Seven

16 0 0
                                    

Natapos naman ang research at nakapasa naman kami sa unang defense namin. Minsan ay sumasabay sa amin si Felicity kapag lunch. Hindi pa rin sumasabay sa amin yung mga kaibigan ni Paul.

"Bess, pati ba naman si Andrew sinungitan mo? Wala na talagang manliligaw sa'yo nyan." Minsang sabi sakin ni Ash habang kumakain kami sa cafeteria

"Wala akong ginawang masama. Sinabi ko lang ang totoo." Depensa ko naman

"At grabe namang maka-hurt ng ego ang sinabi mo girl!" Sabi naman ni Hans

Ewan ko sa kanila. Sinabi ko lang naman ang totoo. Anong masama don?

-Flashback-

Pauwi na ako ng makita si Andrew na nakasandal sa hood ng kotse ko. Wag mong sabihin na makikisabay na naman yan. Tsk

"Hi Devin!" Bati niya ng makita ako. Hindi ko siya pinansin at binuksan ko na lang ang kotse ko. Papasok na sana ako ng makita siyang papasok din sa kotse ko.

"Wala ka bang sariling kotse?" Malamig na sabi ko na nagpatigil sa kanyang pumasok ng tuluyan

"What? I beg your pardon?"

"Ang sabi ko, wala ka bang sariling kotse? At halos araw-araw na lang ay nakikisabay ka sakin? As far as I can remember, meron. At kung wala man, may mga kaibigan ka naman na pwede kang makisabay. Nakakaabala ka na kasi." Bored na sabi ko

"I... s-sorry. Hindi ko naman alam na nakakaabala na pala ako." Sabi niya sabay sinarado ang pinto at medyo lumayo sa kotse

"Ngayon alam mo na." Sabi ko saka pumasok at pinaandar ang kotse. Great. Andrew-free na din sa wakas.

-End of flashback-

"Walang masama sa sinabi ko. Dyan na nga kayo." Tumayo na ako para pumunta sa room at doon na lang tumambay habang hinihintay yung susunod na klase.

Dumating ang huling linggo ng buwan at excited na excited si Ash sa bakasyon namin.

"Susunduin ka namin sa Friday ha? Magising ka ng maaga. By 5am nandun na kami." Nagkataon kasi na walang klase sa Friday kaya maaga kaming makakaalis nun. Taliwas sa planong pagkatapos dapat ng klase ang alis namin.

Kaya eto ako ngayon at nag-iimpake ng mga dadalhin ko. Medyo late na din ako nakatulog kasi kahit papano naman ay excited din ako. Panigurado namang hindi kasama ang mga kaibigan ni Paul dahil sa akin diba?

Nagising ako ng alas kwatro ng umaga at nagsimula ng maligo at mag-ayos. Saktong natapos ako ay ang pagdating nila Ash. Bumaba na ako at sinalubong sila sa pinto. Si Paul na ang nagdala ng gamit ko pababa. Isang bagpack at hand carry lang naman ang dala ko.

"Nagbreakfast na kayo?" Tanong ko kay Ash habang pababa kami

"Hindi pa. Gumawa naman ako ng sandwich kaya may makakain tayo sa byahe."

Pagdating namin sa baba ay agad kong nakita si Hans na nag-aabang sa amin. Si Hans lang. Ibig sabihin, apat lang talaga kami. Walang ibang asungot. Kaya naman umaliwalas ang mukha ko.

Si Paul ang magmamaneho at katabi niya sa harap si Ash. Si Hans naman ay doon sa pinakalikod ng van umupo. Ang sabi ko ay tumabi na lang sakin kasi maluwag naman. Ayaw niya naman at mas gusto niya daw sa likod. Hinayaan ko na lang at nakinig na lang ako ng music habang nasa byahe. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Naramdaman kong umaandar pa naman ang sasakyan at nakasandal ako sa balikat ata ni Hans. Sus. Tatabi din pala sa akin, magpapakipot pa. Natulog na lang uli ako at mas humilig sa balikat ni Hans.

That Untamed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon