Sixteen

3 0 0
                                        

Nanunuod lang ako nang marinig kong gumagalaw si Jay sa kama niya.

"Dahan-dahan. Gutom ka na ba?" Tanong ko dito habang inaalalayan siyang sumandal. Oras na rin kasi para maghapunan at dumaan na din sila Mommy kanina dito para sa mga damit ni Jay pero umalis din agad dahil may aasikasuhin pa sila.

Tumango lang ito kaya kinuha ko yung mangkok na nasa lamesa at ako na ang nagpakain ng sopas sa kanya. Wala pa sa kalahati ay inayawan na niya yung pagkain kaya hinayaan ko na lang. Pinainom ko na din siya ng gamot niya.

"Where's Mom and Dad?" Tanong niya makalipas ang ilang sandaling pagkatulala niya.

"Bumalik sila dito kanina. Pero umalis din. They'll be back tomorrow." Tango lang ang sinagot niya at tinuon ang atensyon sa pinapalabas ngayon sa TV.

Hindi rin kasi maiwan nila Mommy yung trabaho kaya kailangan nilang bumalik din agad sa bahay. Nasa States kasi talaga yung main office nila at dinala nila yung trabaho dito sa Pilipinas para sa amin ni Jay. Alam kong nahihirapan din sila sa pagaasikaso lalo pa't nasa malayo sila. But I really appreciate yung effort nila na umuwi dito. Matagal din kasi silang hindi umuuwi at masaya ako na ngayon ay kasama ko sila.

But I might talk to Dad about them going back to the States. Mas magiging madali kung nandun sila. Isa pa, mas magiging okay si Jay kung nandun siya. I know hindi lang basta dahil dun sa sumulpot na kotse kaya nabangga siya. Paniguradong nakainom 'to o di kaya wala sa wisyo nung nagdadrive. Kahit chickboy 'tong kapatid ko, alam kong may pinagdadaanan siya at ayokong maulit 'to. Hindi man siya nagkukwento sakin, nararamdaman ko din naman. He's my brother after all.

A week after na makarecover si Jay nagstay muna ako sa bahay ng ilang araw. I would drive to school from there and back again. Kaya yung gising ko na 6 ay mas naging maaga. Baka kasi maabutan ako ng traffic at malate pa sa klase ko.

I've talked to Daddy about them going back to the States. Sabi niya pag-uusapan daw nila ni Mommy. It's the first time in years na magkakasama kasi kaming lahat. I totally understand the sentiment but still ayoko din namang nahihirapan sila. I can handle myself well. I'm quite used to it so doesn't bother me at all.

Isa pa, nandito naman sila Paul para samahan ako. I won't be totally alone.

I stayed for a week bago ako bumalik sa condo. Jay's all better now. Gumigimik na naman pero mas nalessen na. I tried taking care of him for the whole week kahit tinataboy niya ako minsan kasi ayaw niyang bine-baby siya.

Sa ngayon, taong bahay pa muna siya dahil ayaw niyang magtrabaho dito. He's an Achitecture graduate. Ang gusto niya ay doon siya sa States magtrabaho dahil less hassle daw at mas convenient sa kanya. Hindi daw siya naistress doon unlike here. Hindi ko din magets yung pinagsasabi niya kaya hinahayaan ko na lang. Babalik din naman daw siya doon in a couple of months.

Today's a Monday and first day ng exam namin. Normally, hindi naman ako naistress when it comes to exams or quizzes. But this time, it's different. This is my last year and I wouldn't want to fail any of my subjects. I'd want to graduate with flying colors and, of course, with my friends.

"May sakit ka ba? Ang putla mo." Sita ni Paul sakin habang sinasapo yung noo ko kung mainit ba.

"Okay ka lang, bess?" Tanong din ni Ashley habang nakatingin din si Hans at hinihintay ang sagot ko

"I'm fine. Kinakabahan lang ako sa exam. Baka bumagsak ako e." Sagot ko naman sa kanila.

"Sus! Akala ko naman kung ano! Papasa ka girl, with flying colors pa nga! Wag kang echusera!" Sabi naman ni Hans at humarap na sa harap para magbasa uli. Mas marami daw kasing pumapasok sa utak niya kapag nagkacramming siya sa pag-aaral.

Minsan ko ng triny yon para sa isa sa mga quiz namin bilang trip lang at muntik pa akong bumagsak. It wasn't my style and I wasn't used to it kaya siguro ganon. Tinawanan pa nila ako at sinabing ipagpatuloy ko lang daw para hindi naman daw ganun ka magkakalayo yung grades namin. Mga baliw!

Maya-maya pa dumating na yung proctor namin. Dinistribute niya agad yung questionnaires at binigyan kami ng isa't kalahating oras para masagutan. Tatlong subject ang i-eexam namin ngayon. MWF kasi yung schedule ng exam namin. Kaya tuwang-tuwa yung tatlo na may pahinga na isang araw kada after exam. May oras pa daw silang magreview para sa exam kinabukasan.

Nang matapos yung pangalawang exam ay naglunch muna kami. Mamayang alas tres pa kasi yung last na exam para ngayong araw. Sa labas na lang kami kumain para makatambay na din.

Pagkatapos namin kumain sa Jollibee, pumunta kami sa isang coffee shop para doon daw tumambay at nang makareview daw si Hans sa nakakarelax na lugar.

Pagdating namin doon, hindi rin naman nakapagbasa uli si Hans. Nakikisabay lang din siya sa kwentuhan namin. Dagdagan pa ng pagdating nila Lucas. Kakatapos lang kasi ng exam nila. Buti pa sila pinayagan na i-adjust yung last exam. Strikto kasi yung proctor namin e. Nakakainis!

"Kamusta? Dean's lister pa rin ba?" Pang-aasar ni Lucas na nakaupo sa tapat ko

"Tss. Ewan ko sa'yo. Tigilan mo ako." Pagsusungit ko dito

"Sungit naman ni ganda! Anyare dito?" Baling niya kila Ashley

"Yaan mo yan. Stressed lang yan kasi exam week." Sabi naman ni Ash sa kanya.

"Sus. Kaya mo yan! Ikaw pa ba!" Nasabi na lang ni Lucas at tumayo na para mag-order.

Sumunod din si Charie sa amin. Magkatabi sila ni Andrew ngayon habang may sarili silang mundo. Hindi ko pa rin feel na maging kaibigan si Charie. May something kasi sa kanya na parang may mali, like every inch of her screams lies and pretentions. Hindi ko alam kung ako ba ang may mali o sila, kasi hindi nila maramdaman yon. I tried to be cool about it kahit na minsan napapansin kong ang plastik talaga ng pakikitungo niya. But then again, who am I to judge? Hindi ko naman talaga siya kilala at ayaw ko siyang mas kilalanin pa.

"Dev, g ka sa sabado?" Tanong ni David sakin patungkol doon sa outing na sinasabi nila. Tapos na daw kasi yung exam kaya gusto nilang mag-unwind. Wala naman atang ibang alam gawin tong mga to kundi mag-unwind e. Pumayag na lang ako kaysa humaba pa ang usapan kapag umayaw ako.

"Bess, gusto mo sumama samin ni Charie after exams sa Friday? Shopping!" Aya ni Ashley na halatang mas excited pa sa outing kaysa sa exam.

"Pass." Sabi ko na lang at narinig ko pa siyang sinabi na ang KJ ko daw talaga.

Bumalik kami sa building namin bago mag alas tres habang naiwan naman yung iba sa coffee shop at yung iba naman umuwi na.

~*~

Sabado ng alas singko ng umaga ay naririnig ko na ang pagdoorbell nila. Kinuha ko na yung hand carry at bag pack bago tumungo sa pinto para buksan.

"Goodmorning!" Bati ni Lucas sakin.

Nakafaded blue polo, white sando at board shorts siya habang nakasuot ng shades. Gusto kong matawa kasi hindi pa naman sumisikat yung araw pero nakashades na siya. Pero infairness naman sa kanya, gwapo naman talaga itong si Lucas. Hindi ko lang pinupuna dahil baka lumaki ang ulo.

"Earth to Devin." Sabi niya na nagpagising sakin sa pagkakatulala sa kanya. "Natulala ka na sa kagwapuhan ko." Dagdag niya pa na may kasamang kindat kaya inirapan ko lang at lumabas na. Sumunod na lang din siya sakin sa elevator.

"Kasama si Charie?" Hindi ko mapigilang itanong habang pababa kami sa elevator.

"Yup. Why?" Nilingon naman niya ako habang nakakunot ang noo niya. Iling lang ang sinagot ko. Alam naman na niya kung bakit.

"You really don't like her, do you?" Tanong niya pa

"Hindi ko lang siya feel."

"Ganon na din yun. Haha!" Sabi niya pa sabay gulo sa buhok ko

Siguro after kila Ashley, si Lucas na ang sunod na pinagkakatiwalaan ko. Kumportable ako sa kanya. If Ashley's my girl bestfriend, I consider him as my guy bestfriend. Yung feeling na kumportable akong sabihin sa kanya yung mga hindi ko masabi kay Ashley, like yung about kay Charie. That's why I'm happy that I have him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Untamed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon