients ang nakaconfine. Mas lalong hindi siya safe do'n pero hindi pa rin siya nagpapigil. Pumayag pa rin siyang lumipat doon kahit ayaw ko.

"Bumalik siya sa St. Luke's, Chels."

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Chels hanggang sa magpaalam na siya dahil uuwi na daw sila sa bahay ng Ate niya. Gusto ko sanang makita ang anak ng Ate niya kaso nasa byahe na daw sila. Pero magvivideo call daw siya sa'kin mamayang gabi para ipakita ang baby kaya natuwa ako.

Bumalik si Doc sa St. Luke's dahil sa'kin. Dahil nung nasa PGH siya ay halos hindi ako makatulog sa pag-aalala at nung umuwi siya ay nagcardiac arrest pa 'ko sa harapan niya kaya napagdesisyonan niyang bumalik sa dating hospital na pinagtatrabauhan niya. Natuwa ako no'n pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala dahil hospital pa rin 'yon sa Manila, tumatanggap din 'yon ng covid patients.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon