Miyerkules na ngayon pero hindi pa rin ako kinakausap ni Lucas. He's giving me the cold shoulder though hindi ko alam kung bakit.
Magkakasabay pa rin naman kaming kumain tuwing lunch break pero never lumingon sa gawi ko si Lucas. I'm quite bothered by it but I didn't let it get to me.
Maging sila Ashley naninibago din sa pakikitungo ni Lucas sa akin these past two days. Tuwing tinatanong naman nila ako kung bakit, wala naman akong masagot dahil maski ako hindi ko alam ang dahilan. Ayoko namang kulitin siya dahil baka mas lumala pa kaya naman hinayaan kong lumipas muna kung anuman yung pag-iinarte niya.
Uwian na at nagplano yung tatlo na tumambay muna saglit bago umuwi pero tumanggi ako. Mas ginusto kong mag-stay muna school to read in advance. Malapit na rin kasi yung Midterms namin at dahil nakasanayan ko na rin naman 'yon.
Nanatili ako sa library hanggang bago mag alas siete ng gabi.
Bago dumiretso sa condo nagdrive-thru muna ako para sa dinner ko. Tinatamad kasi akong magluto ngayon. Idagdag pang medyo pagod na din ako at wala na akong lakas na magluto pa.
Pagkarating ko sa parking lot ng condo ay umakyat muna ako sa lobby para sa mga bills na dapat bayaran. Umakyat ako sa tamang floor at laking gulat ko ng makita ko si Lucas sa labas ng condo ko.
Agad naman niyang inangat ang tingin niya nang maramdamam ang presensya ko.
"What are you doing here?" Gulat na tanong ko dito nang makalapit ako dahil hindi ko naman inaasahan ang pagpunta niya dito.
Napatingin na siya sa supot na hawak ko na ikinakunot ng noo niya.
"You eat first." Saad niya ng ibalik ang tingin sakin. Sumang-ayon na lang ako dahil wala na rin naman akong lakas na makipagtalo.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko nang makarating ako sa kusina habang siya naman ay nanatili sa sala
"Oo. Kumain ka na muna." Rinig kong sagot niya habang binubuksan yung TV at stereo ko. Hinayaan ko na lang siyang manood dun habang kinakain ko yung tinake-out kong chicken, spaghetti, and burger. Tuwing ginugugol ko kasi yung oras ko sa pagbabasa ay mas lalo akong napaparami ang pagkain. Yung tipong hindi mo mamamalayang marami ka nang nakain kasi gutom ka pa.
Nang maubos ko lahat ay pinagsama-sama ko sa iisang plastic yung mga basura tsaka tinapon. Pumunta muna akong kwarto para makapagpalit at nadaanan ko naman si Lucas na naglalaro sa Xbox ko.
Pagkatapos magbihis ay bumalik ako sa kusina para kumuha ng isang tub ng chocolate mint ice cream. Kumuha na din ako ng extrang kutsara in case na gusto ni Lucas.
"Gusto mo?" Offer ko sa kanya samantalang nakakunot siyang nagcoconcentrate sa paglalaro kaya hindi niya ako pinansin. Hinayaan ko na lang at pinanood siya habang kumakain ng ice cream hanggang sa matalo siya. Narinig ko pa siyang nagmura bago kunin yung kutsara ko
"Wait-" bago pa ako makapagprotesta na kutsara ko 'yon ay nasubo na niya. Kumunot naman yung noo niya sa naging reaksyon ko.
"Kutsara ko yan. Tsk. Sa'yo na nga." Sabi ko na lang at kinuha yung kutsara sa lamesa na dapat ay sa kanya. Pinatay ko na yung Xbox at naghanap ng channel na magandang panoorin. In the end, sa balita ko na lang nilagay. Wala kasing magandang mapapanood.
"Sorry...for being cold..." sabi niya makalipas ang nakakabinging katahimikan.
"No, I should be the one saying sorry. My joke was over the top, sorry." Nilingon ko siya at nakitang nangingiti na kaya napangiti na din ako. Ginulo niya naman yung buhok ko kaya nakatikim siya ng suntok sa braso galing sakin.
"Aray!" Impit na sabi niya habang hinihimas yung brasong sinuntok ko kaya naman natawa ako. Sumubo na lang uli ako ng ice cream.
"Kaapelyido mo oh!" Sabi pa niya sabay turo sa TV habang nilalaksan ito kaya napatingin agad ako.
"Isinugod na ngayon sa St. Luke's si Mr. Jay Alcantara na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan..." napatulala na lang ako sa TV at hindi ko na narinig yung mga sumunod na sinabi nung reporter. Nang matauhan ako ay agad kong kinuha yung phone ko na naiwan ko sa kwarto. Maraming missed calls galing kina Mommy at Daddy. I tried to call them pero hindi naman nila sinasagot yung tawag ko.
Shit! This can't be happening right now! Nagmamadali akong bumalik sa sala at nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Lucas. Wala na akong oras para isipin kung ano ang iniisip niya kaya hinila ko na lang siya palabas ng condo.
Pagkarating namin sa parking lot ay agad akong pumunta sa driver's seat pero hindi ko alam kung bakit hindi mapasok-pasok yung susi ko. Naiirita na ako!
"Ako na." Sabi niya habang nakahawak sa kamay ko. Doon ko lang napansin na grabe ang panginginig ko kaya hinayaan ko na lang siya at nanghihina na pumasok sa front seat.
I'm still trying to call them pero wala pa ring sagot and that makes me more frustated! Pagkatapos ay natraffic pa kami. Again, I tried to call mom and finally sinagot na niya.
"Devin!" Sagot niya sa kabilang linya
"Mom! Is Jay alright? I'm on my way now." Kumakabog pa rin yung dibdib ko sa sobrang kaba at takot.
"He's stable now. Please drive safely."
"Yes, mom." Then I hung up. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsulyap ni Lucas sa akin tuwing red light.
Pagkarating sa hospital bumaba agad ako at pumunta sa Nurse's station para tanungin kung saang room dinala si Jay. Agad naman akong umakyat papunta sa room habang nakasunod naman si Lucas sa akin.
"Mom! Dad!" Agad kong niyakap si Mommy at Daddy pagkapasok ko.
Mahimbing na natutulog si Jay. May bendahe siya sa ulo at kaliwang braso habang naka-cast naman yung kaliwang paa niya. May kaunting pasa pa siya sa mukha niya.
"Ano po bang nangyare? Anong sabi ng doctor?" Tanong ko kay Mommy
"Jayjay's fine now. He just need some rest. Bumangga yung kotse niya sa poste ng ilaw. Bigla kasing may sumulpot na isa pang kotse from the other direction and he lost control of the car."
"And the driver from the other car is fine. Though he admitted his fault to the police." Dagdag pa ni Daddy habang nakatingin sa likod ko kaya napatingin din ako. Nakatayo naman si Lucas sa may pinto kaya sinenyasan ko siyang lumapit.
"Mom, Dad. Si Lucas po pala-" pinutol naman agad ni Mommy yung sasabihin ko.
"Boyfriend mo?!" Gulat pa niyang sabi
"No, mom. He's my friend."
"Goodevening Ma'am, Sir." Bati naman niya kila Mommy na medyo nahihiya pa.
"Ano ka ba naman, hijo. Tita, tito na lang." Sabi pa ni Mommy sabay bumaling sa akin. "Sweetie, uwi muna kami ng Daddy mo para kumuha ng mga damit ni Jayjay, okay? Kayo muna ang bahala dito." Paalam pa nila kaya naiwan kami ni Lucas doon para mabantayan si Jay.
Umupo naman ako sa upuan na malapit sa kama ni Jay habang si Lucas naman ay nakatayo lang sa tabi ko.
"Umupo ka kaya." Puna ko dito. Pero nakatulala lang siya sa kawalan nung tignan ko. "Okay ka lang?"
"Sila ang parents mo? Sure ka?" Aba, suntukin ko 'to e.
"Oo naman. Hindi ba halata?" Umiling naman agad siya. "E, kung suntukin kaya kita!" Banta ko naman sa kanya kaya bigla siyang napaatras
"Joke lang! I just can't believe it. They're the most powerful couple in the business world! Idol ko kaya sila! I really can't believe it!" Sabi pa niya habang pumafanboy sa parents ko. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinagbigyan ko na lang. Bigla namang bumukas yung pinto kaya natigil si Lucas sa mga pinagsasabi niya.
"Paul! Ashley!" Halatang natataranta din yung dalawa ng makapasok
"Okay na ba si Jay? Kakakita lang namin sa news." Si Paul ang unang nagsalita habang si Ashley naman ay napatitig na lang sa kondisyon ngayon ni Jay
"He's a mess. But he just need some rest." Sagot ko dito nang mapansin kong gumalaw yung daliri ni Jay at unti-unting gumagalaw yung mata niya. Agad ko namang pinindot yung intercomm sa kwarto niya para magtawag ng nurse or doctor.
Agad namang dumating yung doktor kasama ang dalawang nurse. Tinignan nila ang vital signs ni Jay pati na rin yung sa IV line niya. Binigyan na din ako ng doktor nung mga gamot na kailangang bilhin para kay Jay. Hindi na rin naman nagtagal yung tatlo at naiwan akong nagbabantay sa kapatid ko.
